Kylie's P.O.V.
Sa iyong ngiti ako'y nahuhumaling
Sa tuwing ikaw ay lalapit
Ang mundo ko'y tumitigil
Para lang sa'yo ang awit ng aking puso
Sana'y madama mo rin
Ang lihim kong pagtingin."Hoy!!Wala ka na lang ibang gagawin kong hindi makinig sa kanta na yan habang nakatitig kay Edison" talak ng bungangera kong kaibigan na si May.
"Ano pa nga bang magagawa ko hanggang titig lang naman ako."sabi ko habang naka indian sit at pinapanood si Edison na nag lalakad kasama ang dalawa niyang kabarkada.
Oo nagmumuka na akong tanga dahil kahit sa paglakad niya ay kapwa na ako stalker kulang na lang pati hakbang niya ay bilangin ko na sa pagkakagusto sa kanya.
"Kung ako kasi sayo girl sinusukuan mo na yan si kuya, may girlfriend na yan mas maganda pa sayo."sabi naman ni Ana. Tama kayo kuya ni Ana si Edison.
Una nagaalangan pa akong sabihin kay Ana na gusto ko ang kuya niya kasi baka layuan niya ako baka isipin niya na ginagamit ko lang siya para mapalapit sa kuya niya. Mahal na mahal ko ang dalawa kong kaibigan kahit pa sabihin mo na loka-loka ang mga yan. Mahal na mahal ko sila.
Nang hindi ko na matanaw si Edison dali-dali akong tumayo at inaya silang pumunta ng 3rd period.
"Tara na nga lalo niyong pinapasikip tong dibdib ko"sabi ko habang nagiinarte.
"Tanga wala kanamang dibdib"sabi ni Ana na may pabatok pa sakin.
"Hahaha..wag ka nga meron kaya hindi nga lang halata"gatong naman ni May
Kung hindi ko lang talaga kaibigan tong mga toh...Ewan ko na lang kong ano ang magagawa ko.
Pumunta na kami sa 3rd period namin na natatanaw lang ang field. Dahil tamad akong makinig sa teacher pinili ko na lang na tumingin sa may bintana at laking gulat ko nang makita ko si Edison kasama niya yung girlfriend niya nakasing grade niya.
Unang kita ko pa lang sa girlfriend niya agad akong nakaramdam ng insecurity sino ba naman ang hindi makakaramdam non matangkad si Edison at hindi nalalayo ang height nilang dalawa samantalang ako hanggang balikat lang yata ako. Si Samantha maputi, ako maputi din naman pero hindi kasing puti niya. Diba nakikita niyo agad ang diperensya.
"Ms. Fuentez are you listening?"
Nakita kong kumapit yung Samantha kay Edison. Aba't talandi nito ah.
"Ms. Fuentez!"napansin ko pa na umakbay si Edison aba! Sarap na sarap naman tong lalaki na toh.
"Ms. Fuentez!!!"nagulat na lang ako ng bigla akong sigawan ni madam sa tainga.
"Aray naman madam bakit po ba kayo naninigaw hindi naman po ako bingi"sabi ko habang hawak tenga ko.
"Aba!ms. Fuentez ilang beses na kitang tinatawag pero hindi ka nakikinig. For your information ms. Fuentez if you are not interested to my lesson you are free to get out of my room"sabi ni Madam Ta Ray na pinipigilan lang ang inis. Pagkatapos niya akong sermonan pumaunta na siya sa unahan at itinuloy ang lesson. Shit! Nakakahiya. Bwiset kasi yung Samantha.
***
"Nangyari sayo?Kylie"tanong ni Ana. Sa halip na akong yung ang sumagot si May ang sumagot para sa akin.
"Ano pa eh di nakatitig na naman sa kuya mo kaya kahit ilang beses na siyang tinawag ni Ms. Ta Ray ay hindi niya pa din naririnig."paghihimutok ni May.
"*Sign*paano ko ba maririnig kong itong pagtibok lang ng puso ko ang tangi kong naririnig?"sabi ko habang nakahalumbaba.
"Tigil-tigilan mo daw ako sa kakornihan mo. Huwag kang mag-alala mas boto ako kesa sa girlfriend ni kuya."sabi ni Ana
"Eh ang kuya mo ba boto sakin? Diba hindi?"pagdra-drama ko.
"Tsst..tama na nga yan buti pa ikain na lang natin yan."sabi naman ni May.
Pumunta na kami ng canteen at pumili ng pagkain. Naupo kami sa isang table.
"Alam mo nanggigigil talaga ako diyan sa tomboy na yan"sabi ni Ana habang kagat-kagat yung biscuit.
"Oo nga akala mo naman kong sino. Uupakan ko yan pag hindi ako nakatiis"sabi naman ni May.
"Go girl..upakan mo na masama sa health yung nagtitiis."pagsuporta ko sa kanya. Maya-maya ay umalis yung tomboy at laking gulat namin na lumapit ito sa amin. Nagkatinginan kami nila May na parang alam na namin kung anong gagawin.
Dali-dali kaming tumayo at akmang lalabas na sana ng canteen ng bigla niya akong hawakan sa braso."Bitawan mo nga ako!"sigaw ko sa kanya wala akong pakialam kong pinagtitinginan na kami dito.
"Hi,miss pwede bang makasama kita mamayang uwian?"sabi nong tomboy.
"Ulol mo ano ka siniswerte?"
"Matapang ka ah that's more I like it"umienglish pa tong tomboy na toh.
"Hoy!tomboy tigil-tigilan mo nga tong kaibigan ko"sabi ni Ana.
"Oo nga wala kang panama sa boyfriend niyan. Gwapo boyfriend niyan yang muka mo katumbas lang ng pwet ni Edison."sabi ni May na kapag pagulat sakin si Edison boyfriend ko? Sana nga totoo na lang.
"Wala akong pakialam basta sa akin ka sasama"sabi nong tomboy then pwersa niya akong hinila sa braso.
"Bitawan mo si Kylie panget na tomboy!!!"sigaw ni Ana at May.
Pero wala silang nagawa dahil mas malakas sa kanya yung tomboy at may makasama din siyang mga siga. Sinubukan kong magpumiglas pero hindi ko kinaya kasi sobrang higpit ng hawak niya sakin. Naglandas ang luha sa aking mga pisngi dahil nakita ko na may dugo na sa braso sa sobrang hapdi at higpit ng hawak niya kaya siguro dumugo.
"Bitawan mo siya!"
Shit! Thank you Lord akala ko pababayaan mo na ako. Paglingon ko don sa sumigaw laking gulat ko na si Edison pala. Totoo ba ito? Nililigtas ako ni Edison? Shit! Gwapo talaga niya.
"Ok ka lang?"
Nabalik lang ako sa reyalidad ng tanongin niya ako. Nilingon ko yung tomboy na nang bastos sakin at laking gulat ko na lang na bagsak na ito sa lupa.
"Ah,thank you nga pala kung hindi ka dumating baka kong na paano na ako."sa sobrang pula ng pisngi ko para gusto ko ng sumabog at sumigaw na iniligtas ako ni Edison!!!
Pero nasira ka agad ang ngiti ko ng may napasin ako sa likodan niya.
"Hey Edison bakit bigla-bigla ka na lang nawawala?"sabi niya sabay lapit kay Edison at hindi pa nakuntento kumapit pa talaga sa braso niya.
"Im sorry"sabi ni Ediso na umakbay naman sa kanya. So ano naman ako dito third wheel? Para hindi naman ako maging third wheel sinubukan kong magsalita pero ibubuka ko palang yung bibig ko pinutol na kaagad ni Samantha yung sasabihin ko. Bastosan lang?!
"Lets go Edison. Im so hungry na"sabi ni Samantha sabay hila niya kay Edison. Wala namang nagawa si Edison kundi sumunod kay Samantha pero bago sila tuluyang makaalis nakita ko si Samantha na ngumisi sakin. Pero baka siguro guni-guni ko lang yun.
"Kylie, are you ok?"nakita ko sila May at Ana na papalapit sa akin.
"Yup, iniligtas ako ng kuya mo"sabi ko habang nakangiti pero napawi agad yung ng may maramdaman akong hapdi saking braso.
"Oh! M! G! Girl my sugat ka!"sigaw sakin ni May.
"Aray naman, hindi ako bingi"bakit ba ang hilig-hilig nila akong sigawan.
"Tsss..alam mo namang tigasin tong kaibigan natin."sabi ni Ana.
"Tigasin nga ako pero pagdating naman sa kuya mo tumitiklop ako."sabihin na nating kacornihan ito pero wala eh. Tinamaan kay Edison.