Nagmamalinis?

10 0 0
                                    

[Aila's POV]

Lumabas na agad ako ng room.

Siya pala ang kumuha eh. Masyado pang nag-malinis. Nagpakilala pa at shake hands na nalalaman. Tutulungan daw. Kunwari pa siya.

"Aila saglit lang!" 

Tumatakbo na ako papunta sa tambayan namin nila B,C,D pero bigla akong hinila ni Seb

"Ano ba! Bitaw nga! Nasasaktan ako"

Binitawan din niya yung wrist ko.

"Let me explain Aila"

"Ano? Magmamalinis ka nanaman?"

"Naguguluhan ako"

"Pwes mas naguguluhan ako!"

"Pinakuha kasi sa akin ng kaibigan ko pero hindi ko naman alam na---"

"Nandamay ka pa. Isaksak mo na sa mukha mo yung cellphone.!"  tumakbo na ako bago pa niya ako pigilan

Ano bang meron sayo Aila! Pati ako naguguluhan. Sa cellphone nga lang ba.

Bakit bigla akong nagalit sa pagsisinungaling niya. Pero normal na reaction lang naman yon diba? Bakit sa akin iba. Ang gulo!

"Oh girl. Bat ganyan itsura natin ngayon?" sabi ni Casy

"Siya kumuha ng cellphone" 

"Di nga? Totoo?" -Danica

"Parang wala naman sa mukha" -Casy

"Hindi naman magiging magaan pakiramdam niyo sa isa't isa ko ginawa niya yun" - Bash

Tumingin kaming tatlo kay Bash

"Bakit mo alam?" tanong naming tatlo

"Naramdaman ko? Hehe" sabi ni Bash at nagkamot pa ng ulo

"So magaan pakiramdam mo sakanya Aila?!" tanong ni Danica

0.0 "Huh?!"

"Kaya pala ganyan ka magalit eh"

"Dapat mag-usap ulit kayo"

"Sayang naman yung gagawin kong Love Team niyo" sabi ni Danica at nakatingin ng malayo sa langit.

Seriously?! Talagang nakapag-isip pa siya ng ganyan sa siwasyon na ito. Kung baliw nga naman Kaibigan mo. -,-

[ a/n: comments are apppreciated :)) ]

Ninakaw Mo!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon