I

7 0 0
                                    


~♥~ Lisa's POV ~♥~

Naglalakad ako ngayon sa gitna ng bukid patungo sa munting bahay ng kaibigan kong si Jennie.

Siya nalang ang bukod-tangi kong mapupuntahan ngayon dahil walang-wala na ako.

Nang makarating na ako ay kumatok ako sa bahay nila at naghintay. Wala pang sampung segundo ay may nagbukas na nito.

"Sino bang istorbo---"

O___O

"Hi Kuya PauPau!!!" Nakangiti kong bati sa taong nagbukas ng pintuan na sa tingin ko'y naistorbo ko sa pagtulog.

"JENNIEEEEEEEE!!!" Malakas na sigaw niya at dali-daling tumakbo papalayo sa pintuan.

Agad na kumunot ang noo ko. Anong problema nun?

"ANO BA YAN KUYA!!! KUNG MAKASIGAW KA NAMAN EH! ANG AGA-AGA HA!! BWISET!!" Rinig kong sigaw ni Jennie mula sa loob.

Narinig ko na rin ang mga yabag niya papalapit sa pintuan.

"Sino po ba si---LI-LI!!!!! WAHHHH!!" Tili niya at dinambahan ako ng yakap.

"HUHUHU JEN-JEN!!!" Emosyonal na tili ko habang nakayakap sa kanya.

Siya si Jennie Marie Cruz, 18 years old. Single, katulad ko. Jen-Jen ang tawag ko sa kanya at Li-Li naman ang tawag niya sa'kin. Kaibigan ko siya mula noong mga bata palang kami dahil malapit lang ang dati naming bahay rito. Ngunit binenta na ni mama ang bahay namin at nagpunta na kami sa Maynila noong mag-high school ako. Kaya simula noon, nagkahiwalay na kami at ngayon nalang ulit nagkita matapos ang apat na taon.

Pinapasok niya na ako sa loob at pinaupo sa kawayan nilang upuan na gawa mismo ng kanilang amang si Tito Bon.

"Ito oh, tubig," sabi ni Jennie at inabot sakin ang isang basong may may malamig na tubig.

"Ay nako, nag-abala ka pa. Salamat!"

"Wala yun, ano ka ba," nakangiting sabi niya. "Ano na palang nangyari sa'yo bestfriend?"

Napabuntong-hininga ako bago sumagot.

"Pinalayas na kasi ako ng landlady ko eh. Wala na talaga akong pera ngayon at naisipan ko nalang na tumuloy rito dahil ikaw nalang ang meron ako Jen-Jen."

"Ha? Eh nasaan si tita?" Naguguluhang tanong niya

Mapait naman akong napangiti.

"Noong araw na lumuwas kami pa-Maynila, iniwan ako ni mama sa bus stop at sabi niya na ako na raw ang bahala sa buhay ko dahil hindi niya na raw ako kayang buhayin. Kaya ayun, mag-isa nalang akong tumayo sa sarili ko. Naghanap ako ng mga trabaho para kahit papaano ay may makain ako, tsaka nag-take ako ng exam for scholarship and nakapasa. Dahil do'n, nakapagtapos pa ako ng high school. Kaso pagkatapos kong mag-aral eh nawalan rin ako ng trabaho dahil nalugi yung pinagtatrabahuhan ko kaya nawalan din ako ng pera. Kaya ayun, kahapon napalayas ako dahil wala na akong pambayad sa kanya mula pa noong nakaraang buwan."

Matapos kong magkwento ay humarap ako sa kaibigan ko at nakita ko siyang umiiyak.

"Dapat sinabi mo agad! Alam mo namang tutulungan ka namin, Li-Li. Pamilya na tayo!" Naiiyak na sabi niya habang pinupunasan ang mga luha sa pisngi niya.

"HAHAHAHAHAHAHAHA. Hanggang ngayon Jen-Jen, iyakin ka pa rin!"

Akmang babatuhin niya ako ng unan na nasa upuan nang biglang may nagsalita.

"Ano na namang drama mo sa buhay, Jennie?" Naiiritang sabi ni Kuya Paulo, ang kuya ni Jennie.

Dalawang taon lang ang tanda ni Kuya PauPau sa amin ni Jen-Jen. Tumigil lang talaga siya sa pag-aaral kaya maagang nakapagtrabaho sa isa nilang kamag-anak. Dati palang ay close na talaga kami n'yan.

"WALA KA NANG PAKE DUN KUYA!! At teka lang---- NALIGO KA BA?!" Histerikal na sigaw ni Jennie, ang lakas kaya napatakip nalang ako sa magkabila kong tainga.

"H-Huh? B-Bakit? Masama bang m-maligo?" Nahihiyang sagot ni Kuya PauPau sabay sulyap sa'kin at agad na namula ang mga pisngi.

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!" bunghalit na tawa ng kaibigan ko, "May sakit ka ba kuya? Ni ayaw mo ngang naliligo dahil tamad ka! Himala nga at naligo ka tapos ang aga-aga pa! Bakit kaya---" biglang lumaki ang mga mata niya't nagtatatalon. "HAHAHA OMG! ALAM KO NA KUNG BAKIT! HAHAHAHAHA!!"

"Manahimik ka na Jen, kung hindi ay wala ka nang allowance na makukuha."

Nanahimik naman na si Jen sabay lakad palapit sakin.

"Hmmp! Halika na nga Li-Li! Doon na tayo sa kwarto ko!" Nagtatampong sigaw ni Jennie at tinulungan na ako sa mga bags na dala-dala ko.

At oo nga pala, hindi pa ako nagpapakilala. Ako pala si Lisa Angela Buendia, 18 years old. Maganda raw, matalino, mabait, palakaibigan, nag-iisa nalang sa buhay, nagsusumikap para sa sarili, at...



may pangarap.

Sa Likod Ng Mga TalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon