pag ibig nga naman

47 0 0
                                    

Pag ibig nga naman

Nasasaktan na, manhid manhidan pa…

Nahihirapan na, lumalaban pa…

Itinataboy na, hinahabol pa…

Ganoon ba talaga pag nag mamahal ka???

Nagiging tanga ka???

Pero ang magmahal, hindi masama…

Lalo na kung alam mong totoo at tuna yang nararamdaman mo para sa kanya…

Pero worth it bang lumaban at maghabol sa kanya???

CHAPTER 1

N

agising si Faincey dahil sa nanay nya na kung makasigaw ay daig pa ang nanalo sa lotto. Karipas syang tumakbo pababa ng hagdan para tingnan kung ano ang ipinuputok ng butsi ng kanyang ina.

“Nay! Ano bang nangyayari sa inyo?” nakakunot ang kanyang noo.

“Nako anak! Alam mo ba, may bagong lipat dyan sa malaking bahay na puti. Ay! Napakagwapong binatilyo. Mayaman pa anak. At ang gara ng kotse!” tuwang tuwa at may pagkaekseheradang kwento ng kanyang ina.

            Sa totoo lang ay wala talaga syang hilig sa mga lalaki dahil ang tingin nya sa mga ito ay parepareho lang simula nang iniwan sila ng ama nya. Lumaki sya na tanging ang ina lang ang kasakasama. She was an independent woman and a dance instructor.

            Ngalingaling ibinagsak ni Drake ang kanyang katawan sa malambot at malaking kama nito. Hiniram nito muna ang bahay ng kanyang tyuhin sa Batangas na nasa Canada upang makapagrelax man lang dahil sa napakadaming stress na idinudulot ng kanilang kompanya sa kanya. Maliligo na sana sya nang biglang nagingay ang kanyang cellphone.

“Hello dad?”

“Where are you Drake? You have lots of works to do!” pasinghal na sabi ng kanyang ama.

“Dad, can you please let me to take a rest? Even for a month.” Pagtitimping sagot nya rito.

“Hey look…………”

Binabaan na nya ito dahil ayaw na nyang makipagusap dito. Hindi sya nito naiintindihan dahil hindi naman ito ang napapagod sa araw araw na ginawa ni Lord. Isabay pa ang pakikipagbreak ng kanyang nobya dahil nawawalan na sya ng oras para dito. Ano bang kamalasan ang nangyayari sa buhay nya ngayon?

Chapter 2

K

atatapos lang ng dance rehearsal nila Faincey. Patawid na sana sya upang makasakay pauwi nang biglang may muntik muntikan nang makabunggo sa kanya.

“Hoy ano ka ba? Bumaba ka nga dito! Hindi ka ba marunong magmaneho? Makakapatay ka ng tao ng hindi mo namamalayan! Ano wala kang balak bumaba dyan at humingi man lamang sakin ng dispensa?”

Nang magbukas ang pintuan ng mamahaling sasakyan na muntik na syang madisgrasya ay tumambad sa kanya ang isang gwapong imahe. Para itong isang anghel na ibinaba sa lupa. He was a tall, dark and handsome. Hindi nya maiwasang matulala dito. Matangos ang ilong nito, mapula ang mejo manipis na labi, at may kakapalan ang kilay. Maganda ang pangangatawan nito. Nawala sa katinuan ang kanyang isip ngunit nagbalik din naman ito kaagad ng iwinagayway ng lalaki ang kamay sa kanyang muka.

“Ms, pasensya ka na.” kunot noong sagot nito.

“A-a-ah. Ok lang.”

Nakapagtataka atang unang tingin pa lamang nya rito ay naatract na sya sa isang to. Ay hindi! Hindi pwedeng mangyari! Gutom lang sya. Kailangan na nyang umuwi.

Has llegado al final de las partes publicadas.

⏰ Última actualización: Sep 27, 2014 ⏰

¡Añade esta historia a tu biblioteca para recibir notificaciones sobre nuevas partes!

Pagibig Nga NamanDonde viven las historias. Descúbrelo ahora