Sleepy Artist

36 0 0
                                    

sleep·y·head/ˈslēpēˌhed/

noun

a  sleepy or inattentive person (usually as a form of address).


Tulog, puyat, panda, buhay na eyebags, magdalena, antukin at kung anu-ano pa ang itinatawag sakin ng mga kaklase ko. Kase naman teh, ang sarap sarap talagang matulog.

Sa dinami-rami ba naman ng ginagawa ko sa gabi gaya ng pagpipinta, panonood ng k-drama, pag-gawa ng home works at pag-e fb, ay hindi na ako nakakatulog ng maaga kaya ang ending is sa classroom ako nakakatulog. 

Nakaupo ako ngayon dito sa may bintana ng aking kwarto habang tinitignan ang kabilugan ng buwan at ipinipaint ito dito sa malaki kong canvass na nakapatong sa aking kanang hita. Sabayan pa ng pagkakape sa lamig ng simoy ng hangin. 

Ang lamig ngayon kaya nakasuot ako ng malaking sweater pantaas ngunit undies lang pambaba. Mas komportable kase ako sa ganito. 

" Hays ang ganda mo talaga. " wika ko habang tinitignan ang kagandahan ng Buwan.

Habang ako'y nalilibang sa pagpipaint ay biglang nag-alarm ang cellphone ko. Tinignan ko ito at 3:00 AM na pala kung kaya't bumaba na ako sa bintana at inilagay ang canvass sa ibabaw ng study table.

Pumunta ako sa bintana at kinuha ang tasa ng kape upang ubusin na ito. Nagsipilyo ako't naghilamos para maghanda na sa pagtulog. Pagkahiga ko ay tumitig muna ako sandali sa kisame hanggang sa hindi ko namalayan na nakatulog na ako.


When I Dream About YouWhere stories live. Discover now