About an hour...
Ciel Side..
Nagising si Ciel dahil pakiramdam nya parang lumilindol,kaya unti unting iminulat ni Ciel ang mga mata nya, doon nya lang napagtanto na buhat buhat sya ng isang lalake, parang sako lang, at nakasunod ang mga babaeng nakausap nya kanina. at saka ng ilibot nya ang paningin sa lugar ay napansin nyang napapalibotan sya ng mga kahoy sa bundok at yong dinadaanan nila kanina ay biglang lumawak.Pumasok sila sa bulwagan sa labas, at nakita nya ang isang malaking arko doon na may nakasulat na "Bundok ng Xirie."
"Kaibigan." tawag ni Ciel sa lalakeng nakabuhat sa kanya.
"gising ka na pala, tulad ng kaibigan mo" sabi ng babaeng kausap nya kanina bago mawalan ng malay.
"Bakit niyo kami dinala ng kaibigan ko sa lugar na ito?" tanong ni Ciel sa lalakeng naka karga sa kanya.
"Ang swerte mo bata...huff.. dahil ang aming hari ay naghahanap ng isang lalake, pero nakadepende na iyon sa swerte mo." hinihinagal na sagot, sa bigat ba naman ng karga nya, buti sana kung babae.
"Hari? diba dapat reyna?" nagtatakang sabi ni Ciel sa isip.
"Kapag nagustuhan ka nang aming hari, sobrang swerte mo, dahil sa premyong makukuha mo."
"paano naman naging ka swerte swerte iyon, kapag nagustuhan ka ng kapwa mo lalake?" tanong ni Ciel sa isip.
"Ano ba iyang pinuno nyo?, bakit gusto nya ng mga lalake?bakla ba sya?" inis na sabat ni Yue sa usapan." at anong ka swerte swerte doon, kapag nagustuhan nya ang isa sa amin.?
oi, bansot, anong alam mo ha?."inis na sabi nito kay Yue.Ang aming hari ay kilala sa bayan na ito bilang "AGILA" si Lu Philip.sumikat sya noong kabataan nya pa, isa syang dakilang tagapagtanggol." pagmamalaki nito. "pero wala ni isa mang nagustuhan ang aming pinuno sa mga binatang dinala namin sa kanya.. at saka hindi sya bakla." depensa nito.
"At ang nakababata nyang kapatid ay natatangi ang ganda, mala dyosa ito, at walang sino man ang hindi mahuhulog ang loob pag nakita nila ito."sabi ng nakabuhat kay Ciel.
"Dahil sa mala dyosa niyang kagandahan, gusto syang makuha ng emperyo ng Li at Han" dagdag ng lalakeng nakabuhat kay Yue.
"kung ganon ang dahilan ng digmaan ng emperyo ng Han at Li ay dahil sa isang babae" sabi ni Ciel sa isip."Anong ginagawa niyo sa mga lalaking nadukot niyo" tanong nito nakabuhat sa kanya.
"Kapag hindi sila nagustuhan ng hari ay, ipinapapatay nya ito." walang pusong sagot nito.
"Ang Philip na ito ay walang magandang maidudulot ...pinapapatay nya ang mga lalakeng nadukot nya pag niya nagustuhan...kailangan niyang maparusahan.." inis na sabi ni Ciel sa isip.
ibinaba ng mga tulesan sina Ciel at Yue sa harap ng isang kwarto saka tinawag ng lalakeng nakabuhat kanina kay Ciel, ang tao sa loob.
"Kuya... kuya!!!, tingnan mo itong mga bagay na dala namin pabalik dito!!"
Nakita ni si Ciel ang grupo ng mga lalake na lumabas sa kwartong nasa harapan nila. At ang nangunguna sa grupong iyon ay nakasout ng bana na kulay abo, at matangkad ito at maganda ang pangangatawan nito at gwapo rin ito. Masyado pang bata ang hitsura nito para tawaging kuya, pero dahil siya ang pinuno ng grupong ito, kaya tawag nila ay kuya.
'"Siya ang tinatawag na agila" sabi nito sa sarili habang nakatitig sa lalakeng nangunguna sa grupong iyon.
"Lalake ulit?" malamig na sabi ni Philip.
BINABASA MO ANG
The Concubine
RomanceRuby is one of a beauty, all of the kingdom wants her to be one of the concubine of their emperor. But she doesn't want it to be part of the harem,she'd rather die, because she knew that once she became a concubine she will be put in cage inside th...