Hindi mo kailangan mag papansin para masabi na maganda ka.
Hayaan mo na sila ang makapansin ng ganda na tinatago mo, hindi mo kailangan mag lagay ng kahit ano sa mukha mo para masabi nila na maganda ka.
Jhacy’s POV
Bakit feeling ko nag kakaroon na din ako ng gusto sa kanya, pero hindi naman pwede ito dahil ngayon palang naman kami nagkakilala parang ang bilis ko na magustuhan siya.
Pero dahil din siguro dahil mabait siya, sweet at masarap kasama siguro yung mga bagay kaya nagugustuhan ko siya, pero mas gusto ko pa siya makilala ng lubusan.
Gusto ko muna pigilan yung feelings na nararamdaman ko sa kanya, pero di ko naman alam kung paano iyon pipigilan.
Paano kaya kung di ko muna siya pansinin siguro magiging malaking bagay yun para mabawasan yung feelings ko sa kanya.
Nagulat ako ng mag beep yung phone ko, paano ba naman kasi nag iisip ako dito ee.
Text message:
From: Rafael
Kamusta ka JhayL? Maraming salamat pala ulit dahil sumama ka sa akin kahapon ha. May gagawin ka ba ngayon, gusto kasi kita yayain mag dinner mamaya ee.
Iniisip ko palang yung gagawin ko na pag iwas sa kanya bigla naman sakto yung pag dating ng text niya, di ko nalang siya rereplayan.
Matutulog nalang muna ako dahil wala ako magawa ngayon.
Rafael’s POV
Tinatawagan ko siya pero di niya din sinagot yung mga phone call ko, nakakainis naman. Ilang araw ko na siya hindi nakakausap bakit kaya ayaw niya ako pansinin may nagawa ba ako na mali?
Yayain ko nalang si Alvin ngayon na gumala kung saan saan, hindi naman tatangi yun ee.
Tinawagan ko na siya at pumayag naman siya agad, pupuntahan niya nalang daw ako dito sa bahay kaya ito ang ginagawa ko ngayon hinihintay siya na dumatiing.
Narinig ko na nag ring yung door bell naming, si Alvin na siguro yan kaya binuksan ko na yung pinto and speaking of the devil is Alvin nga ang nasa labas ng pinto.
Pag ka pasok niya he gave me a wide devilish grin.
“So bro ano ba ang balak mo ngayon? San mo gusto pumunta?” tanong sa akin ni Alvin.
“Sa ngayon kasi gusto ko pumunta ng mall may gusto kasi ako bilin dun ee” sagot ko naman agad sa kanya.
Si Alvin Cruz, 22yrs old pero hindi naman halata sa mukha niya yung edad niya, siya ang kaisa isang best friend ko, parang kuya na din ang turing ko dito.
5’10 naman ang height, may magandang tindig ng katawan at maputi o di ba saan ka pa kay Alvin na at higit sa lahat pogi. “Teka saan banda?” tanong ni author. Hahaha, mukhang hindi agree si author.
Sa ngayon ayaw niya muna pumasok sa kahit anong relationship, masyado daw time consuming ag pag kakaroon ng girl friend. Madami pa din daw siya inaasikaso ngayon sa business nila ng papa niya.
Halos sabay na din kami lumaki nito, sabay nag kamuwang sa mundo, at sabay na din nagpatuli hehehe.
Naalala ko nga noon nagpapalakihan kami ng ano… nun ano... nun tyan. Hahaha pero un ano talaga yung basta hindi ko nalang sasabihin bahala kayo mag-isip kung ano yun.
BINABASA MO ANG
Game Over ( On Going )
Novela JuvenilActualy I don't know what kind of description i will put in this story, but this a kind of a extraordinary love. Read it, for you to understand what kind of extraordinary love i'm saying in this story.