Chapter 1

152 8 6
                                    

Ryner's POV

"Ryner! Ryner! Nakikinig ka ba?" Tanong sakin ni Cayenne

"Ano bang sinasabi mo?" Tanong ko dahil sa totoo lang hindi ko talaga siya napakinggan masyadong occupied yung utak ko ngayon

"Ang sabi ko, anong gagawin natin sa battle of the bands?! Anong pwedeng pakulo ang gagawin para manalo tayo?!" Hay nako! High blood na naman tong lalaking to

"Kahit ano na lang, mananalo parin naman tayo kahit anong gawin natin eh" Totoo naman eh, kahit sinong makalaban namin may isang hantungan lang sila, PAGKATALO

"Sa pagkakaalam ko, merong nagkalakas loob para labanan tayo." Biglang nagsalita si Shrade

"Sino naman?" Tanong ni Cayenne

"Hindi pa ako sigurado kung sino sila pero mga transfer student at magagaling daw sila" Sagot ni Shrade.

Alam kong tungkol lang sa banda ang pag-uusapan nila kaya naman lumabas na ako ng music room. Hindi parin maalis sa isip ko yung mga sinabi niya. Laging nag-eechoe tapos nagfa-flashback din yung mga nangyari. Isang linggo na ang nakalipas pero hindi pa rin ako maka move on sa kga nangyari.

"I Give Up, ang hirap na talaga"

FLASH BACK

Ang landi ng babaeng yon! Sabi niya ako yung gusto niya, bakit niya kayakap yung transferry ng section 2? Sinungaling yung babaeng yun! Sasabihing mahal ka niya tapos may payakap-yakap pang nalalaman.Nakakainis!

"Ryner! Wait lang hintayin mo ko!" Tumigil ako nung tawagin niya ko. Tumigil siya sa harapan ko

"Anong kailangan mo?" Sabi ko na may halong iritadong boses

"Ah..... uhmmmm... kasi... Happy Valentines! =)" sabi niya sabay abot ng cake
"Ako nag bake niyan! Tikman mo masarap yan!" Dugtong niya

"Sinabi ko bang mag bake ka? Hindi ko tatanggapin yan!" Inis na sabi ko

"Bakit? Sige na! Isang kagat lang! Tikman mo na" Sa sobrang inis ko natabig ko ying cake at nalaglag to sa sahig

"Magbe-bake na lang ulit ako. Kainin mo na yun ah!" Sabi niya

"Hindi ka ba nakakaintindi!?! Ayaw ko! Tsaka pwede ba tigil tigilan mo nako! Hindi ka ba napapagod? Kung hindi, ako pagod na naipagtabuyan ka! Please lang layuan mo na ko!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Hindi ba niya alam na nakakainis na yung mga ginagawa niya?

"Ryner,hindi ko maintindihan. Alam mo naman na mahal kita diba?" Naririnig ba niya sarili niya? Mahal niya ko tapos makikipagyakapan sa iba!

"Tigilan mo ko! Gold digger!" Inis na sigaw ko

"Anong sinabi mo?! Ako?! Gold digger?!" tanong niya

"Oo ikaw! Gold digger ka! Sasabihin mong mahal mo ko tapos nakikipagyakapan ka sa ibang lalaki! Porket alam mong mayaman ako at lahat ng mga estudyante dito mayaman, lahat sila yayakap-yakapin mo?" galit kong sagot sa kanya

"Hindi kita maintindinhan?! Ano bang ibig mong sabihin?" sbi niya. Galing talagang umarte ng babaeng 'to. Sorry na lang siya hindi niya mapapaniwala sa kanya

"Diba nakikipagyakapan sa transferry student ng section 2? Para ipaalam ko po sayo,hindi ako ganon kadaling maloko! Magkaiba ang LOVE at BENEFIT! Kung sabagay, isa ka lang kasing scholar kaya naman lahat ng resources na pwedeng makuha kukunin mo" inis na inis na talaga ako sa kanya. Tapos mag-mamaangmaangan pa siya. Dahil sa sinabi ko natameme siya.

"Wag kang mag-alala, hindi ko sasabihing pineperahan mo l---" hindi ko na natapos yung sasabihin ko dahil bigla nalang akong nakatanggap ng isang malakas na sampal.

"Ano bang masama kung yakapin mo yung bestfriend mong hindi mo nakita for 5 years?! Gold digger? Alam kong scholar lang ang tingin niyo sakin pero kahit kelan hindi kita pinerahan o kahit sino man! Hindi ako pinalaki ng mga magulang ko para manggamit ng tao! " sigaw niya habang umiiyak

Yun ang huling pagkakausap ko kay Iris.Alam kong below the belt na yung mga nasabi ko kaya gusto kong humingi ng sorry.Sana ok lang yun.

Give UpTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon