1.4 - narration

112 5 23
                                        

3rd Person's POV

"Ok! Andito na ba lahat?"

"Jeno wala ka bang mata? Kailangan mo pa tanungin samin? Alam mo Jeno hindi sa lahat ng oras nandito kami kaya wag ka lang umaasa sami—"

"Tangina Haechan. Nagtatanong lang si Jeno. Napaka-OA mo sarap mong itulak sa tuktok ng ferris wheel"

"Ok"

Pinandilatan naman ni Jaemin si Haechan at pagkatapos ay kumapit na uli sa kanang braso ni Jeno dahil sa kaliwa nito ay si Renjun.

pocha parang sugar daddy si jeno naiimagine ko HHAHSHHAHA ok titigil na ko

"Para mas madali at walang mawawala, magpartner-partner tayo" Anunsiyo ni Jeno at pagkatapos ay nagtulakan na sila para makakuha ng partner, actually si Haechan at Chenle lang naman nagtulakan.

Lahat sila may partner na. Si Jeno, kasama niya si Jaemin at Renjun. Triplets to eh. Si Jisung kasama si Chenle.

"Okay since kayong dalawa nalang natitira, kayong dalawa nalang mag-partner hehe. Kita-kits nalang gois. Check niyo gc for more updates hehe" Pagkatapos sabihin yon ni Jeno ay hinila na niya si Renjun at Jaemin na-kapit na kapit sa kaniya

Tumakbo naman ang bibe at dolphin papalayo kaya naiwan nalang si Mark at Haechan

Haechan's POV

nakakaasar si lee jeno. ang laki na nga ng ilong, nagawa pa kong ganituhin. kapal talaga ng ilong. si jaemin at renjun naman mga pukinginang baklang traydor. nanggigigil ako dito naq.

"Sooo san mo gusto pumunta?" Tanong ni Mark sakin

Gwapo ng boses pero panget ng mukha. Sayang naman. Buti nalang ako magaling kumanta, may itsura pa hihi :>

"Aba malay ko—"

"Haechan tinatanong kita ng maayos"

"Ano naman? Sinagot naman kita ah"

"Alam mo, bahala ka jan. Mag-rrides ako mag-isa. Wala naman akong ginagawang masama sayo tas ganito trato mo sakin"

Naglakad na papalayo si Mark

Shuta

Pers taym q dito. Ayoko namang mawala dito. Nakakahiya kaya. Laki-laki ko na eh

Ayoko rin namang sundan si Mark

AAAAAAA POTA BAHALA NA NGA

3rd Person's POV

Tumakbo agad ng mabilis si Haechan papunta kay Mark na malayo-layo na

"Mark!!!! Sandali!!"

Pinagtitignan na siya ng mga tao na nadadaanan niya dahil una, tumatakbo siya, pangalawa, sumisigaw siya. Malamang makukuha niya yung atensyon ng iba. Samantalang ikaw na nagbabasa, kahit anong gawin mong kalandian sa crush mo, hindi at hinding hindi ka mapapansin non. Charot lang

Napalingon naman si Mark sa tumatawag ng pangngalan niya at palihim na ngumiti

'sabi na nga ba't di ako matitiis nito eh hehe'

Binilisan niya naman maglakad dahil nagpagtripan niyang lokohin si Haechan

Pero di niya pa den type si dodong charot

"tANGINA MO MARK LEE MAGHINTAY KA!!!"

Dahil sa kaba, napatigil na sa paglakad si Mark at hinantay na makarating si Haechan

judger | markhyuck [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon