CHAPTER 4

34 4 0
                                    


SANDRA POV

Bat kaya tumakbo si Jared?Naduwag?Kalalaking tao tapos tumatakbo naman pala,bakla yata yun eh.Takot pala sa kababalaghan yun eh.Pero bat niya kaya hinahanap si ana?

Ako nga pala si Sandra Fox, bestfriend ni Anaestacia Vergara.Parehas kaming galing bahay ampunan pero may umampun sa making mayamang pamilya,sila ang nagpakain,nagdamit at nagpaaral sakin.Limang taon na ang nakakaraan pero parang kahapon lang nangyare.Hahanapan kita ng hustisya Ana.Matatahimik ka rin....Tayo..

JARED POV

"Boss" hinahabol ko pa ang hininga ko habang tinatawagan si boss.Di ko alam pero kinilabutan talaga ako sa kwento ni Sandra.Sinong pumatay Kay anaestacia?Nagpakamatay ba eto o pinatay?

"Speaking?"

"Agent Red.May impormasyon na ko tungkol Kay Vergara."

"In my office" nagmadali na ko para maka punta sa opisina ni boss.Pagkarating ko dun binati agad ako ng mga junior.

"Kuya reeeeeeeed" Isang dalaga ang sumalubong sakin ng yakap.

"Dalagang dalaga ka na Agent Blue.Baka naman may boyfriend ka na ha.Sakin muna dadaan yan ha" pabiro kong ginulo ang buhok niya.

"Paano dadaan sayo yun kuya eh ang layo layo kaya ng bahay mo tska wag kang mag alala sabihin ko ikaw ang ligawan niya" pagsabi niya nun kumaripas na siya ng takbo.

Napailing nalang ako habang nilalakbay ang daan papuntang opisina ni boss.Wala nang katok katok pumasok na ko agad kaya ayan tuloy naabutan ko ang kahindik hindik na pangyayare.

"Ahhhhhhhh porn" Sabay takip ng kamay sa mga mata pero may nakikita parin ako.

"Fvck!Di ka ba marunong kumatok?!"

"Hehe sorry boss.Sorry Ms.Kim..May tanong ako"

"What?!"

"Masarap ba humalik si Ms.Kim?HAHAHAHA" nakita kong namula agad ang pisngi ni miss Kim samantalang halos pumutok na si boss sa galit.

"GET OUT!"kaya kumaripas na ko ng takbo.

Maya nalang ako babalik Kay boss,pupunta muna ko sa Shooting Room..

Pagkapasok ko putok agad ng mga baril ang narinig ko.

"Red" may tumapik sa balikat ko kaya napalingon ako.

"Bullet" siya ang kababata ko.

"Nakabalik ka na pala..May misyon ka ba ngayon?"

"Meron.Vergara Case"

"Ah yung babaeng nagpakamatay sa Megaleio University." Napaisip ako dun,nagpakamatay siya?Pero bat nagpapakita parin siya?

"Excuse me,Sir Red tawag na po kayo ni Sir Phantom." sabi ng isang Junior.

"Sige,Salamat..Una na ko bullet"

Dali dali akong pumunta sa opisina ni boss,kumatok muna ko bago pumasok mahirap na baka may live porn na naman.

"Boss may nakapag kwento tungkol sa nangyare kay vergara.Isang araw,na kita nalang daw nila siya na wala nang buhay sa isa sa mga room sa M.U.."

"Ibig sabihin sa loob nang M.U naganap ang krimen.."

"Yes tsaka boss nakita ko siya kanina."sabi ko habang inaalala si anaestacia na nakaupo sa silyang inuupuan ko.

" Try to communicate with her, sa ngayon umuwi ka muna."

"Sige Sir.Salamat" pagtango lang ang sinagot niya,akmang lalabas na ko ng may maalala ako.

"Ahm sir,magkano bayad sa pagiging pornstar?"nang gagalaiting bumaling sakin si boss.

" JARED ENRICO CHOI!!!GET OUT!"

--------------

Kinabukasan maaga ako sa M.U para makipag ikot ikot at maka kalap ng mga bagong impormasyon.Habang nag nag iikot ako nakaramdam ako ng may sumusunod sakin pero pag lumilingon ako wala namang tao.

"Booooooooo!"

"Ahhhhhhhh ahhhhhhhh wag pooooooooo bata pa po akooooooo magpapakabait na po ako!!!"

"Pfft Jared Hahahahaha para kang hahahahaha bakla!W-wait lang hahahahahaha"dun ko lang napansin na si Sandra pala ang nang gulat sakin,kinginang babae to!

"Sige tawa ka lang,masaya ka Jan eh.Mautot ka sana!" Iniwan ko na siyang tumatawa.

"W-wait Hahahaha eto na titigil na"di ko nalang siya pinansin.

" Para kang bakla.Kahapon kumaripas ng takbo,ngayon naman tumili ka.Wag kang mahiyang umamin sakin Jared tanggap ko ang pederasyon niyo."napahinto na ko sa sinabi niya.

"Bakla?ako?sa gwapo kong to!Aba!Hoy babae baka di mo alam na halos sambahin na ko ng mga babae tapos sasabihan mo lang akong bakla.Gusto mo lang yatang magpahalik!"

"Magpahalik?Hahahaha no need to call you a gay just for a kiss." Hindi ko na namalayan ang sunod niyang ginawa hanggang sa umalis siya..

*Vote and Comment ❤

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 21, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Mystery of Megaleio UniversityWhere stories live. Discover now