Ch.2 I Think I Like Her

44 4 0
                                    

Rafael's POV

Grabe di ko talaga malimutan yung itsura niya hanggang ngayon na iisip ko pa din yung mga ngiti niya, she's so simple. Yung mga ngiti niya ay parang ngiti ng isang anghel, Lalo ako na fall nun ngumiti siya sa akin at nag pakilala ^_____^

mejo kinilig nga ako doon ee, Hahaha XD. Habang nag lalaro kami ni Jhacy hindi ko pa din mapigilan na hindi tumingin sa kanya, pinipilit ko mag focus sa laro pero my eyes still wants to look at her beautiful face.

Ang kulit niya nga ee pag natatalo niya ako lagi niya ako inaasar na weak daw ako, agad ko naman sinasabi sa kanya na hintay mo pag gumaling ako sa game na ito tatalunin kita.

puro ganun lang ang ginawa naming hanggang mapagod kami.

Nandito na ako sa room ko, and I'm so tired... Pero worth it naman yung araw ko ee, paano ba naman hindi magiging worth it ee nakita ko na un ideal girl ko.

Ay nakalimutan ko pala kunin yung number niya -__- Sa dinami-dami ng kakalimutan bakit iyon pa. paano ko siya ngayon matetext ~_~ soooooo sad, author gumawa ka naman ng paraan oh!!

"Easy ka lang kasi, excited ka masyado ee trust me" sabi ni author.

"Yes, bait talaga ni author sa akin. Tropa ko yan ee" sabi ko with a wide grin.

Ohhh I have a great idea, I grab my phone and dialed Robert's number.

Robert's POV

o_-

-_o

-_-

o_o

Ano ba yan... Sino ba itong tumatawag sa akin? Nasa kala gitnaan na ako ng panaginip ko oh, hahalikan ko na siya ee. Sasagutin ko nga muna ito, baka importante.

"Hello" sabi ko na medyo inaantok pa ang boses.

"Hoy, Robert" sabi nun tao sa kabilang linya na parang excited na excited yung boses, naka shabu ba itong tumatawag sa akin?

"Teka, Sino ka ba ha? Adik ka ba? Tatawag ka hating gabi na?" sabi ko na may halong inis sa aking boses.

"Ay grabe ka naman bro, kinalimutan mo na ako sige paalam nalang" sabi niya na may kasama pang pag singhot na akala mo ay umiiyak.

"Sino ka ba kasi? At pwde tigilan mo pag dradrama di bagay sayo ee" gusto ko na matulog, tagal magpakilala ng kausap ko at ano kaya kailangan neto? Pera, pagkain, o alak?

"Si Raf to, grabe ka pati boses ko kinalimutan mo na" naririnig ko na mejo natatawa siya sa kabilang linya.

Hayop to, akala ko kung sino si Rafael lang pala "Hayop ka mangbulabog, Di mo ba alam kung anong oras na ha? At for your information nun tumawag ka nasa kala gitnaan na ako ng panaginip ko ha. Ano ba kailangan mo?"

"Ahh... ehh, Kailangan ko kasi ng number ni Jhacy ee. Meron ka ba jan?" sus yun lang naman pala kailangan nambubulabog pa.

"O sige bukas itetext ko siya , baka kasi tulog na yun ngayon ee pag pumayag papasa ko nalang sayo agad, pag hindi pasensya ka ibigsabihin wala ka pag asa" pagtapos nun ay binaba ko na yung call.

Rafael's POV

Yung feeling na yung ngiti mo abot tenga, tapos lagpas tenga pa. Hahahahahaha XD .

"Hoy, Huwag ka muna magpakasaya di pa nga binibigay yung number ee" sabi ni author. Kahit kelan talaga epal sa buhay ko ito si author, minsan nalang maging masaya kinokontra pa.

"Loko ka ha XD, Ayaw mo ba na matuloy itong story niyo ha?" sabi niya with a wide wide grin. Author naman ee, wala naman akong sinasabi db? Bait bait ko nga sayo ee.

"Okay It's good to be sure" Bati na kami ulit ni author kaya itutuloy na naming itong story.

"Matutulog muna ang Rafael Lopez niyo" ^____^

A/N:

Eepal muna ako habang tulog silang lahat *o* Sana magustuhan niyo yung pagtuloy tuloy ng story ko mga readers, kahit kunti palang kayo. Spread niyo yung short story ko para mas happier mas better po.

Bigyan ko lang kayo ng unting hint sa susunod na mangyayari, dito na sila mag geget to know each other. Iyan lang po ang maiksing hint ko sa next part. Hahaha, Short Update lang din to kaya sorry po.

Game Over ( On Going )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon