CHAPTER 1

103 8 19
                                    


*Phones Ring*

"Aish!!Ang aga aga naman niyo!" Sabi ko habang kinakapa ang aking telepono

"Hello?! Ang aga aga ha! Sino ka ba ha?! Alam mo bang alas 2 palang ng madaling araw dito?!!" Nang gagalaiti kong sabi habang nakapikit pa.

"Agent Red" napabalikwas agad ako sa higaan at umayos ng upo habang tinitignan kung sino ang nasa telepono shit patay ako nito Kay phantom

"Ahm.Good Morning sir . Agent Red at your service , what can I do sir?" May pasaludo saludo pa ko na kala mo nakikita niya.

"Bumalik ka na may papagawa ako , magugustuhan mo to . Email ko nalang sayo ang ticket mo "

" Pero sir - " ambastos talaga nun kahit kailan , nagsasalita pa ang gwapong ako eh!Ginising gising pa ko para lang dun!Napukaw nalang ako nung tumunog yung notification ng laptop ko.Tumambad sakin ang Flight Ticket ko kaya agad na kong nag empake . Excited naman tong si boss masyadong namiss kagwapuhan ko.

-K I N A B U K A S A N -

Nasa airport na ko at hinihintay ko nalang ang flight ko.

"Flight #1417 will leave in any moment " tumayo na ko agad para makasakay na ng eroplano , inaantok pa ko bat kasi ang aga ng napiling oras ng matandang yun. Pagkaupo ko inayos ko na agad ang mga gamit ko at earphone ko at pumikit na . Mahaba haba tong byaheng to at babalik ulit ako sa lugar kung saan ako nasaktan ng lubusan..

"Annika makukuha ko rin ang hustisyang nararapat sayo"

- After 13 hours-

"Flight #1417 will arrive in any moment " napamulat agad ako at nag inat inat. Makakakita na naman sila ng gwapo . Inayos ko na lahat ng gamit ko at bumaba na ng eroplano.

"Grabe ang init parin dito sa pinas" kada may dadaan na babae nginingitian ko.

"Uy ang gwapo niya"
"Bes , mukha siyang artists"
"Nginitian niya ko"
"Taga San kaya siya"
"Kuya akin ka nalang"
"Makalaglag panty"
"Sana akin nalang siya"

Napailing nalang ako dahil sa mga naririnig ko , lakas talaga ng karisma ko . Magbubulungan nalang rinig ko pa.

*Ting*

"Sino kaya nagtext sa gwapong ko?" Sabay dukot ng telepono sa bulsa ko at binasa yung text.

From: Boss Phantom
Parking lot

"Sabi na nga ba at may lihim na pag tingin sakin si boss, makikipag kita nalang sa parking lot pa so cheap" nagmamadali akong pumunta sa parking lot at hinanap ang kotse ni Boss.

"Yow boss" sumaludo ako at pumasok na sa kotse..

"Alam ko namang miss na miss mo na ko boss pero bat naman dito sa kotse, pahug nga" nung yayakap na ko.

"Here" sabay abot sakin ng folder.

"Ano to?"

"Pagkain,kainin mo"

"Boss naman,ang ibig kong sabihin bat may ganito?"Pag uusisa ko.

" Simple, papasok ka sa isang unibersidad bilang istudyante at dun mo gagawin ang misyon mo"

*Vote and Comment

Mystery of Megaleio UniversityWhere stories live. Discover now