Dapit Hapon

61 4 0
                                    

Isang saradong pintoan na pilit binobuksan.
Umaaasang maibabalik pa ang nakaraan.
Nakaraan na sadyang di magawang kalimotan.
At sa tuwing naaalala'y, lalo Lamang nasasaktan.

Sa pagdating ng dapit hapon ay napapabalisa.
Di mawaglit sa isip at puso'y nagluluksa.
Hinihintay ang umagang papawi sa mga luha .
Dahil sa sakit at hapdi,nang kahapong bula.

Paano ngaba kalimotan ang dating kay saya?
Ala alang tila nawaglit at nag wakas na.
Nakakintal sa puso't isip na tila isang kadena.
Kadenang sa iyo'y nagsisilbing isang parusa.

Aimee D.



Uspoken Thoughts and Poetry Where stories live. Discover now