"Sa dami kong hiniling sa Panginoon,Ikaw ang pinakadabest na nangyari saakin at iyon ang isang malaking bagay na lagi kong pinagpapasalamat sakanya".-Xandra
"The other night dear,as i lay sleeping,i dreamt i held you in my arms."Habang kinakanta ko ito ikaw lang ang iniisip ko.Alam ko pagtapos ng trabaho kong ito ay makakauwi na ko sayo kung saan tayo lamang ang magiging masaya.Ikaw lang at ako ang para sa isa't-isa."When i awoke, dear.I was mistaken.So, I hung my head and I cried"Alam ko.alam na alam ko na pagkatapos na pagkatapos ng mga kahibangan ko na to.Pwedeng may makaalam kung ano tayo at iyon ang ikinatatakot ko dahil baka isang kisap lang ng mata ko pwede ka nang mawala sa buhay ko.Hindi ko kaya.Hindi ko kakayanin.Sa mga sandaling ito Hindi ko na mapigilang hindi maluha.
Bakit ba ganito?Bakit ba ang hirap-hirap mong mahalin ng malaya?"You are my sunshine.My only sunshine.You make me happy.when skies are grey."Yes.You are my sunshine.My one and only sunshine.I Love You.Bago pa ko matuluyang maiyak dito.Hinanap ko ang mga mata mo sa mga taong nandidito sa studio na nakikisabay sa pagkanta ko. At Hindi naman ako nahirapang hanapin ka dahil parang nakalikha na ata na ang mga mata mo ay nabibilang lang para saakin at ganun din ang mga mata ko sayo.Sa sandaling ito,gusto ko na lang tapusin ang pagkanta ko at takbuhin ko ang pagitan nating dalawa nang mahalikan na kita sa harap ng maraming tao.Gusto kong ipamukha sa kanila na ikaw lang ang lalaking kayang kong mahalin sa buong buhay ko.Pero,Hindi pwede dahil may mga bagay na kailangan ay nakatago lang saating dalawa.At iyon ang palaging ipinamumukha satin ng mundo.Na ang isang ako at ikaw ay hindi nababagay sa isa't- isa.
"Please don't take my sunshine away"nagmistulang pakiusap ko na talaga ang linyang ito dahil napapagod na ko.Napatingin ako sa taas.Please dont take my sunshine away.Nang idilat ko ang mga mata ko hindi ko namalayang umiiyak na pala ako at natapos ko na ang kantang kinakanta ko.Tinignan ko lang siya at para lang akong nanalamin dahil kung ano ang nakikita ng iba ngayon sa mata ko ay siya ring nakikita ko sa mga mata nya.I love you.
"Thank you,po"Isang masagibong palakpakan naman ang naging tugon nila saakin.Bumaba na ko ng stage at sa pagpatay ng ilaw isang pares ng braso ang humila saakin at niyakap ako ng mahigpit na mahigpit."Lets go home"he said.Hinila na niya ko at inuwi sa mundo kung saan kami lang ang magiging masaya sa piling ng isa't-isa.Nakakubli sa kadiliman at hirap na hirap na namang harapin ang kinabukasan.
Just once.Please let us be happy.