Hayst. Kakatapos lang namin magpractice
Time check- 5:00 p.m
and pauwi pa lang kami. Nagsabay na kami ni JC since magkalapit bahay lang naman kami. We decided na maglakad na lang para mas mahaba ang kuwentuhan and bonding moment na din since ilang araw din kaming hindi nagkita.
"Alam mo namiss kita." ~JC
"Namiss din naman kita." ~Ako
"So, pano ka ngayon? Hindi ka na sasali sa volleyball team?."~JC
"Huh? Nasuspend lang naman tsaka babalik ako after 1 week of suspension."~Ako
"What if sumali ka na lang sa cheerleading para atleast may taga-cheer sa tuwing nagbabasketball ako." ~JC
"Hala. Eh hindi nga bagay saken yung mga ganon."
"W O W. ehhh hindi mo pa nga nararanasan maging isang cheerleader tapos ganyan agad comment mo?."
"I would love to, pero hindi kase ako ganyang tipo ng babae, okay? Gusto kitang i-cheer, at bakit naman hindi, but not in that way, okay?"
"Wow naman, yes Ma'am"
Ang saya. Ang saya saya. Nakasama ko na ulit yung childhood bestfriend ko. Sobrang dami naming napagkuwentuhan about sa mga nangyari this past few weeks.
Ay!! Hindi ko pa nga pala naku-kuwento sa inyo yung totoong nangyari kung bakit antagal naming hindi nagkita. Siguro mga 2 months yon.
"Ay bukas nga pala may practice kami sa basketball. Gusto mong sumama?" ~JC
"Sige pero I can't promise kasi baka may mga gagawin ako. Text na lang kita if G ako."
"Sige. Sige. Aasa ako ha."
Kakauwi ko lang sa bahay. It's currently 7:30 p.m. kagaya ng dati. Uuwi ako, at makikita ang bahay na walang ibang tao kundi ako at mga katulong namin hehe. Pero wala sila ngayon kasi naka day-off sila. Hayst.
Dumiretso na lang ako sa kuwarto. Ang daming nangyari ngayong araw. Nasuspend ako sa volleyball team. Pero nakapagpractice naman kami ng maayos. Nakakuwentuhan ko ulit ng matagal yung best friend ko.
Grabe. Parang para sa isang buong linggo ang mga nangyari sa araw na ito.
Hindi ko din ma-imagine yung sarili ko na hindi nagpapractice ng volleyball everyday after class. Hayst. It's still my fault. Medyo mabagal din kasi ako kumilos eh.
Hayaan mo na. Wala na din naman akong magagawa. Mabilis lang ang oras kaya mabilis lang yung 1 week na suspension na yun.
Nagulat ako. Bigla na lang kasi akong naramdaman na nag-vibrate. Yeah, it's my phone. Text message from:
From Jc:
Jc: uy!!! Ano nakapagdecide ka na ba for tomorrow?
Ay shocks!!! Oo nga pala nakalimutan ko. Nagyaya nga pala siyang sumama ako sa basketball nila bukas. Di bale na.
Ako: depende. Kung wala naman akong gagawin bukas. Sige lang.
Jc: sige sige. Basta text mo ko if okay ha.
Ughhhh...nababadtrip ako sa sarili ko ngayon. Ewan ko lang kung bakit. Andami ko pa palang kailangang iaccomplish kasi umabsent nga pala ako ng 1 week sa school kasi nagkasakit ako. Kailangan ko tuloy magbigay ng excuse letter sa mga teachers ko. Pero nakapagbigay na naman ako.
Tapos ngayong week, my goshhh nsuspend pa ako sa volleyball team. Ugh!!!
.....
Time check: 10:00 a.m.
And 11:30 pa yung practice nila JC ng basketball.
In the end? I decided na sumama na lang sa kanya para naman makapaglibang libang ako ng kahit saglit lang. Nagasikaso na ako para mabilis na.
______________________________________________
Habang nagbibihis ako,may nakita akong mga papers sa ilalim. Oh shockssss!!!! May nakalimutan pa ata akong gawin. Naku!!! Lagot!!!!. Hala.
Kinuha ko iyon at nakita ang mga list of reviewers and task ko. Patay na!!!!... Eto pala yung nakalimutan kong gawin. Sabi ko na nga ba eh. Bukas na ito kailangang ipasa. And wala pa akong nagagawa ni isa. Hindi ko na diniretso ang pagbibihis pang-alis ko. Nagpambahay na lang ako. Then texted JC na hindi na ako makakarating. The heck?! Buti na lang nagparamdam toh. Buti na lang nahanap ko toh. Kung hindi, babagsak ako sa mga subjects na toh. GrRrRr...
Nakita ko nga itong mga ito kaso nakakalungkot. Siguro umasa yung bestfriend ko na makakapunta ako. Ang dali lang sabihin sa text ng salitang "sorry" at ng reply na "okay lang" pero ang nararamdaman nun in person, for sure nagtatampo na yun sakin. Kaya kailangan kong bumawi. Bakit ba kasi ngayon lang toh nagpakita at ngayon ko lang din naalala.
Haystttt.. CHRISTINE CHARMAINE!!! ano bang pinaggagagawa mo sa buhay mo? Nako naman. Nako! Nako! Andami ko na namang ginawang kapalpakan. Ano ba naman yan?! Ano ba namang buhay toh?! Nagring bigla yung phone ko. Sa inis ko eh hindi ko na iyon nasagot.
Nagring ulit yung phone ko. Galit na galit na ako kaya hindi ko ulit siya sinagot. Hanggang sa nagring na naman siya. Sa inis ko talaga ayon sinagot ko na.
"Hello?"
"Anak?"
Hala patay... Si mama pala yon.
"Yes po ma? Sorry po ngayon ko lang sinagot hehe."
"Ayus lang naman anak. Busy ka ba?"
"Ah eh hindi naman po masyado. May ginagawa lang po ako. Pero hindi naman po ganon kabigat bakit po?"
"Ah sige anak, pagbutihin ha. I love you."
"I love you too, mama."
"O siya sige na work na ulit si mama."
" Sige po ma ingat po."
*End Call*
Napagisip-isip ko, tawagan ko kaya si JC? Kaso baka hindi naman niya sagutin. Kasi nga diba alam ko namang nagtatampo yon dahil sa ginawa ko. Feeling ko tuloy napakapaasa ko. Um-oo ako tapos hindi ako tutuloy. Oo Charmaine paasa ka talaga!! GrRrrrRrr...
"I hate myself?!!""Really?" Nagulat ako nang biglang may narinig akong nagsalita. Nilingon ko na lang iyon. Pero bibilang muna ako, baka mamaya may multo or kung sinong nagsasalita diyan.
1
2
3
Si...
Si...
Yep, its my bestfriend... JC!!!!!!!!!!
"UY! a-anong g-ginagawa m-mo d-dito?" Nabubulol ko pang sagot.
"Bakit? Masama bang pumunta ako dito?" Tanong niya na naging dahilan para kabahan ako. Ang sarcastic kasi ng sagot eh.
"Hindi naman sa ganon, pero diba, alam mo na." Hiyang-hiya kong sagot.
"Ahhh ayon, panalo kami." Matamlay niyang sagot.
"Ohhh congrats!!! Pero bakit parang matamlay ka?" Tanong ko.
"May kulang kasi eh." Dito na talaga ako kinakabahan."oo daw, pero hindi naman dumating." Sunod niyang sagot.
"Sorry na. Hindi ko naman kasi alam na may kailangan pa pala akong kailangang gawin. Sorry na talaga. Babawi ako promise." Paliwanag ko.
"Babawi ka?" Tanong niya.
"Oo." Sagot ko.
BINABASA MO ANG
FORGET, OR BACK the FIRST LOVE
Teen Fiction"Bakit kailangan pa nating masaktan Kung may taong darating upang mahalin Tayo magpakailanman?"Hi everyone I hope you will like my story if you read it. Please vote and comment. This story is about a girl who love someone that is really close to her...