Instant Manliligaw

3 0 0
                                    


Febuary 24 2016

    Diary...

             Tinatamad akong bumangon ngayon, dahil ang totoo magdamag akong walang tulog. Dahil sa katangahang ginawa ko kagabi, nakokunsensya ako sa ginwa ko. Dahil alam kong hindi ko sya mahal, at hindi ko rin sya gusto. Bakit kasi umuo ako, ayan tuloy dagdag pa sa problema ko. Kahit maganda ang araw heto ako at naka tulala, napansin din nila tita at tito pati na sa mga pinsan ko na parang may iba sa akin, kaya pinipilit kong burahin sya sa isip ko. Gaya kahapon nag swimming ulit kami kasama ang mga pinsan ko at may pa picnic pa, habang nag eenjoy kami sa pagkain biglang dumating si Joey at kasama nya si Ethan. Biglang naging awkward moment ang ihip ng hangin, hindi ako maka tingin ng maayos sa kanya at ganun din sya sa akin. Nabasag lang ang pagka ilang naming dalawa ng biglang tinulak ni Carl si Joey at ang lakas pa ng tawa ng baliw kung pinsan kaya naki tawa din kami, habang hindi naman maipinta ang mukha ni Joey. Lumapit si Ethan sa akin sabay sabing "Hi" with matching pinaka matamis nyang smile. Nag smile lng din ako sa kanya at inaya ko syang kumain sa baon namin, umupo sya sa tabi ko at naki kain na din pero yung ngiti nya nandun pa din sa kanyang mga labi. Di ko namalayan na napatitig na pala ako sa kanya, well gwapo naman talaga sya at mas lalo na kapag ngumiti sya, matangos ang kanyang ilong at mahaba ang kanyang pilik mata. Mas lalong nagpadadag sa kanyang ka gwapohan ang kanyang mrenong kutis, tama lang din ang taas nya para sa kanyang edad. Habang tinitigan ko syang mabuti, mas lalo akong nakokonsensya sa ginawa ko at ayan na naman po ang aking konsensya na kagabi pa ako pinapatay. God! Sana naman sa paraang ito kahit may isang tao akong niloko ay maka limutan ko na po yung ex ko. I swear gusto ko na po talagang makapag move on.  After namin magpakasa  sa ilog nagpasya kaming umuwi na dahil pagod na pagod ako sa kakalangoy at nahihiya na din ako kasi tinutukso na kami ni Ethan, eh kasi naman pinagkalat nya sa mga pinsan ko na may gusto sya sa akin buti nalang di nya sinabi na may relasyon kami kundi mas lalo akong mahihiya.

Nang makapag bihis na ako sa bahay ni Lola I decided na pumunta sa bahay nung isa kung Tita naka tambay kasi lahat ng pinsan ko dun at pagkaka karaoke naman ang pinag lilibangan nila. At syempre nakikisali din ako sa biritan dun at si Ethan naman sunod ng sunod sa akin, para tuloy akong may alaga na tuta sa kanya. Kantahan lang kami magpipinsan at nakisali din si Ethan sa amin,  pero inferness ang galing nyang kumanta at lahat ng kanta nya parang may hugot at pinaparinggan. Yung mga babaeng pinsan ko naman todo ang kilig tuwing kumakanta si Ethan at ang abnoy kung pinsa na si Carl ako ang tinutukso.  Bandang dakong hapon dahil malapit na ang dinner time, nag volunteer akong mag luto at dahil hindi naka stove sila Tita kailangan muna naming kumuha ng panggatong dahil naubusan sila. Sasama na sana ako kina Tita para kumuha ng panggatong ng dumating sina  Ethan kasama si Tito may dala silang mga kahoy na panggatong. Si Tita naman tuwang tuwa sa kabaitan ni Ethan at dahil alam ni Tita na may gusto si Ethan sa akin kaya tiningnan nya ako ng nakakaloko. "Hoy pandak! Mamanhikan kana ba sa pinsan ko?" ani ni Carl "pandak" tawag nya kay Ethan dahil mas mataas sya dito ng kunti. "Yun na nga eh, Tita pwedi ko ba ligawan si Gianna?, nakapag paalam na ako kay Tito sayo nalang ang hindi pa" ani ni Ethan na mas lalo kung kinagugulat. Gad akala ko naka limutan na nya ang sinabi ko kagabi, dahil kung tutuusin sa kilos nya kanina akala ko Joke lang yun kagabi though sinabi nya na crush nya ako pero hanggang dun lang yun, ni hindi nga kami nag-uusap kahit naka buntot sya sa akin. Masayang masaya si Tita sa kanyang narinig akala mo sya yung nililigagawan. Kaya ayun napapayag nya si Tita, di kasi conservative ang pamilya ni Papa unlike sa pamilya ni Mama. Sucks naman eh! Sa totoo lang sa moment na to mas gusto ko maging conservative sila.. Para naman may excuse ako, balak ko pa naman sanang bawiin kay Ethan ang sinabi ko kagabi but It's too late.. After kung mag luto kumain na kami at nag kukwentohan saglit at nagpasya na kaming matulog. At take note si Ethan sa bahay na ni tita nakatulog.

Gianna

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 28, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ConfessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon