Chapter Three

33 3 0
                                    

Mag aala'una na yata ako nakatulog kagabi kaya kung may makakakita sa akin ngayon aakalain talaga na zombie ako na naglalakad sa hallway. Nang makarating ako sa classroom, wala pang tao seriously lahat na yata ng katarantaduhan nasa classmates.

Dumiretso ako sa assigned seat ko at umubob,wala puyat ako mga beh kaya iidlip muna ako.

Hindi pa yata nagiinit yung pwet ko sa pagkakaupo may biglang kumalabog na kung ano. Asar kong binalingan ng tingin at ganon na lang ang pagtakas ng kulay sa mukha ko ng makakita ako ng paa sa ilalim ng mga chair na nasa likod na parte ng silid.

Futa po may pinatay pa yata dito!

Kahit takot pikit mata ako gumapang papalapit doon hanggang sa maaninag ko ng buo yung hitsura.

"Oh my goshness Demonyo-este Marcum" naibulalas ko ng mapagsino.

Tinapik ko yung mukha niya pero hindi pa rin siya gumagalaw, maging ang daliri ko tinapat ko sa ilong niya para malalaman kung humihinga pa ba siya.

"Salamat naman at buhay pa" bulong ko habang hinahagod ng tingin ang nakabulagta na demonyo at halos panawan ako ng ulirat ng matapat ang tingin ko sa uniform nya na may bahid ng dugo.

Oh em gee!

"H-hoyy Marcum gumising ka" Ani ko at dala na rin siguro ng frustration nasampal ko siya bigla na dahilan ng pagising niya.

Hindi ko alam kung dapat ba maging masaya ako na gising na siya o matakot dahil ang sama ng tingin niya.

"Put*! Bakit mo ko sinampal?" may diin na tanong niya.

"May dugo ka sa uniform" sa halip na sabi ko ignoring his question.

His expression doesn't change at inirapan pa ako.

"Tss, its not stupid" tamad na sabi niya.

Hindi nakatakas sa paningin ko ang sakit na gumuhit sa mukha ng subukan niya maupo.

tsk deny pa, stupid stupid ka pa diyan gago!

"Ikaw ang stupid" komento ko habang pinaniningkitan siya ng mata.

Hindi siya nakapag-protesta ng mabilis kong inangat ang uniform niya.

Wrong move!

Napalunok ako oh me godness, me abs mga beh! hindi naman sa sinasabi kong firstime ko makakita ng ganon pero parang ganon na nga mga bibi.

"Ehem!" ani niya, napaangat ako ng tingin mula sa pagkakatulala ko sa abs niya.

"Hindi, Hindi ako manyak ah promise sisilipan lang kita-este titingnan ko lang kung nagsasabi ka ba ng totoo-" I defensively said

He glared at me.

"-pero hindi ko talaga sinasadya ng mapatingin aksidente lang hehe" pagpapatuloy ko.

Inirapan niya ko at akmang aalisin ang kamay ko na nakahawak sa laylayan ng uniform, pero matibay to beh! may lakas kasi ako ng sampung kamay.

"What the hell! get off" asar na sambit niya.

I ignored his tantrums hanggang mapadako ang tingin ko sa tagiliran niya.

Shet! may gripo siya beh!

"Anong nangyari diyan?" gusto kong batukan sarili ko dahil sa nakaka tangang tanong ko.

"Mind your own business" umiwas siya ng tingin matapos sambitin mga iyon.

I sighed, this guy! hindi talaga ako makapaniwala sa ugali ng isang to. Napakasungit ako na nga tong concern, aba susungitan pa ako.

Tumayo ako at tinungo ang upuan kung nasaan ang bag ko, napataas ang isang kilay ko dahil ramdam ko ang titig niya sa bawat galaw ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 10, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Arduous HighTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon