3rd Person's POV
"Na-videohan niyo ba si haechan?"
"Oo HJAJSJAJAJAJ"
"Tangena niyo"
Nakaupo sila sa loob ng isang cafe matapos mag roller coaster sina Mark at Haechan
"Ayan tubig"
"Malinis ba to? Tap water to noh? Ayoko nyan—"
"Arte neto, osige akin na. Bahala ka na dyan"
"Taena joke lang akin na Mark. Hayop to"
Kinuha naman agad ni Haechan yung basong tubig kay Mark bago pa niya ito malayo sa kaniya
"May utang ka sakin na libre Haechan ah"
"Painomin mo muna ako ng tubig hayop ka. Alam ko yon, di ako matanda di ko yon makakalimutan agad"
Napabuntong-hinga nalang si Mark bago maupo sa tabi ni Jisung
"Ano? Maiiwan muna namin kayong dalawa dito. Mukhang nahihilo pa din si Haechan eh gusto na nitong mga to gumala"
"Sige ingat kayo"
Tumayo na rin ang lima at naglakad na papunta sa exit
"Hoy akin yang dolphin na yan Renjun!!"
"Sayong-sayo naman talaga ko Jisung hihi"
"Yung stuff toy kase"
Matapos nilang umalis ay nabalot naman sa katahimikan ang dalawa
"May gusto ka ba Haechan? Nagugutom ka ata. Ako na magbabayad"
"Ako na magbabayad. Tutal may utang naman ako na libre sayo. Ano ba gusto mo?"
ikaw— charot lang
"Ok. Carbonara lang tsaka watermelon shake"
"Taena mo, di mo man lang ba pipilitin na ikaw magbayad?!"
"Sabi mo ikaw na dahil may ut—"
"Eto na. Daming satsat, di ka ba marunong manahimik"
Tumayo na si haechan at naglakad papunta sa counter habang si Mark naman ay napakamot sa ulo
'Ang gulo talaga non. Sakit sa ulo'
Habang nag-oorder si Haechan sa counter ay nakatingin si Mark dito at napangiti
Sa totoo lang, na kay Haechan ang ideal type niya sa isang babae. Hindi niya alam kung bakit sa lahat ng pwedeng makitaan niya, sa lalaki niya pa yon makikita at kay Haechan pa?
"Oh ayan na"
"Bat parang bad mood ka"
"Eh kasi naman yung babae don sa counter parang bingi. Ilang beses ko na sinasabi yung order mo tas puro hA?! hA?! tangena niya mag linis siya ng tenga pota"
"Kumain ka nalang"
Pinandilatan naman siya ni Haechan bago kumagat sa sandwich niya
_____
"Ang gwapo naman nung waiter ehehe"
"Asus mas gwapo naman ako don"
"Tumigil ka nga Mark Lee. Kala mo di ka napapansin yang mga tingin mo sa waiter kanina ah. Ikaw ah may crush ka talaga saken"
"Gago tara na nga"
Hinila na ni Mark si Haechan papalayo sa cafe
"San na tayo pupunta?"

BINABASA MO ANG
judger | markhyuck [ON-GOING]
Humor"hi" "yuck kadiri ka ew" ;; neok00lboys series ;; ;; date started [april 23. 2019] ;; ;; date ended [ ??? ] ;;