"ABA HIJA! ANONG ARAW NA?! NOONG NAKARAANG BUWAN KA PA HINDI NAGBABAYAD NG UPA MO RITO! HINDI NA PUPWEDE ITO DAHIL LUGI NAMAN NA AKO!!" Sabi ng landlady na sinisigawan na ako ngayon.
"Pasensya na po, Ate Tess. Pero pangako po--"
"Makakabayad din po ako kapag nakakuha na po ako ng trabaho. Wala pa po kasi talaga akong pera ngayon," panggagaya niya sa dapat na sasabihin ko. "ABA! SAWANG-SAWA NA AKO DYAN SA MGA LITANYANG IYAN. ORAS NA PARA UMALIS KA RITO, LISA! MAG-EMPAKE KA NA KUNG HINDI'Y ITATAPON KO LAHAT NG GAMIT MO PALABAS!!!" Galit na singhal niya tsaka lumabas at sinara nang pagkalakas-lakas ang pinto.
Nanlulumo naman akong napaupo sa single bed na nandito.
Hindi na kasi sapat ang ipon ko para sa pambayad ng upa rito, kulang pa nga iyon para may makain ako sa pang-araw-araw eh.
Kinuha ko ang isang lalagyan na naglalaman ng ipon ko't binilang.
One..
Six...
Sixteen...
"One hundred twenty-five," mahinang bulong ko sa hangin.
Napabuntong-hininga nalang ako dahil hindi ko na alam ang gagawin.
Paano na ako mabubuhay nito? Kaya ko pa bang umalis dito na ganun lang ang pera? Saan pa ako makakakuha ng pandagdag?
Aha!
Dali-dali kong kinuha ang gamit na gamit ko nang backpack na konti nalang ay bibigay na. Hinalungkat ko rito ang wallet ko at nakangiting binuksan, umaasang ito ang magpapabuhay sakin.
"Bente?!" Walang pag-asa kong saad.
Saan na ako pupulutin nito?
BINABASA MO ANG
Sa Likod Ng Mga Tala
Teen FictionTala. Stars. Bituin. Iyan ang sumisimbulo sa pangarap ng isang tao. Mahirap maabot, ngunit kung desidido ka talaga'y makakamit at mahahawakan mo ang mga ito. Mahirap paniwalaang kaya mong kamitin ito, ngunit kapag may pasensya ka't pagtitiyaga ay...