Chapter 1

136 1 0
                                    

Wodd Ferry

       Sa maunlad na East Lake ng Hangzhou,a finely-crafted oriental wood ferry sailed. Ang mahinhin na na galaw ng mga lilies at lotuses ay mabining nakalutang sa lawa, ay hindi nagawang kunin ang atensyon ng mga ordinaryong taong napapadaan dito. Dahil  sa araw na ito ay lahat ng atensyon ay nasa isang binatang lalake na nakasuot ng puting bana (robe), nalalaglag hanggang sa dapuan ang haba.

        Ang binatang ito ay hindi maipaliwanag ang kaakit-akit na katangian nito sa katawan. ang pinong pag-ikot ng sout nitong puting bana ay sumasama sa ihip ng hangin. An mahabang buhok nito ay hindi nakatali at parang tubig talon na bumabagsak hanggang tagiliran nya na sumasama sa ihip ng hangin tulad ng suot nito. Isang uri ng pabayang kariktan na walang kakayahang ipaliwanag sa isang salita. Ang boung pagkatao nito ay nagbibigay ng aura na sya ay galing sa langit. At ang mga taong nakasakay sa barkong iyon manghang nakatitig sa binatang iyon na pinagkalooban ng langit ng natatanging ganda.

"Gusto kong sabihin Yue na ang swaying step na itinuro sa akin ng guro ko ay nakakamangha. Kanina pa ako nakatayo sa arko ng barkong ito, ay ni minsan ay hindi ako nanginig kahit konte". kontentong sabi nito na humarap sa attendant nya habang nakangiti.

        Dahil sa mga ngiting iyon ay nakarinig sila ng sigaw, kaya napatingin ang mga tao sa pinanggalingan ng boses na iyon.

 " waaaaahhh'

        Nang tingnan nila ito ay nahulog sa lawa ang isang lalake, dahil sa pagiging gahaman nitong makita ang mga ngiting iyon. Kaya pinagtwanan nila ito.

"Sa araw na ito ay naiintindihan ko na, kung bakit ang emperador ng Han, ay walang pakundangana nyang binigyan ang lalaking concubine nya ng lupa at yaman, dahil sa katangitangi nitong ganda na pwedeng makasama sa bayan at makasira sa pamahalaan". komento ng isa sa mga pasahero ng barkong iyon.

note: In ancient China ay pwedeng, magkaroon ng male concubine ang mga emperador, it's a natural thing to them.

"LAPASTANGAN"

        Inilibot ng lalakeng nagsalita ang paningin nya para hanapin ang taong nagsalita, pero isang anino ang dumaan sa harap nya, na kasing bilis ng hangin. Sa isang segundo lang ay nakita nya ang nakapusod nyang buhok sa taas ay nawala, pinagmasdan nya ang pagkahulog nito pero, sinalo ito ng binatang tagabantay ng lalaking maganda, at may hawak itong espada.

 "Yue, pumasok ka na sa loob, at itapon mo ang nakakasuklam na bagay na iyan". utos nito, saka pumasok sa loob ng bukas na cabin ng ferry, na natatakpan ng kurtina.

        Itinapon ni Yue ang buhok sa lawa, saka nanlilisik na inilibot ang paningin sa pasahero ng barko at ng matanto nyang tumahimik ang paligid, saka lang ito pumasok. 

Inside the Cabin

       

"Yue, ano ang bago at masayang bagay na pwedeng gawin dito?"tanong nito saka tamad na sumandal sa upuan.

"Kamahalan, ayon sa plano para sa paglalakbay na ito, ay ang pamantayan ng pag gawa ng dakilang bagay, at ito ay hindi pa naisasatupad." Puno ng respetong sagot nito.

        tama, ang lalaking ito na may natatanging kagandahan, ay walang iba kundi ang Emperador na nakatira sa kabesera. Ang kanyang kamahalan, emperador Ciel. Dahil sa maladyosa nyang ganda, lagi syang nagsusuot ng talukbong sa mukha bilang pagitan nya sa kanyang mga taohan sa loob ng korte, kaya walang di kaaya-ayang balita ang lumalabas sa royal capital.

        At ang tagabantay nya na tinatawag nyang Yue, ay walang iba kundi ang pinagkakatiwalaan nyang military commander, na nagpoprotekta sa bayan ng Datong, Mu Yue.

"Dakilang gawain, huh? Kung ganon , ano ang dapat nating gawin?"

"Kamahalan, itong hamak niyong alagad, ay nakatanggap ng balita, na ang bundok ng Xirie, na makikita sa labas ng bayan Hangzhou, ay naging lugar ng mga nawawalang binatang lalake. Nag-aalala lang po ako kamahalan."sagot nito na tiningnan ang hitsura ng emperador.

__________________________________________

__________________________

Afternoon

        Foot of Mount Xirie

       

        Sa maliit na daan ng Bundok ng Xirie na puno ng berdeng mga punong kahoy, makikitang naglalakad doon sina Yue at Ciel. Nakasout ng talukbong sa mukha si Ciel, hanggang balikat nito. At si Yue naman ay naglalakad sa tabi ni Ciel.

"Aiya~ Yue, bakit ang init ng panahon ngayon? anong oras tayo makakarating sa bayan?" 

"Kamahalan, konte na lang at mararating na natin ang bayan." walang lakas na sagot.

        Pagkarating nila kasi sa east lake, ay agad silang nagpalit ng damit ayon sa suhestiyon ng Ciel, at na punta sila sa bundok ng Xirie.

"Bakit kailangan magsuot pa ako ng ganitong damit, ang emperador, pwede syang magsout ng ng ganitong damit kahit kailan nya gusto, pero bakit kailangang idamay pa nya ako?" Reklamo nito sa isip, na tinutokoy na sout ay ang bana ng mga educated na tao o scholar.

"Bakit ang tanga mo?" sabi nito na parang nabasa ang nilalaman ng isip ni Yue, sabay batok rito."kapag may guardiyang nakasunod sa akin, hindi lalapit ang mga tulisan! At ano ang gagawin natin pag nangayari iyon?" paliwanag nito.

        Naiinis si Yue, pero hindi nya magawang sagutin si Ciel, kahit pa may pinagsamahan sila. Isa parin itong emperador, kaya hindi sya pwedeng lumagpas sa boundary nila, at  kailangan nyang igalang ito.Wala syang nagawa kundi ang hipoin ang ulong nya na binatokan ng emperador.

        Pagkalipas ng kalahating oras ay may natanaw silang dalawang babae, magaganda ito, at naglalakad patungo sa kanila. Nang makalapit sila ay tumigil ang mga babae at tinanong sila.

"saan kayo pupunta mga mister?" baka matulungan namin kayo.' sabi nito saka ngumiti.

"kung ganon ang mga babaeng ito ang gingawang pain ng mga tulesan para madukot ang mga binatang napapadaan dito." sabi nito sa isip." mawalang galang lang mga binibini, ako ay patungo sa bayan para bisitahin ang mga kamag-anak ko."

"kung gano,bakit kayo naglalakad? malayo pa ang bayan dito.."

"Sa kasawiang palad, ay naubos ang aking pera sa aking paglalakbay, kaya kailangan kong maglakad papunta sa bayan, kasama ang aking kaibigan." kwento nito saka itinaas ang talukbong.

"woah.. ang ganda mong binata..." komento nito na natutuwa.

"Paanong ang mukhang ito na kasing pantay ng mga damo, ay mabibigyan ng ganyang papuri, mga binibini." arte nito saka tumingin kay Yue, at nkita nya itong mukang nasusuka sa arte nya. kaya pinandilatan niya ito.

"Kung ganon, sumama ka na lang sa amin sa bundok ng Xirie." suhestiyon ng ikalawang babae.

"Sa anong kadahilanan, binibini? tanong nito.

"Para, maging asawa ng binibini." walang pakundangang sagot nito.

        Bago pa makapagtanong ulit sina Ciel at Yue, ay naramdaman na lang nila na may pumalo sa likod nila, at nagdilim ang buong paligid nila.



 

The ConcubineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon