5 - Runaway

7 0 0
                                    

Allie Jasmine POV:

I was busy searching for a ticket plane ng may biglang pumasok sa kwarto ko.

"Anak. Nandyan sa baba ang Tita Thea mo." dad said and I nod.

Sinara ko naman agad ang mcbook ko, sheez. Kinabahan ako dun ah? Hindi talaga marunong kumatok si daddy.

-_-

Yes. Buo na ang desisyon ko, tatakas ako dito sa Japan and pupunta ako sa Pilipinas. Kelangan ako ang magtapos ng mission ni mommy, pagbatiin ang Takashi and Alinea.

Bumaba na ako and I saw Tita Thea, mom's sister. Ugh. Ayoko talaga sa babaeng 'to.

"Hi princess. I miss you! How are you?" she said to me and kissed my cheeks.

I immediately rolled my eyes secretly. Plastic. Kung hindi lang sana nya yun ginawa eh di sana gusto ko sya, sana tanggap ko sya. Pero you know, pag ayoko sa isang tao, ayoko talaga kahit pa na inaalagaan nya kami ni dad.

"Fine." tipid kong sagot ang umupo sa couch.

"Well. I have some pasalubong for you, galing sa Philippines." she said and smiled widely.

Hindi naman sila ni daddy kase yun yung hiling ko sakanya nung namatay si mommy. Wag na wag mag-asawa kung si Tita Thea lang din naman ang papalit sa pwesto ni mom. No way in hell na magiging mommy ko sya!

Yeah. I know, childish pakinggan pero ayoko talaga kay Tita Thea. Mas gusto ko pa sa Tita Diana na asawa ng leader ng Takashi pero ayun, hindi ko pa sya namimeet. Sakanya nga ako tutuloy if ever na makatakas na ako dito sa Japan.

Just wish me luck.

"Jasmine. Aalis kami ng Tita Thea mo, stay here. Wag kang lalabas, babalik din kami the day after tomorrow. Nag-iwan na rin ako ng mga kakailanganin mo dyan. Even money, young lady." he said and kissed my forehead, bineso naman ako ni Tita Thea.

Ng lumabas na sila ng mansion ay agad akong napatalon sa tuwa. Yeeeees! Iba talaga pag nakiki-ayon sayo ang tadhana. Umakyat na ako sa kwarto ko and nagpa-book na ako ng flight papuntang Philippines. And guess what kung anong oras. BUKAS ng TANGHALI. 2 pm to be exact. Hohoho!

TAPOS na akong mag-impake ng mga gamit ko, halos lahat ng mga damit ko ay dala ko. Dalawang malalaking maleta ang dala ko. Sheez! Parang mahihirapan akong dalhin 'to. Ano kaya kung magpasundo ako kay Tita Diana?

Na-uuuuh. Hindi ko alam number nya, alam ko lang address nila. And isusurprise ko na lang sya. Excited na ako pumunta sa Pilipinas. Vacation and mission 'to. Aba'y, ADVENTURE 'to. Hahahaha!

Makatulog na nga lang ng maaga.

FRESH AIR. Yan ang unang naramdaman ko paglabas ko ng mansion. Hindi naman sa ito ang first time ko makalabas ng mansion namin pero ito na ata ang pinaka-matagal. Nandito na ako sa taxi cab and papunta na sa airport. Sana lang wag lang ako mahuli ni daddy. Syempre, yun pa? Sa dami ba naman nyang connections eh. Malamang I'm doomed.

"Where's your ID ma'am?" tanong saken ng guard nung airport.

Yes. Nandito na ako, and kasalukuyang hinahanap ang ID ko.

"Here." abot ko sakanya ng pinagawa kong ID.

Ako pa ba? Planado kaya lahat. Hihi.

He smiled at me and pinapasok na ako sa loob, kinuha naman nung attendant yung ticket ko and other requirements.

And in just a snap, nasa loob na ako ng plane papuntang Philippines. I'm so great. And sana lang mas maging maayos ang pag-stay ko dun, knowing my dad, hindi yun titgil hangga't hindi nya nakukuha ang revenge na inaasam nya.

I closed my eyes and drifted to dreamland.

Just wait for the right time mom, makakamit din natin yung kapayapaan sa pagitan ng Takashi and Alinea - makakamit mo rin yung justice sa pagkamatay mo.

Aayusin ko ang lahat sa tulong ng mga Takashi. Sila lang ang maaasahan ko sa ganitong sitwasyon. Just wait mom, just wait.

You and MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon