Chapter Two

9 2 2
                                    

Moon Bay

Nangangalumata ako dahil sa puyat, alas'dies na kami ng gabi natapos sa paglilinis ng landfill naming classroom.

Epal kasi mga kaklase ko, kalat ng kalat tapos kami rin naman pala maglilinis jusmiyo! Dapat sila lang yung naglinis, kasi hindi naman ako kasama nagkalat kahapon.

"--care to listen Ms.Marcelo?" naputol ang pagtulog ko ng nakadilat sa istriktang tanong ni Maam Magaan, nawala sa isip ko na may nagsesermon pala.

"Opo" mahinang sagot ko habang pinipigil ang hikab.

"And you Mr.Villamayor ikaw ang class president ng section nato kaya dapat ikaw ang dumisiplina sa mga kaklase mo, hindi yung ikaw pa yung nagpapasimuno sa kalokohan-----"

Sinilip ko ang magiging reaksyon ni Marcum pero poker face lang ang hudyo.Aba ayos ah! parang walang narinig.

"---Hindi ko na alam ang gagawin ko sa inyo, aba umayos naman kayo isang taon na lang at magkaka college na kayo lahat lahat eh,  mga astang bata pa rin kayo, ikaw Mr.Villamayor at yang tatlong itlog na kasama mo, ilang taon na ba kayo dito? Hindi ba't apat na taon na kayong nag aaral ng Senior Highschool dito sa Arduous high hindi pa rin kayo gumagraduate" halos ihagis na ni Mam yung teachers table sa apat na itlog dahil sa gigil.

Lihim naman ako napatawa, ibig sabihin dalawang beses silang bumagsak.

"---naubos na ang oras ng pagtuturo ko sa pagsesermon sa inyo, oh sya bukas naman ako ulit mag sesermon, ikaw Ms.Marcelo nakapagpakilala ka na ba sa mga kaklase mo kahapon?" tanong ni Mam habang abala sa pag aayos ng table.Bilis magbago ng mood ah!.

"Hindi pa Mam" si Andy na ang sumagot.

"So introduce yourself, loud and clear okay?" napipilitan akong sumunod sa utos ni Mam.

Ihhhhh nakakahiya!

Tumayo ako sa tabi ng table ni Mam at enebe yung masungi kung kaaway masama na naman ang tingin sakin.Iniwas ko na lang ang tingin ko kay Marcum para kasi syang nag susuper sayan.

"Hello po! Im Moon Bay Marcelo, 17 years old from St of Santa Barbara" nahihiyang pakilala ko.

"Very well, ang unique name mo Ms.Marcelo, " nakangiting sabi ni Mam "anyway aalis na ako class and please behave, wait for your next teacher okay?" pahabol niya pa bago lumabas ng classroom namin.

Naguguluhan kong tiningnan ang mga kaklase ko na nag susukbit na ng bag, nilingon ko si Reighna at bahagyang siniko."Ano meron, bat umaalis na mga kaklase natin?"

"Magkaka Cutting classes ang mga yan" natatawang sagot nya.

Nasamid naman ako sa sagot nya Seriously? mga suwail pala talaga mga kaklase ko.akala mo kung sino mababait pag sermonan time. Tiningnan ko sila na isa isa ng lumalabas maliban na lang saming tatlo, napagawi ang tingin ko kay Marcum, dont get me wrong hindi ko sinasadya mapatingin hah!

And as usual may pa death glare ulit ang Hudyo."Ano tinitingin tingin mo?" mayabang na tanong nya.

Ayaw ko sya kausap kaya imbis na sumagot, inirapan ko lang sya at aba! inirapan din ako ng loko bago lumabas ng classroom.

"Andy?" kunut noo nya ako nilingon." Diba sabi mo kahapon,  mayaman sila Marcum kaya curiuos ako kung bakit nandito sila Arduous high"

Tinigil ni Andy kung ano man ang ginagawa nya sa notebook nya, bahagya ko naman sinulyan lengya nag Flames Candles sya.Nakalagay ang pangalan nya at pangalan ni Eleazar Montejo isa sa itlog na kasama ni Marcum.

Arduous HighTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon