1 - Takashi

17 0 0
                                    

Yuriko Takashi POV:

 

"Hi boss!"

"Boss Yuriko!"

"Boss! Tara inom tayo!"

"Yuhoo! Boss. Let's party!"

Puro mga sigawan, tawanan, inuman, sayawan ang makikita at maririnig mo dito sa pagmamay-ari kong bar.

Nanalo na naman ang grupo ko sa mga kalaban na iba pang mafia. Sa tuwing mananalo ang grupo ko, ma-simpleng labanan man yan o bigatin. Nagpapa-celebrate talaga ako. Eto na ang way ko para pasalamatan sila sa pagiging tapat at magaling na alagad ko.

Ako si Yuriko Takashi. 48 years old. Ang hari ng grupong Takashi - isang mafia group. Kami ang pinakamalakas na grupo pagdating sa mafia. At ang nag-iisa naming kalaban ay ang mga Alinea.

"Yow boss!" Gino.

"Wow! Good boy, ayaw uminom." Ivan.

"Ano boss? Masid-masid na lang ba?" Mario.

"Inom tayo boss! Hindi ka namin isusumbong kay Tita Diana." James.

"Boss! Dami chix oh?" Dylan.

"Hi boss!" Mico.

Napa-iling na lang ako sa anim na lalaking dumating sa harap ko. Sila ang mga anak-anakan ko, inampon ko sila sa isang bahay ampunan na muntik ng sunugin ng mga Alinea. Sila ang masasabi kong tunay at tapat na alagad. Itinuring ko sila bilang mga tunay na anak ko, since hindi naman na ako magkaka-anak.

"Iinom din ako pero mamaya na." sabi ko sakanila para hindi na nila ako kulitin pa.

Umalis na sila sa harap ko at nakita ko naman na nagpunta sila dancefloor.

"Yuriko!" nagulat ako sa taong tumawag sa pangalan ko.

Shit naman! Sinabi ko naman na wag na syang pumunta pa dito. Hay! Ang kulit.

"Didn't I told you to stay at home only, Diana?" inis kong sabi sakanya.

Diana Takashi. 43 years old. Ang asawa ko, isa syang Doctor.

Napa-pout naman sya sa sinabi ko, hay! Kahit kelan talaga isip-bata 'tong asawa ko, pero okay lang naman. Seryoso naman yan pagdating sa trabaho. Saken lang hindi. Lagi akong inaaway at binibiro.

"Eeh. Party 'to eh! Alam mo na? Dami boooys!" sabi nya saken ad smiled, she even wink at me.

Goodness! Why do I have this kind of wife?

- _-

NATAPOS ang halos isang gabing pagpaparty, ngayon nasa harapan ko na ang mga alagad ko, ipinatawag ko sila para paghandain sa mga laban pang darating.

"Maghanda kayo! Hindi lang ang Alinea ang kalaban natin dito, pati na rin ang iba pang grupo na nais umagaw sa trono natin." sabi ko sakanila at naghiyawan naman sila.

Punong-puno ang bar ko, puro mga miyembro lang naman ito ng Takashi. Halos nasa 200 plus ang miyembro ko, mas madami nga lang sa mga Alinea.

Nasa Japan ang iba pang miyembro ko, nandito ako sa Pilipinas dahil dito mas magandang tumira at mag-plano. Dahil iisang hangin lang din ang hinihingaan namin ng mga Alinea. Nasa Japan sila, ever since. Sa Japan na talaga sila.

"Boss! Hindi pa ba tayo tapos? Antok na antok na ko." reklamo ni Dylan.

Sakanilang anim si Dylan ang pinaka-gago, sya ang pinaka-matapang pero pinaka-walang modo.

"Sige na! Umalis na kayo." sabi ko at agad naman silang nagsilabasan sa bar ko.

Ng mawala na ang lahat ng tao sa bar ay saka ko lang inilabas ang alak ko.

Simula pa lang 'to ng laban, hindi ko pa nakukuha at nahahanap ang bagay na makakapag-patumba sa mga Alinea. Babawiin ko kung ano ang saken, kung ano ang para sa mga Takashi.

*

You and MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon