Hindi ako.

12 0 0
                                    

[Seb's POV]

Ako lang nakakaalam na wala kaming instructor.. Hindi ko na sinabi sa mga classmate ko. Ito na kasi yung paraan para matulungan ko si Aila sa cellphone niya. Andito lahat ng classmate ko para mapagtanungan.

Hinila ko na si Aila sa loob. Nung una umaayaw siya kasi nahihiya siya pero pinilit ko pa din para na din sa cellphone niya.

"Excusme guys!" tumingin naman lahat ng classmate ko sa gawi namin ni Aila.

"Sinong nakakita sainyo ng cellphone kahapon dito? Doon sa pinakadulo sa kanan?"

"Anong itsura?" tanong ng isang classmate ko.

Siniko ko si Aila para siya ang sumagot

"Color yellow na nokia x" sabi ni Aila . Parehas pala sila ng phone ni Joe

Matagal na tumahimik ang klase.

"Wala" sagot nila. -.-

May nagtaas naman ng kamay

"May nakita ka?" tanong ko

"Oo nung pagpasok natin kahapon. Pero nung nag-dismiss na wala na"

Humarap ako kay Aila.

"Nokia x? Naka-charge?" tanong ko

"Oo" sagot ni Aila

[FLASHBACK]

Nagre-review ako para sa quiz mamaya habang yung kabarkada ko nagdadaldalan.

"Loko ka bro! Wala akong pera ngayon!" sabi ni  Jet kay Joe

"Sige na bro. Babayaran ko naman agad." sabi ni Joe

Dumating na yung instructor namin at nagsimula na kaming mag-quiz. Pagkatapos ay nag-dismiss naman agad. Kami nalang naiwan ni Joe dito sa room. May kinopya lang kasi akong notes para sa susunod na subject.

"Bro pakikuha naman ng cellphone ko diyan sa may upuan naka-charge"

 Kinuha ko yung cellphone niya. Tutal andito naman ako sa dulo bandang kanan kaya malapit lang sa akin.Nag-charge pala siya dito. Hindi ko man lang namalayan

"Umasenso ka ata ngayon bro. Nokia ah." sabi ko kay Joe

"Ganyan talaga bro. Sinuswerte eh. Haha"

[END OF FLASHBACK]

Naguguluahan ako. Posible namang iisa lang cellphone nila

"A-ako kumuha.." sabi ko ng naguguluhan.

Tumitig si Aila saken. Yung mukha niya kanina na puno ng pag-alala at kaba ay napalitan ng galit.

[ a/n: comments are apppreciated :)) ]

Ninakaw Mo!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon