TULA 7:
PitakaNahuli dahil sa kasalanan
Na ginawa sa simbahan
Ninakaw na pitaka
Na isang daan ang lamanHindi alam kung hanggang kailan
Makukulong sa bakal na harang
Paano bubuhayin
Ang pamilyang naiwan?Buti pa ang nasa itaas
Nagpapakasarap
Sa perang kanilang kinurapPera ng bayan
Na dapat kababayan
Ang nakikinabangHarap harapang ninanakaw
Ngunit bakit sila'y malaya at nagpapakasasa?
Napakadaya!Ngayon ay nakakulong
Sa isang daang ninakaw
Habang sila'y milyon-milyon
Ngunit malaya
naman.
BINABASA MO ANG
PILO
PoetryMga kung ano-anong ka-shitan na biglang pumasok sa aking isipan. Bago sumabog ang aking utak, ito'y aking isinulat. Ito ay mga halo-halong tula na nagrerepleksyon sa realidad, sa ating komunidad. Na nawa'y iyong magustuhan, Yun lamang at maraming sa...