Una

28 2 2
                                    

"Sorry, hindi na ikaw yung mahal ko."


Ayan.

Dyan natapos yung relasyon namin.

Ang galing no?

Parang ang dali lang bumitaw.

Parang walang halaga yung pinagsamahan namin.

Bakit kaya ganon?

Bakit ang dali lang para sa kanya na sabihing hindi na ako yung mahal niya?

Bakit pinatagal niya pa nang tatlong taon, kung bibitawan lang din naman pala niya ko?

Madali lang para sa kanyang tapusin kung anong meron kami, sana tinapos niya na nung una pa lang.

Sa loob nang tatlong taon na pinagsamahan namin, hindi manlang kami nagkaron ng label.

Bigla na lang syang naging sweet, tapos magiging cold. Pero sabi nya mahal nya ko.

Kaso ngayon hindi na daw.

Ganon ba talaga pag M.U. lang?

Oo, tama. M.U. lang kami for three years.

Ang tanga ko no? Hahaha.

Sabi nya kasi hindi pa sya ready kaya  ayun, naghintay ako.

Hanggang nasanay na kami parehas na ganon na lang, na wala kaming label.

Naging masaya kami sa kung anong meron, ang mahalaga lang samin, maramdaman namin na mahal namin ang isa't isa.

Baduy ba? 

Sorry haha.

Wala eh,

tanga ako eh.



Wait, kwento ko sa inyo kung pano kami nagsimula.

Ang storya ng lalaking tanga.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon