Chapter Three : Date

2.9K 109 3
                                    

Umaga na pero trip ko parin na matulog. Paano ba naman kasi. Yung CP ko nag-alarm ng 3:00. Tapos di na ako naka-tulog. Tsk tsk. Malas naman nung nag message kasi sa akin si Anthony ng set agad ako ng alarm ayun,nung nalaman ko...Tsss! Wag na nga lang. Pagka-message niya sa akin nun nagbasa na lang ako ng wattpad book yung hard copy. Diary Ng Hindi Malandi (Slight Lang), yun ang binasa ko. Hahaha promoting!!!

"HAAY! ANG AGA KONG NAGISING!"

Tsk! Napalakas yung boses ko

"ANAK! WAG KANG MAINGAY!"

Sabi na nga ba sisigawan nanaman ako ni Nanay eh.

"OPO!"

Magbabasa na nga lang ulit ako sa wattpad. Now reading... Mr. Maniac meets Ms. Pervert. Puro SPG pala yung binili ko,now I know. Kung bakit malandi ang tawag nila sa akin sa school. CHE! Bahala sila. Malandi na kung malandi

Manonood na lang ako ng Anime Kuroko's Basketball

"Kyaaahhh!!! Ang pogi mo Kuroko!"

Ooops naulit nanaman. Hindi ko talaga mapigilan ang pagiging in-love...Hindi kalandian ang tawag doon or M.U. (Malalanding Unggoy) dahil maganda ako. Ang umangal panget.

"NYETA! ANAK NAMAN ALAM MO NAMAN NA NATUTULOG PA AKO!"

Sabi na nga ba't magagalit na si Nanay.

"Sorry po Nay!"

Kita mo ang aga aga na-iinlove ako hindi naglalandi ah. Baka isipin ng iba pati ang anime pinapatulan ko. NEVER mas pogi pa ang mga crush ko jan noh

Maka-idlip na nga lang ulit.

Zzzzzzzzzzzzzzz

********

"Hmmmmmmm......"

Hmmm. Naka-tulog na pala ako. At parang matagal pa. Eh bakit madilim pa. Tinignan ko yung cp ko at tinignan ang oras. OMO! 12:30 na ng tanghali. Eh bakit madilim pa? Bababa na nga lang ako baka may tanghalian na

"Nay! Bakit madilim?"

"Anak sinabi sa balita na may bagyo daw ngayon....Ayun oh kuha ka sa kusina ng sopas"

Wahhh! Nag-iingay ako kagabi at nagising si nanay pero pinag-luto niya parin ako ng sopas. Phew! Akala ko pa

"Nay!"

"Oh bakit?"

"May pupuntahan lang ako"

"Anong oras ka makakauwi?"

"Mga 7 or 8, pwede ba?"

"Nak,hindi pwede ngayon. Kita mong may bagyo. Bukas ka na lang gumala."

"Bagyo lang naman eh"

"Nak kapag may bagyo may baha. Kapag may baha lubog ka. Tandaan mo hindi galing sa swimming pool ang tubig baha. Oh ano meron sa baha? TAE ng aso. IHI ng daga. BASURA,ano anong basura? Diaper na may tae, Modess na may regla. Ano lulusong ka pa sa baha?"

Huh? Diba wala naman akong sinabi na lulusong ako sa baha ah

"Nay,kung saan saan napunta yung sinasabi mo. Ang sabi ko lang naman may pupuntahan lang ako at 7 o 8 ako makakauwi. Ano kinalaman ng Tae,Regla,Ihi,Diaper na may tae?"

"Tanungin kita anak. Ano mayroon sa baha?"

"Wala naman akong sinabi na magkakaroon ng baha ah"

"May bagyo, kapag may bagyo may baha. Saan ka naman nakakita ng bagyo na walang baha aber?"

"Basta!"

Diary Ng Malandi (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon