Death 3

25 5 3
                                    

Grief's POV

Damn that woman! Ang sakit tuloy ng pwetan ko dahil sakanya. Tss. Hindi ko pa nakita kung ano ang pagmumukha niya dahil nakayuko siya. Mahaba ang buhok niya na nakaladlad kaya't hindi ko napansin ang mukha niya.

Akmang aalis na sana siya ngunit nahawakan ko ang braso niya. Hinigpitan ko ang pagkakahawak nun dahil alam kong tatakas siya. Ang ayoko sa lahat ay binabastos ako!

"A-aray" napatigil ako ng marinig ko ang boses niya. Napakalumanay nun kaya natuon ang pansin ko sakanya. Tinignan ko ulit siya habang nakayuko.

" Next time, wag kang pasulpot sulpot sa dinaraanan no. Or else-" hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko nang bigla nalang siyang tumakbo. Damn that woman!

" Sorry" rinig kong sabi niya bago umalis.

"Tch. I'll see you again." Nakangising sabi ko.

Aalis na sana ako nang mapansin ko ang isang bagay sa paanan ko. Kinuha ko iyon at tinignan.

Sorrow Sarmiento

ID niya ito! Natanggal siguro ito nung nagbanggaan kami. Tinignan ko ang mukha niya at natulala ako dahil dun. Napakaganda niya. Bakit siya nakayuko kanina kung may maipagmamalaki naman pala siyang mukha? At bakit galing siya sa likuran ng eskwelahang ito?

" Grief?" Napaangat ako ng tingin  nang may tumawag sakin. Ah! Si daddy lang pala.

" Sup Dad!" Bati ko. Napatingin siya sa hawak hawak kong ID. Agad ko iyong ibinulsa bago tumingin ulit sakanya.

" Oh? I guess may natipuhan ka na?" He said while smirking. Tss. Parati niya kasi akong nirereto sa mga babae.

" Tch. Nasaan na ang Room number ko? And my ID?" Pag iiba ko ng usapan. Dito na ako mag aaral sa eskwelahan namin. Yes. My dad is the owner of Paterson Academy. I came from states dahil nandoon si Mom. At ngayon nga ay pinauwi niya ako dito to continue my studies here.

" You're late already son. Bukas ka nalang pumasok." Sabi niya bago ako iginaya sa opisina niya. It is well air-conditioned. Malinis din ito. Ayaw kasi ni Mom ng burara kaya ganyan na si dad.

" So? What would I gonna do here? Panoorin ka na umupo diyan?" Nakasimangot na sabi ko.

" Oh? Actually no. You can go outside. Familiarize the academy. Soon ikaw na ang magpapalakad nito." He said while eyeing on me.

" Okay. Give me first my ID and room number." Sabi ko. Agad naman niya iyong ibinigay sakin. Tinignan ko ang ID ko. Hmm? I have an Idea. "Bye Dad!" Sabi ko saka umalis.

Pagkalabas ko ng opisina niya ay agad na bumati sakin ang mata ng mga estudyante. Tss. Ngayon lang ba sila nakakita ng gwapo? Hindi ko nalang yun pinansin. Napunta ako sa cafeteria ng school. Naramdaman ko kasi na kumakalam na ang sikmura ko. Sakto naman na lunch break na pala nila.

Habang nakatayo sa gilid ay bigla nalang may umakbay sakin. Akmang tatanggalin ko na sana iyon ngunit bigla itong nagsalita.

" Oh! Easy bro! Haha! Gotcha!" Oh! It's Zion. I thought hindi siya lilipat?

" Hey bro! Namiss mo ba ako agad kaya mo ako sinundan?" I smirked. Well, he's my bestfriend. Sabay na kaming lumaki sa states. Kaya ako nagtataka ngayon kung paano siya napunta dito sa Pilipinas.

" Hell no! Tch. Kausapin mo ang mommy mo. " Oh! Nakuha ko na. His mom and mommy are bestfriends too. Siguro ay kinumbinsi ni mom na paliparin din itong si Zion dito.

" So? Dito ka na rin mag aaral?" I asked.

" Apparently yes. Nauna lang akong dumating sayo dito. Tch. Ang aga aga kasi nakikipaglandian na agad." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

" Huh?" Sa halip na sumagot ay may ininguso siya. Sinundanko iyon and viola! It's the girl earlier.

" She's beautiful." Napatingin naman ako sakanya." Oh! Ito naman! Hindi ko siya aagawin sayo!" Buti naman. " Besides, the woman who's with her really caught my attention" pagpapatuloy niya habang nakatingin sa kasama nung babae, but I don't care.

Nakita ko silang nakipila kaya sinundan ko sila. Iniwan ko muna si Zion dahil nauna na pala siyang nakaorder. Tumayo ako sa mismong likuran niya. I smiled nang mapansin ang ID lace niyang walang laman. Tch. Hindi manlang ata niya napansin.

Matapos niyang bumili ay aalis na sana siya pero iniharang ko ang paa ko. Alam kong nakita niya iyon kaya't tumigil siya. Nginisihan ko siya ng mapatingin siya sakin.

Hi? We meet again, Sorrow?" Kita ko ang gulatsa mukha niya. Apparently iyon ang nakasulat sa ID niyang pangalan so I conclude na siya nga iyon.

" Sorrow! Bilisan mo!may nahanap na akong upuan!" Napatingin siya sa kaibigan niya nung sumigaw ito. Aalis na sana siya pero agad ko siyang kinabig.

" Don't turn your back on me while I'm talking" madiin na sabi ko. Pero hindi niya ito pinansin. Parang wala siyang narinig.

Napatingin ako sa mapupula niyang labi. Wala itong kahit anong lipstick pero lumilitawang kulay nun na bumagay sa maputi niyang balat.

Aalis na sana siya pero agad ko siyang hinigit at hinawakan ang dalawang pisngi niya. Aangal pa sana siya but i brushed my lips into hers. I moved mine but hindi siya gumalaw. I smirked saka dumilat saka napatingin sa mukha niyang gulat na gulat parin.

" Hmm? I like strawberries." Sabi ko saka ko dinilaan ang labi ko habang nakatingin sa labi niya. Umanagat ang tingin ko sakanya at napagtanto ko na namumula na pala siya. Oh! I Guess I'm her first kiss?

" How dare you!" Akmang sasampalin niya ako pero nahawakan ko ang kamay niya.

" You wouldn't dare, Miss strawberry lips." Lasa kasing strawberry ang lips niya. Damn! Para ulit akong hinihila para lumapit sa labi niyang ngayon ay kinakagat niya dahil sa hiya.

" Manyak!" Sigaw niya habang nanggigigil na hinablot ang kamay niya mula sa pagkakahawak ko.

Tatalikod na sana siya pero agad kong hinapit ang bewang niya at inilapit ko ang labi ko sa tenga niya. Saka bumulong.

" I like your bravery Ms strawberry lips. By the way, I'm Grief"

Iniwan ko siyang tulala doon at agad akong pumunta kay Zion na nakatingin ng nakakaloko sakin. Agad kong hinablot ang hawak niyang fries dahil nakalimutan kong bumili!

" Hey! That's mine!" Sabi niya.

" Nah! Bumili ka nalang mamaya. " Sagot ko naman. Well. Hindi naman siya madamot kaya binigay nalang niya sakin.

Nakita ko naman ang pagdaan ni Ms strawberry lips sa gilid ko. Napangisi ako ng magtama ang paningin namin.

" Bwisit kang lalaki ka. Magtutuos pa tayo." Rinig kong bulong niya saka umupo sa katapat naming upuan.

" Ang ganda niya." Rinig kong sabi ng katabi ko. Tch. Kaya pala dito pumwesto dahil  kaharap niya yung kaibigan ni Sorrow na namumula na ngayon dahil sa kakatitig ni Zion.

Ohh! Mukhang tandem kami ngayon ni Zion sa kanila ah? Hmmm...

The Death PlannerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon