Intro:
Masama bang manatili sa taong napapasaya ka?
Masama bang kumapit
Ng mahigpit
Sa mga kamay niya?Paulit ulit nalang ba
Hindi ka pa ba nagsasawa?
Sa bawat umaga
Siya ang nais mo laging makita.Sa bawat minuto
Kasabay ng pag-ikot ng mundo
Ang oras mo'y umiikot sa kaniya
Ngunit ang oras niya'y umiikot ba sayo?Kailan mo balak tanggalin
Ang mga pader na nakaharang sa'yong paningin?
Kailan mo balak isiksik sa'yong isipan
Na ang pagmamahal mo sa kaniya ay hindi niya kayang suklianPaulit ulit mong binabalewala
Ang taong sinasalo ka
Sa tuwing pinipilit mong kapitan
Ang taong walang ginawa kundi ika'y bitawan.Mahal ka niya
Pero mahal mo siya.Masaya ka sa iba
Ngunit nasasaktan siya.Maaari bang tumigil ka muna
Sa pagtakbo at magpahinga?Pwede bang tumigil ka muna sa habulan
At lingunin ang likuran.Pwede ba?
Pwede bang 'wag ka na maglaro ng habulan
Yung tipong hahabulin mo siya, mapapagod ka.
Kahit wala namang kasiguraduhan
Dahil pinipilit mong lapitan
Habang siya'y patuloy kang nilalayuan.Itigil mo na din ang paglaro ng taguan
Na patuloy na tinatago
Ang kasagutanKasagutan sa tanong na:
May pag-asa ka ba
O wala naman talagaItigil mo na ang pagtago sa katotohanan
Na ang kasagutan
Ay wala naman talaga.Pwede bang tigilan mo na maglaro
Simulan mo nang magseryosoPwede bang tigilan mo na yung tao
Na hindi kayang suklian ang pagmamahal mo?Pansinin mo naman siya
Na laging nasa tabi mo
Kapag ika'y may problema,
Handa siyang makinig sayo.
Kapag siya'y nababalewala,
Mananatili padin ito.
Kahit may mahal kang iba,
Hinding hindi padin susuko sayo.'Wag mo namang paglaruan yung nararamdaman niya sayo.
Yung sakit na nararamdaman mo,
Ay doble pa sa sakit na nararamdaman niya para sayo.Hindi naman masamang manatili
Hindi din masamang kumapit ng mahigpit
Ang masama, yung alam mong ikaw ang rason ng kaniyang mga ngiti
Ngunit ikaw din ang gumagawa ng dahilan para pawiin ito sa kaniyang mga labi.Kailan ka maliliwanagan
Sa katotohanan
Na ang taong tunay na nagmamahal sayo
Ay pilit mong tinatakbuhan.At ang taong minamahal mo,
Ay patuloy na tumatakbo palayo sayo.Hindi masamang manatili o kumapit.
Ang masama, yung wala ka na ngang pag-asa
Kinakapitan mo pa.Alamin mo ang iyong halaga
Hindi yung napasaya ka lang,
Akala mo siya na talaga.Baka kasi sa kakatutok mo sa kaniya,
Nalagpasan mo na pala
Yung taong para sayo talaga.Alamin mo ang iyong halaga.
Hindi ka aso para habulin siya.
BINABASA MO ANG
DEAR: HALAGA
PoetryMasama bang manatili sa taong napapasaya ka? Masama bang kumapit Ng mahigpit Sa mga kamay niya? Ang piyesang ito ay para sa mga taong naghahabol at umaasa sa taong hindi naman sila binibigyang halaga. Basahin at suportahan ang aking DEAR: (ep.1 Ha...