Kasalukuyan
Tama na...
Ayoko na...
Itigil na natin to...
Nagsasawa na ko...
Paulit-ulit na lang...
Hindi ka ba nagsasawa?
Walang luhang lumalabas sa akin mata nanatili akong kalmado at walang pakeelam. Papaano ko nga ba nagagawa ang gatong klase ng bagay sa taong minsan ko nang minahal at naging parte ng aking buhay?
Siguro magsasawa ka na lang ng kusa sa paulit ulit na pangyayari na kahit anong paalala kahit anong sabihin ko ay wala pa ding nagbabago, Ang masaklap at paulit ulit na lang nangyayari.
Kasalanan ko ba kung magsasawa ako? Masama ba magsawa? magsawa sa pagmamahal na paulit ulit ka na lang sasaktan?
Tangina naman kasi, deserve ko ba to? ano bang nagawa kong kasalanan para paulit-ulit akong saktan ng tadhana.
everything happened for a reason we must as well go with the flow.
Oo, sa ngayon ayan lang ang tanging pinanghahawakan ko at pilit kumukuha ng lakas ng loob.
"Ano na? Ano? magsalita ka! Ano last na to?! tama na ba?. sasayangin na lang natin ang lahat? Tangina naman Wanda magsalita ka! nagmumuka na naman akong tanga sa ginagawa ko."
Ayan tayo eh, bakit? anong masama kung magmumukang tanga? iisipin mo pa ba na magmumukha kang tanga kung ang ginagawa mo naman ay para sayo? sa inyong dalawa?
"Edi itigil na natin to, Ikaw na din ang nagsabi na lagi ka na lang nagmumukhang tanga."
"Tangina namna Wanda!! Tangina!! Minahal mo ba ko talaga ako Wanda?! huh? sabihin mo nga!! Papaano mo nasasabi sakin yang mga ganyang salita?!"
Galit na galit na s'ya, nanlilisik na ang kanyang mga mata. Andito kami ngayon sa aking condo. Ang kausap ko ngayon? Future ex? or ex na? Bakit? masama ba ko? karmahin sana ako? wala akong pake.
"Minahal kita oo, Pero di pa ba sapat yung dahilan ko na pagod na ko? hindi mo ba maintindihan? huh? quin? Sa ginagawa mong n'yan pinapahirapan mo lang lalo ang sarili mo."
Nakaharap ako sa malaking Tv dito sa aking mini sala, ayoko makita ang kanyang mukha. Dahil alam ko na sa oras na makita ko na naman s'ya mabubuhay na naman ang awa sa aking puso. Nakaramdam ako ng sandaling katahimikan ng mapansin ko na tila may nilalabas si Quin sa kanyang bulsa. Isang gunting? papaano nagkaroon ng guting sa kanyang bulsa? Sinimulan nang paglaruan ni Quin ang gunting sa kanyang kaliwang kamay at ang isa namang kamao nito y nakayukom na. Sandali ay nakaramdam ako ng takot, takot na ano mang oras ay maaari n'yang itusok ito sa aking katawan. Hindi man ako mapakali sa kanyang ginagawa, pilit kong pinalakas ang aking loob at humarap sa kanya at muling nagsalita.
"Ano!? balak mo na ba kong patayin? huh? sige patayin mo na ko kung jan ka sasaya." Hindi s'ya kumibo at ipinasok nya lang muli ang gubting na matulis sa kanyang bulsa at mapapansin sa kanya na pilit pinakalma ang sarili. Ilang minuto ng katahimikan ang nanaig sa maliit kong sala tanging ingay na nanggagaling lamang sa akin Tv ang maririnig.
Nagulat ako ng bigla akong sunggaban ng yakap ni Quin, Naaalala ko pa nung mga panahong kasayahan lamang ang nananaig sa aming relasyon. Madalas akong niyayakap ni Quin, hinahalikan ang bawat parte na kanyang maaabot. Panget man pakinggan ngutin ang kilikili ko ang madalas pagdiskitahan ni Quin. "Mabaho ang kilikili ko Quin! tigilan mo na yan!" knwareng iritang sabi ko. "Mabaho? sinong nagsabi sayo na mabaho? huh? sino at papatayin ko! alam mo ba na ang kilikili mo ang pinaka mabangong parte ng iyong katawan? at kahit ilang beses mong sabihin na mabaho ito hinding hindi ako magsasawang amuyin at halikan ito." seryosong sabi ni Quin. "Ang corny mo mi amor!" hindi ko mapigilan mapangiti sa mga alaalang pumasok sa aking isip.
"Quin— hindi ko na natapos ang dapat kong sasabihin ng inunahanna ako magsalita ni Quin nang hindi man lang tumitingin sakin subalit nananatili pa rin sa pagkayakap sa akin. "Isang beses na lang Wanda isa na lang. Sana ay mapagbigyan mo ako. kung totoo nga ang sinasabi mo na makikipag hiwalay ka na sa akin ng tuluyan, Hayaan mo kong yakapin ka ng mahigpit at halikan, amuyin ng limang minuto kahit limang minuto lang Wanda."
Hindi na ko nagsalita pang muli at hinayaan ko na lang syang gawin ang kanyang gusto.
"Salamat Wanda, Salamat. Mahal na mahal kita."
Hindi ko alam ang aking mararamdaman sa huling mga salita na binitawan ni Quin. Nakokonsensya ako sa mga ginagawa ko sa kanya. Sinisisi ko ang aking sarili dahil hindi ko man lang matupad ang mga pinangako sa kanya. Na tulad din ako ng mga nagdaang babae sa kanya na sa huli ay iiwan lang din sya. Gusto kong umiyak gusto ko syang damayan sa pagiyak at sabihin na wala syang kasalanan. Dahil ako ang may mali sa aming dalawa. Ngunit heto ako tila napipipi walang salita kayang kumawala, Puta ang manhid ko. Napaka wala kong kwenta.
lumipas ang higit pa sa limang minuto hindi pa din kumakawala sa aking bisig si Quin, hinayaan ko na lang muna s'ya alam ko ito na lang ang maisusukli ko sa pagmamahal n'ya sa akin at alam kung huli na to.
Ilang saglit lang nagsalita na mulit si Quin.
"W-Wanda" halata sa boses ni quin na galing ito sa pagiyak, dahil sa simpleng pagbanggit lang ng aking pangalan ay hindi nya pa magawa. Nanatili lang akong tahimik habang hinihintay ang susunod na sasabihin ni Quin. Bago ipagpatuloy ni Quin ang kanyang sasabihin kumawala na s'ya sa pagkakayakap sa akin at pinunasan ang natitirang luha na nanggaling sa kanyang matang namumula.
"W-Wanda— Ma—magiingat ka lagi. huwang mong papabayaan ang sarili mo. Andito lang ako lagi. S—Salamat." Tumayo na sa pagkakaupo si Quin at bingyan ako ng napaka pait na ngiti. Tumalikod na si Quin at tahimik na nagtungo sa pinto ng aking condo. Hinihintay ko na tuluyang makalabas si Quin ng pinto, ngunit sa pagbukas ng pinto ay sandaling tumigil si Quin at nagsalita ng hindi na nagabala pang humarap muli sakin.
"I love you so much Juanita Daniela Stone mi amor, Dadating din ang araw na ikaw naman ang masasaktan, luluha at luluhod sa lalaking kababaliwan mo. Dadating ang araw na may lalaki na ipaparanas sayo lahat ng ipinaranas mo sa aming mga lalaking iyong minahal ngunit iniwan. Dahil ang tulad mong mahilig paglaruan ang damdamin ng iba at hindi marunong magmahal—-" tumigil si Quin sa pagsasalita na tila sinasadyang bitinin ang sasabihin
—- Ay walang karapatang makaranas ng pagmamahal...
-yhanniekelsss
vote and comment
YOU ARE READING
Hindi ako marunong mag mahal.
RandomKung gusto mo hindi ka dapat nasasaktan. Mga katagang paulit ulit na pumapasok sa aking isipan. L O V E Apat na lettra na kung iisipin mo ay walang kayang gawin sa isang tulad mo. Mali... yang apat na letra na yan ang nagpapahirap sa akin buhay si...