Chapter 3

6 0 0
                                    

Job

Nakaagapay siya sa akin habang naglalakad patungo sa sinasabi niyang paglilipatan namin na room. Napatawa ako. He seems very unusual today, I wonder why.

"Stop moving carelessly!" hinawakan na niya ang bewang ko para yata pumirmi.

I tilted my head and smirked idiotically.

"Why are you suddenly spending your time with us, Marciano? You never want me around. You even hardly speak with me... Is my spaghetti that delicious it made you change your mind... Huh?"

Mapakla pa akong tumawa.

"Keep assuming. Nakakalimutan mo sigurong dalawa kayong may birthday. That doesn't completely mean I'm here for you." malamig niyang sabi habang papasok kami sa room. "I'm only here for our son, kaya quit concluding illogically."

Kahit nasaktan ako sa sinabi niya ay hindi na lamang ako umimik. Hindi rin ako nagpahalata na naapektuhan ako roon. Wala namang bago. He would only say sweet things to get under my pants. After that, he would deny everything. As if he didn't enjoy toying with my body. Na lahat ng pinagbubulong niya habang sinisipingan ako ay wala lang sa kanya—that those words were only said to add more spice to our slowly burning flesh. Though the last time was years ago...

Pagpasok sa nilipatang room namin ay agad akong humiwalay sa kanya at tumabi sa anak nang biglang pagalit niya akong kinaladkad patungong banyo.

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo? Basang basa ka, magbihis ka nga muna riyan!" mahina niyang bulyaw sa akin.

Tiningnan ko lang siya ng masama at pinuntahan ang kama.

"Stop being the hardheaded Aiden Blaire that you used to—"

"Tumahimik ka nga." Galit na bulyaw ko rin sa kanya. "You want me to get changed, here I am, getting my things! Stop commanding as if you..." lumunok ako. He was staring blankly at me. Hindi ko na lamang tinapos. I don't wanna sound bitter.

Dragging the past won't help either. Besides, this fight wouldn't bring us elsewhere. Nonsense.

Agad na akong pumasok sa banyo at nilock iyon. Hindi ako inaantok ngunit nanghihina naman ang mga buto ko para maglakad-lakad sa labas. Para sana umiwas...

Nang lumabas ako ay sakto namang pagsara ng main door ng room. Agad kong nilingon ang mga dinalang gamit niya kanina. Napahinga ako ng maluwang ng makitang nandoon pa rin iyon.

Strange.

Ayaw kong mag-isip ng iba sa paghinga ko ng maluwang na iyon. Nagaalala lamang ako na baka umalis na siya bago pa man magising si Juancho. He would throw tantrums for sure.

Matapos kong ayusin ang mga gamit ay tinungo ko ang Tv at binuksan. Hininaan ko muna iyon bago tinungo ang hinihigaan ni Juancho. Dito na siguro ako sa tabi niya, kasya naman. Lumunok ako nang nilingon ang katabing kama. It's bigger but I'm sure it would look small kapag nahiga na si Marciano roon.

Ngumuso ako at lumundang na sa kama katabi ni Juancho. Sakto namang pag change ng channel sa TV ay pumasok si Marciano. He looked refreshed. Nakabihis na rin siya at amoy na amoy ko rito ang panlalakeng amoy niya. I bit my lip. He changed his perfume.

Hinahaplos ko ang likod ni Juancho nang nagsalita siya.

"Kalahating oras pa ay dinner na. You sure he'll wake up by that time?" marahan ang pagkakasabi niyon hindi pareho kanina.

Sinulyapan ko siya. He was nearing the aircon. Nilakasan niya pa iyon na tila ba alam ang nasa isip ko nang makitang nilalagyan ko na ng bimpo ang anak.

Foolish HeartWhere stories live. Discover now