Chapter One : Letter

3.9K 117 5
                                    

Kakauwi ko lang ng bahay galing ng school. Naabutan ko si Nanay na nanonood ng TV

"Oh Kim dumating ka na pala"

"Hinde nay paalis pa lang ako"

" May dumating na sulat"

"Oh?"

"Para sa iyo"

Inabot niya sa akin yung letter

"Aba himala nay! Hindi bukas yung letter"

"Special daw kasi yan kaya hindi ko binuksan"

For the first time in forever~

Hindi binuksan ni Nanay yung letter. Nagmadali akong pumasok ng kwarto ko para buksan ang letter.

Hi Kim,

Pwede ka bang ma-meet sa Mall tommorow? Kung pwede magkita tayo sa **** Restaurant.

Huh? Bakit walang nakalagay sa letter kung sino ang nagpadala? Tss! Nevermind makiki-pagmeet na lang ako sa kanya.

To: Jaizel

Jai, hindi ako makakasama bukas sa mall kasi may pupuntahan akong iba. Next time na lang

Sana naman pumayag siya...

Next. Si Ayumi naman

To: Ayumi

Yumi, kayo na lang muna ni Jai yung mag-mall bukas. May pupuntahan akong iba eh. Sorry ha? Next time na lang.

[1 new message recieved]

From: Ayumi

Ok bes, Magkasama kami ni Jaizel ngayon. Sabi niya naubos na daw yung load niya kakabarahan niyo kanina sa room,kaya ako na lang daw yung mag-reply

Haay! The best talaga itong mga bestfriend ko na mga ito. Di gaya nung iba na kapag hindi ka sumama magagalit sila sa iyo

Mago-online na lang muna ako sa facebook

[Message Recieved]

See ya tom.

Huh? Sino tong Anthony San Martin?

Iv-view ko na lang yung profile. Kung baka sakali na nakita ko na siya.

OMO! Ang gwapo! Tsaka yung sinabi niya sa akin na...."See Ya Tom."

W-wait, ibig sabihin siya yung nag-send ng letter?

Waaahhhh!!!! Mamamatay na ako ng tuluyan bukas sa tunaw. Makikipag-meet ako bukas sa isang gwapong pogi. Hehehe isa lang yung meaning nun eh. Inaatake nanaman ako ng virus na #KalandianAlert!

Wala eh! Natural na sa akin ang pagiging malandi. Pano ba naman kasi ang daming pogi ang nagkalat sino ba ang hindi maglalandi?

Hihingi ako kay Nanay ng pera pambili ng dress.

"Nay pahiram ng pera bibili ako ng dress"

"Ok. Basta ang bilhin mo yung maayos ha. Ayoko ng sando na litaw na yang "ano mo" at maikling short ha"

"Opo promise nay. Sige punta na ako sa mall"

"Ingat ka"

Buti na lang kahit medyo bad girl ako kay nanay mabait parin siya sa akin.

Maliligo na ako dederetso na sa mall para bumili ng dress na bagay sa akin bukas. Di naman kasi ako pwedeng mag-mukhang yaya sa harap ng ka-eyeball ko bukas diba? You know, hate it very much. Kakahiya kaya noh! Ang pretty ko then mukha akong basahan.

On the way na ako sa mall then nag-post ako sa facebook ng status.

Hi Everyone! On The Way To Mall! Keep safe!

Then nag-exit na ako ng application. Tapos tumingin ako sa internet ng magandang dress kapag makikipag-kita. Marami naman akong nakitang maganda pero di ko lang alam kung bagay iyon sa akin. Maybe I need help sa mga fashionista. Pero it's time na eh. Hindi ko na sila pwedeng istorbohin. Baka magalit pa sa akin imbes na samahan ako.

Nag-online ulit ako sa facebook then tinignan ko yung notification.

96 Likes
40 minutes ago
10 comment

Tinignan ko yung mga comment

Keep Safe Din Ate Famous. <3

Kahit famous ako hindi naman ako snobber kaya nag-reply ako sa comment niya.

Thank You!

Oh EmGee! Nag-comment si Vincent Castillo!

Hello, ingat ka ate famous. Baka mapagdiskitahan ng mga Gangsters a.k.a. JeJemon. Hahaha #OnlyInThePhilippines

Kahit simple lang yung comment niya ang saya saya ko na. Imagine heartrob na snobber sa iba. Ni-hindi manlang nangla-like ng profile picture ng iba. Tapos nag-comment pa sa simple status ko! Hahaha haba ng hair ko! Ingat kayo baka matapakan ang buhok ko kaka-rebond lang niyan nung isang araw. Daig ko pa si Rapunzel sa haba ng hair! Hahaha! Tuloy tuloy parin ang pagdagdag ng notif. sa account ko. In-open ko yung notification. Then may-nag floodlike sa akin. Normal na sa akin ang ma-flood p-pero ngayon. SI VINCENT ANG NAG FLOODLIKE SA AKIN! May gusto na rin ba siya sa akin? No! Wag naman sana lord may love na ako eh, si Haru-kun. Baka sabihin nanaman ng "THE OTHERS" jan. "Uy,landi mo teh! Dalawa ang iyong fafa! Penge!" See? So sino ang mas malandi sa amin? Tsk, nevermind. Mas malandi naman siya noh. Pwede naman na ayusin yung mga words na gagamitin. Bakit kailangan "Fafa" pa ang gamitin? Nakaka-irita lang. Sarap hampasin ng dictionary ng mahanap niya kung ano ang ibig sabihin ng "Fafa" na yun.

Habang tinitignan ko yung letter na bigay ni Mr. Anonymous hindi ko mapigilan ang mapa-ngiti. Kayo ba pag binigyan ng ganito hindi ka sasaya? Siyempre lahat ng tao sasaya noh. From Bitter to Sweet. Habang tingin ng tingin ako doon sa letter ay may nalaglag na picture. Picture niya siguro. Infairness gwapo naman ah. Cute pa. At mukhang hot pa.

Hot Summer, a hot hot summer~

Lols, tapos na summer. Pasko na kaya no. Sana hindi malamig ang christmas ko. Sana lang.

********
Don't Forget to Vote for this chapter. And leave a feedback.

- AlienFromVenus

Diary Ng Malandi (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon