Pangatlo

21 0 0
                                    

Kurt.

Lumipas ang dalawa pa ulit na linggo na puro si Catherin lang ang nagkukwento ng tungkol sa kanila ni Matt. Willing akong nakinig at inintindi ang bawat kuwento niya dahil sa hindi ko maipaliwanag na rason, para bang sobra akong interesado agad sa kanya. Gets niyo ba yung feeling na yon? Yung kahit hindi niyo gusto ang topic e dire-diretso pa din ang pakikinig niyo para lang may mapag usapan? Unti-unti siyang naging madaldal at kusang nagsasabi ng mga nararamdaman at naiisip niya. Sa bawat kuwento niya ay laking tuwa ko dahil nararamdaman kong nagiging kumportable na din siya sakin hehe

^__^

*flashback starts*

"Hoy Kurt! Pwede mo ba kong tawagan? As in ngayon na? Urgent to eh"

Dali-dali ko siyang tinawagan at matapos ang tatlong ring ay sumagot naman siya.

:Hello? Catherin? Anong nangyari?

"Bakit ka nagpapanic? Okay ka lang ba?" sambit niya na para bang may pag-aalala pa sa boses.

:Ang sabi mo, urgent. Edi baka kako may emergency. Baka napano ka na! Ano bang meron?

"Namiss ko lang boses mo hahaha! Pwede mo ba kong kantahan?"

o_O

:Jusko akala ko naman kung ano na!

"Mag iisang buwan na tayong nag-uusap hindi ka pa din ba nasasanay sakin? Hahaha!"

:Osya ano bang kanta gusto mo?

"Yung favorite song mo na lang"

:Wala akong paboritong kanta, Cath. Ikaw na lang muna magsuggest.

"Alam mo ba yung 'Hanggang Ngayon' by Kyla?"

:Syempre, gwapo ako e! Hahaha

"Ang yabang mo! Kumanta ka na dali, naiinip ako."

At kinantahan ko siya. Dinig ko pang bahagya ang paghagikgik niya tuwing kinakapos ako ng hangin o tuwing hindi ko maaabot ang akmang tono ng kanta, pero alam kong natutuwa siyang makinig.

: Kahit sandali
Aking minamasdan para bang kapiling ka
Dati kay ligaya mo sa piling ko
'Wag mong limutin pag-ibig sa 'kin
Na iyong pinadama
Pintig ng puso 'wag mong itago
Sa isang kahapon sana'y magbalik
Nang mapawi ang pagluha
Ba't hanggang ngayon ay ikaw pa rin ang mahal
Hmmmm... Pagtatapos ko sa kanta.

"Kurt.." mahinhing tawag niya sa pangalan ko.

:Hmm?

"T-tama na muna. A-ayaw ko na munang m-marinig kang kumanta u-ulit." Seryosong sambit niya habang nanginginig pa ang boses at bahagyang nauutal.

:Ganon ba kapangit yung boses ko ha? Loko ka ah! Hahaha!

"Pag naririnig kitang kumanta, may mga nararamdaman akong hindi ko alam kung ano. Parang umiikot ang sikmura ko pero ang gaan sa pakiramdam. H-hindi pa ko ready na makaramdam ulit ng g-ganto, Kurt." Parang takot pang aniya at saka naman ako natawa nang patago. Walang kamalay-malay na napalawak ang ngiti ko at hindi naman ako nakasagot agad dahil para akong tangang kinikilig sa kabilang linya ng telepono. "K-kurt? Hello? Andyan ka pa ba? W-wag mo sanang masamain yung sinabi ko ha? S-sorry, Kurt."

:Crush mo na ko? Pang-aasar ko pa sa kanya.

"H-hoy anong crush ka dyan? Sumasama ang pakiramdam ko sa boses mo! Assuming ka, assuming!" Madiing pagtatanggi niya kaya naman mas lalo akong natawa at kinilig sa asal niya.

:Crush mo ko at okay lang yon sakin. Wag kang mag-alala, Cath. Hindi kita iiwasan. Hahahahaha! Wag ka nang kabahan dyan ah? Malay mo mag crush-back pa ko sayo tsk! Natatawa na talagang sabi ko sa pinaka mapang-asar at mayabang na tono.

"Ano bang nakain mo't nasobrahan ka ata ngayon? Ang kapal ng mukha mo! Bahala ka dyan, matutulog na muna ako! Wala kang kwentang kausap! Bye!" Dire-diretsong sabi niya na ani mo'y nagrarap pa nang pasigaw at saka ako binabaan ng telepono.

Maghapon akong nakangiti at tuwang-tuwang ginawa ang lahat ng gawain ko nung araw na yon. Nagtuloy rin ang pang-aasar ko sakanya. Nung una ay madalas siyang mapikon at ibina-block pa niya ko pero ina-unblock niya ren pagtapos ng ilang oras. Hanggang sa natuto na siyang sabayan ang pang-aasar ko sakanya o di kaya naman minsan ay iniignore nalang niya yung pang-aasar ko at ililihis yung topic sa ibang bagay. Naging mas close kami ni Catherin hanggang umandar sa pangatlong buwan na kaming nag-uusap sa voice call or text, minsan naman sa chat. Andami na naming alam tungkol sa isa't-isa. Kilala ko na ang ibang mga kaibigan niya at alam na ren niya ang ibang mga bagay tungkol sakin gaya ng paborito kong tambayan, mga miyembro ng pamilya ko, ang mga gusto kong kanta at mga librong binabasa ko.
Marami kaming pagkakapareho ni Catherin kaya nag-eenjoy talaga kaming mag-usap at halos hindi kami nauubusan ng pagkukwentuhan. Sobrang saya namin pag nag-uusap kami lalo na pag naririnig namin ang boses ng isa't-isa. Para na naming best friend ang isa't-isa sa sobrang closeness namin. Magaan lang ang usapan. Asaran, kulitan, at walang halong kalandian hahaha!

Nakahanap ako ng isang tunay na kaibigan sa pagkatao ni Catherin.

Siya ang kauna-unahang babae na naging kaibigan ko.

Sobra akong sumaya sa kanya.

Kaya sana andito na lang siya ulit.

Kahit hindi na bilang babaeng mahal ko.

Bilang kaibigan ko manlang sana.

Catherin, miss na miss na kita.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 21, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ang storya ng lalaking tanga.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon