Tamis ng Tagumpay

26 3 0
                                    

Napakasaya ang maging matagumpay.
Lalo't mithi monga'y nakamit mong tunay.
Tuwa't galak sa puso moy nananahay.
Pagkat Tagumpay sya mong kaagapay.

Hindi madali ang maging matagumpay.
Maraming pagsubok na syang kasabay.
Kaya't sa Lumikha ay humingi ng gabay.
Nang makamit mo ang kanyang patnubay.

Tagumpay kaylanma'y dimo makakamtan.
Kung ika'y aasa lang at magiging batugan.
Kaya kumilos ka't humanap ng daan.
Upang tungohin mo ang kaluwalhatian.

Matapos ang hirap nayong dinaanan.
Sa kahirapan mo't kinalulugmokan.
Sa sakripisyo mo't sayong katatagan.
Ang Tagumpay sya mong makakamtan.

Tamis ng Tagumpay na iyong nakamtan.
Ay walang katumbas na kahit anoman.
Mula sa iyong pawis na iyong ipinohunan.
Na syang magsisilbing isang karangalan.

Ang alaala ng iyong Tagumpay.
Kaylanman sa buhay di magwawalay.
Tila bang nakakintal ng buong husay.
Ang Tagumpay mong napakadalisay.

Uspoken Thoughts and Poetry Where stories live. Discover now