"JC? Ahmm,, may gusto sana akong aminin sa'yo."
"Oh, ano yun?"
"JC, mahal kita, matagal na. Hindi lang bilang kaibigan. Pero kung hindi mo naman ako mahal tatanggapin ko naman ih kasi dib--"
Bigla niyang tinakpan ang bibig ko at nilapit ang kanyang mukha sa aking mukha. Anyways, andito kami sa isang garden na punong puno ng maraming magagandang bulaklak at mga paru-paro.
"I love you too, Charmaine."
"Teka s--."
"Oo Charmaine. Mahal kita."
bigla niya akong hinila lalo papalapit sa kanya... At sa mga oras na 'to, sobrang magakalapit na ang mga mukha namin.. Ta---
KRING!!! KRING!!! KRING!!!
Hayst. Ang epal naman nung alarm. Ang ganda ganda na ng panaginip ko eh. Hayst ano ba yan. "Hahalikan na dapat niya ako sa part na yun eh."
"Ha?Anong hahalikan?"
Nakakagulat naman toh. Bakit ba k-kasi, ang aga aga, may nagsasalita bigla sa ---,,, hala, teka.
"H-ha? Hinde. Ano. Wala. Wag mo nang intindihin yon. Teka, bakit ka nga pala andito?"
"Wala gusto ko lang na sabay na tayo pumasok."
Medyo nakahinga ako ng malalim kase, buti na lang hindi ko nasabi pangalan niya, buti na lang. Ang gaga ko naman!!!!! Pero buti na lang di ako nahuli.
"Ahm, okay, sana ako din gusto mo. Hehe."
"Ano?"
"Ahh, wala, sige magre-ready na ako. Antayin mo na lang ako dun sa baba. Bibilisan ko na lang kilos ko para di ka masyadong mag-intay diyan."
"Okay."
15 minutes later.....
"Uy, JC, tara na."
"Tagal mo."
Kokontra pa sana ako pero tinakpan niya bibig ko, bigla, aba, ayaw makarinig ng reklamo.
"Tara na." Pasungit niyang sabi.
At school.....
Sakto kami sa oras dumating ni JC sa university. Buti na lang di kami late kundi magbabangayan na naman kami neto.
"Okay class, goodmorning."
"Goodmorning Mrs. Alonzo." Bati naming lahat.
Siya si Mrs. Ronnalyn Alonzo ang nanay ni JC, at ang future mother-in-law ko, hehehe. Joke lang.
"Before we proceed to our lesson, meron akong ipapakilala sa inyo na bago niyong kaklase."
Nanahimik bigla ang buong klase nang pumasok ang isang babaeng mahaba ang buhok (sa haba ng buhok nito, puwede nang akalaing multo kapag nakatalikod, tapos puti pa ang suot), makinis (naggu-gluta kaya toh?),
Pero nice ha, ang ganda ng mata niya, tapos medyo matangkad (ilang bote kaya ng ceelin ang pinainom ng nanay nito sa kanya?)... Eh, sus, lamang lang toh ng ilang ligo sakin noh. Pero ang ganda niya sa totoo lang. Kaya nga siguro nanahimik ang buong klase nang pumasok siya sa classroom. At tsaka feeling ko friendly naman toh."Class, siya si Ms. Reyes. At magiging kaklase niyo na siya simula sa araw na ito. Oh class, magiging mabait kayo sa kanya ha.. Ahm Ms. Reyes, kindly introduce yourself to your classmates."
"Ahm, hi everyone, I am Maria Aliciah Reyes. Pero Ali na lang, I hope we can all be friends, hehehe."
Hmmm, may pagkamahiyain.
"Okay, ahm Ms. reyes, you may now take your seat."
Halos kalahati ng oras ni Mrs. Alonzo ang nabawas dahil dun. Sayang, ang bilis lang tuloy ng discussion. Isa pa naman toh sa fave subject ko. Tsaka ang saya saya pa naman mag-aral. Lalo na at future mother-in-law ko ang teacher namin dito. Yieeeeee,,, HAY!! ano na naman ba yan Charmaine!! Baka tulog ka pa, gumising ka na lang. Sinampal ko na lang ang sarili ko,,, ayan medyo gising na ata ako. Sakit ah, pero atleast gising na ko. Umayos ka Charmaine, Umayos ka.
BINABASA MO ANG
FORGET, OR BACK the FIRST LOVE
Teen Fiction"Bakit kailangan pa nating masaktan Kung may taong darating upang mahalin Tayo magpakailanman?"Hi everyone I hope you will like my story if you read it. Please vote and comment. This story is about a girl who love someone that is really close to her...