Chapter 1

37 1 0
                                    


CHAPTER 1: SEATMATE

                                                  Sanja's  Point of  View

Andito ako ngayon sa tapat ng school. Naghihintay for my brother Kier dahil sabi niya kagabi susunduin niya ako and iti-treat ng dinner for being consistent na 1st place sa poster making contest sa school. 

" Arrgh where are you dude? " inis na sambit ko.

Usapan kase namin is 6:30 PM which is 30 minutes after my class. Malayo pa kasi dito sa school yung work place niya so naiintindihan ko kung malilate siya ng onti. But 7:45 na and he's still not coming. Nangangalay na akong nakatayo dito sa may shed at sobrang dilim pa ng langit ngayon wala akong nakikitang stars, mukhang uulan pa. geez.


So ayun bumagsak na nga ang ulan at ang lakas pa ng hangin. Umatras ako konti dito sa shed para hindi ako mabasa. 


Kinuha ko ang phone mula sa pocket ng coat ko at tinawagan ang number ng magaling kong kuya. 


ring...ring...ring


" Please answer Kier Georgia. Pleaaaase " bulong ko habang napapairap na sa inis.


" Hi miss hehe " Biglang sumulpot ang isang lalakeng mukhang goons sa harap ko na may kasamang dalawa pang mukhang  adik sa likod.


" May problema ba tayo dito? baka gusto mo munang samahan ka namin " Sambit nung isa sa likod na ang daming tattoo sa braso at kulang kulang pa ang ngipin sa harap.

Dinedma ko sila at lumayo papunta sa kanang bahagi ng shed habang hawak parin ang phone ko at hinihintay na sagutin ni Kier ang tawag ko.

Pero hindi pa tumigil ang tatlong goons na yon at lumapit pa sakin.

" Eto naman e, nagpapakipot pa. Halika na magpapakasaya tayo. " Sambit ng Isang lalakeng may hikaw sa kilay at ilong. 

" Layuan. niyo. ako. " Nanggigigil na sabi ko habang tinitignan sila ng matiim sa mata. 

Nagulat ako ng bigla akong hinawakan sa kaliwang braso ng lalakeng puno ng tattoo ang kamay at agresibo din akong hinawakan sa kanang braso ng isang puno ng hikaw ang mukha.

Nabitawan ko ang phone ko habang nagpupumiglas. nakakaramdam na ako ng sobrang takot kung kaya't napasigaw ako.

" AAAAA!! Tulong! Rapist! Rapist! " Sigaw ko habang nagpupumiglas sa pagkakahawak sakin ng dalawang adik na 'to.

" Tumahimik ka! " Sigaw nung isang lalake na kanina'y unang lumapit sakin.

" Bitawan niyo ako kung ayaw niyong mapatay ko kayo. " Pagbabanta ko.


Wao. Sige Sanja, magmatapang ka pa.  ( -_- '' )



" Hahahahahaha joker pala 'to e. " Sambit nung isang adik sa kanan ko.

" AAAAAAAAAA!! Tulooooooong!! " Sigaw ko.

" Sinabe kong tumahimik ka! " 

Akma akong sasampalin nung isang lalake ng bigla ko siyang tadyakan ng malakas sa gitnang bahagi ng pantalon niya na nagdulot ng sobrang sakit at panghihina sa kanya.

God. I'm dead.

Pagkasunod ay mabilis kong siniko ng malakas sa tagiliran itong nasa aking kanan at nabitawan niya ang braso ko. 

Mabilis kong ibinaling ang atensyon sa aking kaliwa at hinila ang damit nito pababa at malakas na puwersang tinuhod ko ito sa kanyang sikmura. 

Nang mabitawan ako ng isa pa ay agad akong kumaripas ng takbo papunta sa kung saan. 

Lumingon ako sa aking likuran at nakita kong nakasunod ang tatlo at mabilis akong hinahabol. Tumakbo ng tumakbo  sa kung saan-saang kanto hanggang sa tumakbo ako sa isang madilim na iskinita upang hindi na nila ako masundan.

Huminto muna ako at nagtago sa loob ng isang pader at napapayukong hinahabol ang aking hininga. Sobrang bilis ng kabog ng dibdib ko at pag agos ng pawis ko mula sa mukha ko.

Sinilip ko sa may maliit na butas ng pader kung nasundan ba ako ng tatlong adik na yon ngunit laking gulat ko ng nasa labas ng pader ang isang puno ng hikaw sa mukha at tila tahimik akong hinahanap.

Napaatras ako ngunit may bote sa sahig na nasanggi ng paa ko at naglikha ng tunog. Nakita kong napansin yon nung lalake at tila papalapit na siya sa tinataguan ko. Mas lalo akong umatras papunta sa dilim at mula doon ay nakita ko ang lalake na pumasok na din sa loob ng lugar na tinataguan ko at hinahanap ako sa dilim.

Ngunit may isang itim na pigura ang lumabas mula sa dilim. Hindi ko napansin na katabi ko pala ito kaya't laking gulat ko ng umalis  ito mula sa tabi ko.

Sa isang kisap mata ay nandun na ang madilim na pigura ng isang lalake na marahas na sinuntok sa mukha ang adik na sumusunod sakin.

Mukha napakalakas ng pagkakasuntok nito na agad ay nagpatumba dun sa adik at nawalan ng malay. 

Naglakad ang pigura papunta sa harap ko at nakatigil lamang sa isang pwesto habang nakaharap sakin kahit na isang metro ang aming pagitan ay alam kong nakatitig siya sakin.

Please don't hurt me. please

"  Lumabas ka na diyan. " Mahina ngunit napakaseryosong bigkas niya. Napakalamig ng boses niya. 

Alam kong niligtas niya ako mula dun sa sumusunod sakin pero natatakot parin ako.

Hindi ako lumabas at nanatili sa tinataguan ko habang yakap yakap ang sarili ko na nanginginig sa takot.

Nagulat ako ng isa-isa siyang humakbang patungo sakin. Napapikit ako sa takot nang biglang naramdaman ko ang dalawang malaking braso na yumakap sa katawan ko at malumanay akong diniin sa dibdib niya. 


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 19, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

When I Dream About YouWhere stories live. Discover now