Chapter 3

138 6 1
                                    

Ilang araw pa ang lumipas. At dalawang tulog nalang PROM na! Yey. Well, handing handa na ko. Si Anthony nalang ang kulang.

“Ella. Nakita namin si Anthony kanina. May dalang bouquet. Sayo ata ibibigay. Yieeeee”

“ Omg talaga?! Guys samahan niyo ko sa CR. Kailangan ko magayos. Ayoko naman na mukha akong bakulaw na diyosa pag nakita ako ni Anthony noh!”

Pagkatapos kong magayos. Syempre pulbo lang at pabango at konting suklay ng buhok. Lumabas na agad kami ayoko naman kasing pagintayin ang loves ko <3

“ Hi Ella!”

“Oh. Hi Max!”

“A-Ano kase. M-May partner ka na ba sa prom?” Sabay bigay sakin ng Bouquet ng roses.

Ano kase max eh. Si Anthony kasi ang---“

“Oo nga pala. Okay lang naman sakin eh. Nagbaka sakali lang, Pero mukhang sa tropa ko ikaw patay na patay e :) ”

Niyakap ko nalang siya. Siya kasi ang dahilan kung bakit ko nakilala si Anthony. Siya ang nagpakilala samin kay Anthony.

Sige Ella! Andito lang ako parati! See you!”

Mabait naman si Max eh, Pogi. Matalino. Pero Anthony parin ako ‘noh <3

Habang papunta kami sa room. Nakita ko si Anthony. Papalapit. May dala ngang bouquet. Omg. Ella kalma. Magpakadalagang Pilipina. Whoooo.

Ayan na siyaaa. Palapit ng palapit. Nakatingin siya sakin

Pero teka, ba’t lumagpas ata siya. Hello Anthony! Andito kaya ako! Yuhoooo.

Tatawagin ko sana siya pero biglang tumigil ang lahat,

Para akong sinasaksak ng paulitulit sa nakikita ko.

Gusto kong umiyak pero hindi ko magawa.

Izza. Pede bang ikaw ang makasama ko sa prom?” Sabay ngiti niya.

Hindi ko na nakayanan ang nakita ko. Nagtatakbo ako sa room. Sabay ub-ob.

Ang bigat bigat ng feeling. SOBRA. Feeling ko ayoko na umattend ng Prom :<

Uy ella. Ayos kalang ba?”

“Ella uy.”

“Oo naman. Ako pa ;)” Sabay ngiti kayna Den.

Kahit ang totoo hindi naman. Haaaaay. <///3

CRUSH (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon