His

30 5 2
                                    

Naalala ko pa noong una kitang makilala. Walang klase no'n ng last period dahil biglaang may patawag ng faculty meeting. Bumili ako no'n sa canteen kung saan makalampas iyon sa classroom niyo.

Pabalik na ako sa room ko nang mapansin kita. Nasa may pintuan ka ng room niyo. Naka-earphones ka at sumasayaw ka. Mukhang enjoy na enjoy ka pa nga sa pagsasayaw eh.

At that time, I really found you cute. Binagalan ko pa nga ang lakad ko para mas matagal pa kitang mapanood. Kaso bigla kang lumingon sa'kin. Nginitian kita...at nginitian mo rin ako...Hindi ko alam pero biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

From that moment I already knew...

I'm attracted to you.

Simula no'n ay excited na akong umuwi kasi alam kong makikita kita. Buti nalang talaga madadaanan ko ang classroom niyo. Edi tuwing uuwi ako ay masisilayan ko ang ganda mo hehe.

Sa dinami-rami ng estudyanteng dumadaan, magagawa mo pa kayang mapansin ako? Alam kong torpe ako, at ito lang ang kaya kong gawin para sa'yo: ang tingnan ka ng palihim...at gustuhin ka ng palihim.

Gusto ko na talagang gumawa ng move para mapansin mo ako kaya nakahugot ako ng lakas nang makita kitang nagwawalis sa corridor niyo. Napakasipag mo. Hindi mo nga ako magawang mapansin eh hehe. Kung hindi pa ako tatawagin ng kaklase mo baka 'di mo pa ako lilingunin.

Sayang lang kasi matapos kong kausapin ang kaklase mo ay pumasok ka na ng room niyo. 'Di bale nalang, at least nalaman ko ang pangalan mo.

Audrey...I'm Andrei.

Ang ganda ng pangalan mo, pero mas maganda ang ngiti mo at pinakamaganda naman ang personality mo.

Nagtanong-tanong ako sa mga kaklase mo ng tungkol sa'yo. Napakabait mo raw. Mukhang totoo naman kasi mukhang anghel ka na ipinagkaloob sa akin ng Panginoon.

Member ka pala ng Dance Troupe ng school natin. Obvious naman kasi ang galing mo naman talagang sumayaw.

Alam mo bang dancer din ako? Hehe. Gusto ko rin sana sumali sa Dance Troupe kaso may Basketball na ako eh. Sayang. Two birds hit with one stone na sana. Alam mo kung bakit? Kasi kung kasali man ako ng DT ay makakasama kita at magagawa ko rin ang hilig ko.

Pero okay lang 'yon. At least nanonood ka naman ng laro ko. Okay na ako kahit hindi ako ang ipinunta mo, basta gagalingan ko para sa'yo.

Nalaman ko rin na magaling ka raw sa Arts sabi ng mga kaklase mo. Edi lalo akong humanga sa'yo. Ako kasi marunong naman...abstract nga lang.

Hindi naman sa pagmamayabang pero alam ko namang marami talagang nagkakagusto sa'kin. Kaya mas pinili kong maging suplado sa mga babae at lalo na sa mga bading para hindi na nila ako guluhin. Pero syempre sa'yo iba pakikitungo ko. Gusto ko iparamdam sa'yo na special ka sa'kin.

Ikaw kaya? Sa dinami-rami ng nagkakagusto sa'kin...Kasama ka kaya sa mga 'yon?

Sa tingin ko ay hindi.

Bakit? Dahil kakaiba ka.

Mayroon kasing isang beses noon na naglalakad ako sa corridor. Malayo pa lang ay alam kong ikaw na 'yong naglalakad papalapit sa'kin. Ngingitian sana kita kaso hanggang sa makalampas ka sa'kin ay 'di mo man lang ako nilingon.

Alam mo bang nalungkot ako sa ginawa mong 'yon? Pakiramdam ko hangin lang ako sa'yo.

Pero alam mo rin ba na dahil din do'n, lalo akong na-challenge na magpapansin sa'yo haha.

Makukuha ko rin atensyon mo. At higit sa lahat ay makukuha ko rin ang puso mo...gaya ng pagnakaw mo sa puso ko. Corny pero 'yon ang totoo.

Malapit na ang Valentines Day. Napagdesisyunan kong iyon ang araw kung saan aamin na ako sa'yo.

After Class [One Shot] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon