◆ ◆ ◆ ◆ ◆ ◆"Walang hiya ka!" Isang malakas na sigaw ang umalingawngaw sa isang kwarto.
"Ina, maawa ka na..." Pagmamakaawa ng dalaga habang nakaluhod sa harap ng naghihimagsik niyang ina.
"Hindi ka na nararapat dito! Umalis ka na rito bago pa kita mapatay." Pagtataboy ng babae.
Bago pa ituloy ang panenermon ng ina, isinarado muna niya ang mga bintana at pintuan marahil ay ayaw niyang iparinig sa kahit kanino ang mga nangyayari sa loob ng bahay nila.
Ayaw niyang masira ang perpektong imahe na ipinapakita niya sa bawat taong nakapaligid sa kanila dahil para sa kaniya, ang pamilya LaCrisa ay ang pinakaperpekto at pinakamagandang lahi ng mga tao sa kanilang lugar o kahit man sa buong Pilipinas.
"Ina... 'wag ka nang magalit!" Paghihinagpis ng dalaga.
Inabot ng nanay ang buhok ng dalaga at hinila ito papunta sa isang malawak na pader.
"Ina... masakit." Hagulgol pa niya sa sobrang sakit ng pagkakahila ng buhok niya.
"Ikaw, manahimik ka! Pinuno mo na 'kong bata ka! Sumobra ka na! Sinira mo ang pamilya natin!"
Hindi makatigil sa pag-iyak ang babae dahil sa mga masasakit na salitang binibitiwan ng kaniyang ina.
"Hindi ka na nararapat dito sa mundong ito!" Mga salitang bigla na lamang lumabas sa bibig ng ginang. Hawak pa niya ang buhok ng anak niyang naghihingalo na sa oras na iyon.
"Ina...!"
Lumapit pa sila ng kaunti papunta sa itim na sementadong pader. Bumilis ang tibok ng puso ng dalaga dito. May malakas siyang pakiramdam na may hindi magandang mangyayari.
"Ikamusta mo ako sa mga demonyo." Huling mga salita ng kaniyang ina bago pa niya ipinukpok ng buong puwersa ang ulo ng bata sa pader.
Sumigaw sa sakit ang dalaga. Kitang-kita din ang dugo na tumulo mula sa ulo niya.
Hindi pa nakuntento ang ginang sa mga ginagawa niya kaya inuntog pa niya ang anak niya ng ilan pang beses. Walang magawa ang dalaga kundi humagulgol nalang habang humihingal.
Tinanggap na lang ng bata na ito na ang katapusan niya.
Hindi pa tinigil ng ina ang pagpukpok ng ulo ng anak niya at mas hinigpitan pa niya ang pagkahawak sa buhok nito.
"Inaa! T-Tumigil na po kayo! H-Hindi ko na k-kaya..." mahinang pagsigaw ng dalaga. Konti nalang at bibitaw na siya sa sakit na nararamdaman niya.
Isang tingin sa kaniyang mukha, hindi mo na mamumukhaan dahil sa malakihang sira sa kaniyang mukha. Mula sa kaniyang mga mata, ilong at sa mga biyak na natamo niya sa kaniyang bungo, umaagos lahat ng dugo na dumadaloy sa kaniyang mukha.
Dahil sa pagkapagod, tumigil na rin ang ginang sa kaniyang pagpapahirap sa kaniyang anak. Ang nasa isip niya ay mamamatay din siya sa pagkaubos ng dugo, kaya umalis na rin siya sa kwarto at sinigurado rin niyang hindi makalalabas ang babaeng maiiwan sa loob.
Samantala, halos hindi na makahinga ang dalaga na naghihingalo ngayon at nakaupo sa sahig ng sarili niyang dugo.
Naghihingalo, gumapang siya papunta sa kaniyang dresser kung saan lagi siyang namamalagi kapag inaayos niya ang kaniyang sarili.
Tinitigan niya ang sarili niya, ngunit mas napahagulgol pa siya sa nakita niya. Sirang sira na ang kaniyang mukha at patuloy pang dumadaloy ang dugo palabas ng kaniyang katawan.
Ipinahinga niya nalang ang katawan niya sa dresser at unti unting natulog hanggang sa tumigil na ang kaniyang paghinga kasabay ng paghinto ng tibok ng kaniyang puso.
BINABASA MO ANG
Maria LaCrisa [ON-GOING]
HorrorMagdasal ka na... Start1: 05/14/19 Start2: 10/31/19 Start3: 05/21/20