Chapter 1

20 0 1
                                    

First Meet

Nasa kalagitnaan ako ng pananghalian nang may kumatok sa main gate ng bahay namin, walang tigil sa pagkatok kaya inis 'kong pinagbuksan yon, guess what? Si Daize, my childhood bestfriend. Ibang klase talaga 'tong kaibigan ko, hindi man lang nahiya, gumawa pa talaga siya ng malakas na ingay dito.

"Pwede ka namang kumatok ng mahinhin, kailangan ba talagang sirain mo yung gate namin?" Mataray kong bungad sa kanya.

Tumaas din ang kilay niya, hindi talaga 'to magpapatalo.

"Kung hindi ako gumawa ng ingay edi hindi mo 'ko pagbubuksan?"

"C'mon pag-aawayan pa ba natin 'to?"

Suko na ako sa kamalditahan ng isang 'to kaya pinapasok ko na siya sa loob. Well, she's always here to pick me up co'z lagi kaming sabay na pumapasok. Ewan ko ba sa isang 'to eh mas mapapalayo pa siya kung dadaan pa siya dito. Whatever.

"Kaye, pwede bang bilisan mo yang kilos mo? Malelate na tayo." Reklamo niya sa 'kin, napangisi naman ako, yan ang napapala ng pagpunta niya dito.

11:30 na, eh 12:30 ang pasok namin. Lumingon ako kay Daize. Nairita ako dahil kinakain niya yung baon ko sana! Kaya binigyan ko siya ng What. The. Hell. Look.  Umirap lang siya sa 'kin.

"Okay okay, if I know manghuhunting ka lang ng gwapo." Then she smirked.

"As usual by the way akin na lang 'tong lasagna ha, lilibre kita mamaya I promise." Napangiwi naman ako, as if.

Niligpit ko muna ang mga kalat ko sa kwarto bago ako bumaba kay Daize, I'm ready to go. Bago ako bumaba sinilip ko muna ang bunso kong kapatid na naglalaro sa kanyang kwarto. Maybe kahit na inis ako dito, may care pa namang natitira sa 'kin. He's Ar-jay Kenn Asquez, 6 years old. You heard it right? Naiinis ako sa kanya kase naibibigay lahat nila mommy yung mga pangangailangan niya, samantalang hirap na hirap naman sila sa 'kin. And yeah, maybe I'm just jealous. Kaya hindi ko na siya pinapansin, argh how immature am I.

"Ate!" Sinarado ko na ang pinto bago niya ako puntahan. Somehow, napapaisip ako kung tama ba 'to. Hindi kailanman ako tumayong ate sakanya, and my heart really hurt pag naiisip ko yon. Sorry Kenn, someday.

Dumiretso muna ako sa kusina para tawagin si Manang.

"Manang Jo, pakibantayan po si Kenn sa taas, salamat ho."

"Sige iha, o siya mag-ingat kayo sa pag-pasok." Ngumiti muna ako sa kanya bilang pasasalamat bago puntahan si Daize.

"Finally! Natapos din. Let's go." Natawa naman ako. Paglabas namin napamura naman ako sa isip ko dahil may kotse pala siyang dala! At hindi ko man lang napansin yon kanina!

"Lagot tinakas mo na naman 'tong kotse ni Tito." Sumimangot naman siya. "Were just 16 kaya wala ka pang license! Sht delikado 'to Daize!"

"But I want to! Kaye, please let me do this."

"Fine,no choice, basta iwas disgrasya ha! I trust you!" Sumakay na ako sa tabi niya habang siya naman ang nagda-drive, seriously marunong na kaming mag-drive and guess what kung sino ang nagturo samin. My only Big Brother Arics Kenji Asquez, 19 years old. Si Daize nagpumilit kay Kuya Kenji na magpaturo kaya ayan nadamay ako, natuto kami.

Sinalpak ko yung headset sa tainga ko para iwas bored. Music is my stress reliever, kahit na hindi ako stress as long as merong tugtog gumagaan na ang pakiramdam ko.

Simula nung pagbuhatan ako ng kamay ng magulang ko wala akong ginawa kundi kumaripas ng takbo papuntang kwarto ko then hanapin yung bigay sa akin na earphone at iPod. Sabi kase ni Daize, pag-malungkot daw ako gamitin ko lang daw 'yon pampataggal daw ng lungkot. I think I was still 7 or 8  y/o nung nakilala ko siya sa paborito kong puntahan, sa simbahan. Ayaw ko pa sanang kuhain kaso nagtaray siya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 20, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Just A BarrierTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon