Chapter 5 (Epilogue)

134 4 0
                                    

Hindi ko na alam ang sumunod na nangyari kasi habang papalayo siya. Palabo ng palabo ang paningin ko. Hanggang sa bigla nalang nag-blackout ang paningin ko at pagkatapos noon. Hindi ko na  siya nakita pa. Ang sabi nila nagtransfer na daw ng ibang school.

Heto ako ngayon. Papunta sa pagtatrabahuhan ko. Yea. Graduate ako ng Accountancy at may nakuha agad akong trabaho.

Naisipan kong magbasa nalang muna ng Wattpad. Kagaya noong hinihintay ko si Anthony nung Cleaner pa siya. Haha. Kakamiss. Simula kasi noong nangyari yun. Hindi ko na siya pinansin. Hanggang sa grumaduate kami. Hanggang sa nagcollege. Wala. Wala akong balita sakanya hanggang ngayon.

“Wattpad parin?”

“A-Anthony?!”

“ Hi Ella.”

“ Kamusta na?”

“Ayos lang. Ikaw?’

“Ayos lang din.”

“Uhm. Ella pede magtanong?”

“Nagtatanong ka na nga eh. Haha. Joke. Sure”

“Galit ka parin ba sakin?”

Biglang nagflashback lahat.

Yung panahong patay na patay pa ko sakanya.

Yung panahong tinatawag ko pa siyang sweetheart.

Yung panahong iniintay ko siya pag cleaner siya.

Yung panahong sinabi niyang TIGILAN KO NA SIYA

Lahat.

“ H-Hindi ‘noh! Matagal narin naman kasi yun :>

Nabigla ako sa mga sumunod na ginawa niya. Niyakap niya ko ng mahigpit.

“ Sobrang namiss kita ella. Sobrang pinagsisisihan ko ang lahat.”

“A-Ano? Nalin?”

“Pagpapanggap lang lahat ng yun. Lahat ng sinabi ko sayo hindi yun totoo”

“ Naalala mo nung araw na may dala akong bouquet? Para sayo talaga yun.”

Tumingin siya at hinawakan ang kamay ko

S-Sakin?”

“Oo.  Kaso nakita kita, Binigyan ka ni Max ng bouquet at niyakap mo siya kaya kala ko siya na ang kasama mo sa prom at naisip ko na bilang kaibigan magpaparaya ako. Gustong gusto ka kasi nun”

“P-Pero bat di mo muna ako tinanong?!”

“Sobrang na bv kasi ako nun. Sabi mo kasi sakin tayo ang partner pero nakita kita nakayakap kay Max. Sayang naman yung rose kaya binigay ko nalang kay izza at siya nalang niyaya ko sa prom. At saka pinsan ko yun ella. Nasabi ko lang na gusto ko siya para magselos ka kasi kala ko si max na ang gusto mo at hindi na ako.”

“P-Pero---“

“ Nung araw na huli tayo nag usap. Diba nakaidlip ka nun? Matagal na ko ella tapos maglinis.Wala akong ginawa kundi titigan ka. Hanggang sa napansin ko yung phone mo. Sorry ella kung binasa ko msg mo. Puro kay Max. Kala ko ay kayo na kaya nagalit ako sayo. Feeling ko niloko mo ko at pinaasa kasi sabi mo ako yung sweetheart mo.  Sakin ka sweet. Tapos makikita ko na lagi kayong magkatext ni Max Nung maramdaman ko na parang magigising ka na. Nagkunwari akong galing loob. Dapat hindi mo nalang ako inintay nun may sakit ka pala. Sorry kasi nasigawan kita nun. Hindi ko naman alam na hiniram pala ni Lexie ang phone mo para makapagtext sila  Max. Hindi ko naman kasi alam na tinutulungan mo pala si Lexie sa kaibigan ko. Babalikan na sana kita nun kaso paglinggon ko nakita kitang walang malay. Takot na takot ako ella. Kala ko mamawala ka na sakin nun. Kaya binuhat kita at dinala agad sa ospital. Hindi na kita naintay na magising noon, Kasi natatakot ako na baka sabihin mong hindi mo na ako mahal/crush. Sorry kung feeling mo binalewala kita. Sorry. Pinagsisisihan ko talaga yun ella.”

Ano ka ba! Okay lang yun, Matagal narin naman yun e.” Ngumiti ako kahit na naiiyak na ko.

“ Alam mo sobra akong masaya pag tinatawag mo kong sweetheart. Napapangiti ako kaya lagi akong tumutunggo. Nahihiya kasi ako sayo. Ang torpe ko naman kasi eh. Hindi ko nasabi sayo na mahal kita. Na crush din kita. Nung prom ko sana sasabhin sayo kaso wala ka naman dun.  Hindi ka daw umaattend. Ang akala ko nagalit ka sakin kaya lumayo nalang ako. Pero ella. Ngayon sigurado na ko. Hindi na kita papakawalan pa. Mahal na mahal na kita sweetheart. Liligawan kita sa ayaw at sa gusto mo.”

Napatawa naman ako dun at syempre kinilig, Sheeemaaay. Tinawag niya rin akong sweetheart noh :p

 “Mahal na mahal na kita sweetheart <3 :) Mahal parin ba ako. Kasi kung hindi gagawin ko ang lahat mahalin mo ulit ako :3 ”

Ngumiti ako at yumakap sakanya.

At siguro naman alam niyo na kung anong sagot ko diba? J

CRUSH (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon