Sorrow's POV
Agad akong tumakbo papunta sa aming silid aralan dahil nagsimula na pala ang klase. Medyo malayo pa kasi ang room namin mula sa pinuntahan ko kanina. Hingal na hingal ako habang patuloy sa pagtakbo. Hindi ko tuloy namalayan ang biglaang pagsulpot ng isang lalake na mukhang nagmamadali rin.
" Aray!" Angal niya habang nakasalampak sa sahig. Maski ako ay sapu sapu rin ang aking balakang dahil sa impact ng aming pagkakabunggo.
" Ano ba! Are you blind!?" Padarag siyang tumayo atsaka tumingin sa gawi ko. Ramdam ko ang matalim na titig niya sakin kaya naman ay hindi ako tumingin sakanya bagkus ay sa sahig ko na lamang itinuon ang atensyon ko. Tumayo na ako ay akmang aalis na nang hawakan niya ng mahigpit ang braso ko. Sa sobrang higpit ay napadaing ako.
"A-aray" mahinang usal ko.
" Next time, wag kang pasulpot sulpot sa dinaraanan no. Or else-" hindi ko na siya kinibo dahil napatingin ako sa wrist watch ko. Naku! Late na talaga ako!
" Sorry" sabi ko at mabilis na hinugot ang braso ko mula sakanya at agad na humarurot ng takbo. Ayokong makipag away dahil baka makasama ito sa record ko at maging dahilan ng pagkawala ng scholarship ko.
Nang makarating ako sa aming kwarto ay nagsisimula ng magturo si Professor Dee. Agad akong kumatok sa pintuan para makuha ang kanyang atensyon.
" A-ah... I-i'm sorry po, I'm late." Sabi ko sabay punas sa pawis na namuo sa aking nuo.
" Oh? I thought may sakit ka? Okay ka na ba?" Sabi niya na nagpagulo sa utak ko.
" P-po?"
" Sabi ni Bliss---"
" Ah prof! Baka pinalabas na siya nung nurse." Agaw ni Bliss. Sabay pinanlakihan ako ng mata.
" A- ah? Opo. Uhm, pumunta po ako dun kanina kasi biglang sumakit ang ulo ko." Pagsisinungaling ko. Mukhang gumana naman dahil hindi niya narin ako tinanong pa at nagpatuloy na sa discussion.
" Psst! Salamat" sabi ko kay Bliss na siyang katabi ko. Palagi niya akong pinagtatakpan sa mga professor namin kaya naman ay laking pasasalamat ko sakanya.
" Tch. Ano ka ba? Wala yun! Teka? Bakit ka nga pala biglang umalis kanina? Anong masakit sayo?" Sabi niya sabay hawak sa noo ko na tila sinusuri kung may lagnat ako.
"Ah? Wala yun. Migraine lang siguro." Pagpapalusot ko.
NATAPOS ang klase at halos activities lang ang ginawa namin. Lunch break na at papunta na kami ngayon ni Bliss sa cafeteria para doon kumain. Pagtapak palang namin doon ay napaawang ang bibig ko nang mapagtanto kung sino ang makakasalubong namin.
Siya yung lalaki kanina! Diko man nakita ang mukha niya, pero tanda ko ang sapatos niyang may maliit na print ng mukha ni batman sa gilid.
" Uy! Tignan mo Sorrow oh! Ang pogi niya! Siya siguro yung transferee na pinag uusapan nila prof kanina sa faculty room nung may pinahatid saking files dun si Prof Dee." Napatingin ako sa gawi niya. " Balita ko anak siya nung may ari eh."
" Tara na Bliss. Pumila na tayo. Gutom na ako." Sabi ko dahil ramdam ko ang masamang tingin nung lalaki sakin. Mukhang namumukhaan niya ata ako.
" Oh? Okay!" Masiglang sabi niya sabay hila sakin papunta sa may counter.
Nauna na siyang mag order habang ako naman ay nakatayo palang sa likod niya. Ramdam ko na may nakipila rin sa likod ko dahil sa bahagyang pagdumbo ng harap nito sa akin.
Matapos kong makapag order ay agad akong nagbayad. Akmang aalis na sana ako pero nakita ko ang isang paa na sinadyang ipangharang sana sa daraanan ko para matumba ako. Tinignan ko kung kanino iyon at nagulat ako ng makita ko ulit siya!
Nakangisi siya ngayon sakin na tila may binabalak na masama.
"Hi? We meet again, Sorrow?" Nagulat ako ng malaman niya ang pangalan ko. Paano niya nalaman!?
" Sorrow! Bilisan mo!may nahanap na akong upuan!" Oh? Mukhang alam ko na kung saan niya narinig. Agad akong tumalikod sakanya at pumunta sa direksyon ng naghihintay na si Bliss.
Ngunit bago pa ako makarating ay narinig ko siyang bumulong.
" Don't turn your back on me while I'm talking" may authority na sabi niya. Napatingin ako sa paligid. Mukhang napansin na nila ang nagaganap na tensyon sa amin.
Hindi ko ito pinansin. Naglakad ulit ako ngunit nahigit niya ang braso ko.
Bago pa ako makaangal ay naramdaman ko nalang ang isang bagay na dumampi sa labi ko. Narinig ko ang singhapan ng karamihan. At lahat yun ay mula sa mga babae. Dilat na dilat parin ako habang gumagalaw iyon sa labi ko. Saka ko lang napagtanto ang lahat ng magmulat sya ng tingin.
" Hmm? I like strawberries." Napaawang ang labi ko ng dilaan niya pa ang labi niya habang nakatingin sakin. No! Sa labi ko pala!
" How dare you!" Akmang sasampalin ko na sya ng maagap niya iyong nahawakan.
" You wouldn't dare, Miss strawberry lips." Sabi niya sabay ngiti ng nakakaloko. Yung tipong may na accomplish na naman siya.
Argh! Mapapatay ko siya! I swear! Isusunod kitang hayop ka!
" Manyak!" Sigaw ko sa pagmumukha niya habang nakangisi parin siya.
Hinapit niya ang beywang ko sabay lapat ng labi niya sa tenga ko.
" I like your bravery Ms strawberry lips. By the way, I'm Grief" he said tapos tuluyan na niya akong iniwang tulala!
How...How could he get my first kiss!! Damn you asshole!
BINABASA MO ANG
The Death Planner
Mystery / ThrillerSorrow is my name and death planning is my game. Be ready to play with the flame. 'Coz Im burning in Satan's name. Date written: May 06,2019 Written by Kingsley ©