Eto na.. dumating na yung araw na titigilan na kita, hindi sa hindi na kita mahal pero kelangan ko din naman siguro isipin ang sarili ko. Ang hirap naman kasi umasa sa isang taong hindi mo alam kung may aasahan ka ba. Ang hirap maghintay kung hindi mo alam kung may hinihintay ka. Ang hirap mag hold-on sa isang taong hindi mo alam kung ano ka ba talaga sa kanya.
Ako si Carlene Dizon, at may lihim akong minamahal si Stephen Torres. Noong una hindi ko naman talaga sya gusto eh, tinutukso lang kami ng mga kabarkada nya, parang gaguhan lang kami dati…ang kaso ung gaguhan na yun sineryoso ko… nahulog ako eh, nahulog ako sa isang taong hindi ko alam kung handa ba akong sapuhin.
Hindi nagtagal naging close tayo sa text at ako naman tong si tanga , umaasa at nag eexpect ! kasi naman paano akong hindi aasa? Kung sa mga text nya nararmdaman kong special ako? Haayy.. ang hirap naman kasing lumugar hindi ko alam kung ano ba talaga ako sa kanya.. sabi kasi nila may gusto din daw sya sa akin.. pero bakit sa iba nya sinasabi bakit sa akin hindi? Buti pa sila alam nila.
Hindi ko alam kung anong meron si Stephen pero lagi ko talagang pinagdarasal na sana sya na ang ibigay sa akin ni Lord, na sana kahit sandali lang mramdaman ko kng papano sya magmahal at kng papano sya mag alaga.. kahit sandali lang… siya kasi ung tipo kong lalaki, ung hndi ko alam kng bat ko sya nagustuhan basta na-feel ko na lang na gusto ko sya at gusto kong maramdamn ang pagmamahal nya kahit sandali lang pero sadyang maramot ang tadhana, kahit sandali lang ayaw pa nya ko pagbigyan.
One time magkatext kami ni Stephen… napg usapan nmin ung lovelife.. sabi nya, hndi pa daw sya ready, ayaw pa daw nya.. so it means? Ala na kong pag-asa? Nakakainis nung time nay un gustong-gusto ko ng aminin sa kanya na nahulog na ko sa kanya kaso natatakot ako kasi baka layuan nya na ko, ayoko nman mangyari un kaya hndi ko na lng sinabi pero ipinaparamdam ko nman halatang-halata kasi sa mga text ko sayo eh, kaso sadyang manhid ka lang at hindi mo maramdaman yun.
Ngayon lang ako nagkaganito, yung tipo na kahit hndi pa kita ganun kakilala pero ramdam ko na gusto na agad kita at alam kong mamahalin pa kita, kaya nga lagi akong tumatambay sa bahay ng pinsan ko nagbabakasakaling dumaan ka. Lagi akong nagpaplowd at nagpupuyat para maka-text ka lang…
Pero ilang buwan na ang lumipas, wala pa din nangyayari… lalo lang akong nahuhulog sayo, minsan gusto ko ng itanong sayo na “Paano kung mahulog ako sayo handa ka bang sapuhin ako?” natatakot kasi ako sa isasagot mo baka kasi masaktan ako,.
Naisip ko na hanggang kelan pa ba ako aasa ? Hanggang kelan pa ba ako maghihintay sa wala?
Hanggang kelan ako maghihintay na balang araw eh may matatawag ako na “TAYO”. Nakakpagod na din kasi umasa eh. Kasi paano na ako kung may magustuhan kang iba? Paano na ang puso ko? Masasaktan nanaman ba ganun? Kaya naisip ko na habang maaga pa kailngan ko ng tapusin to, kailangan ko ng pigilan ang kalokohang to! Dahil sa umpisa pa lang lokohan lang naman tayo di ba? Sineryoso ko lang.
Kaya ngayon nakapag desisyon na ako.. Titigilan na kita… kakalimutan ko na yung nararamdaman ko para sayo. Tinext kita para man lang may last text or last conversation tayo, eh ang kaso hindi ka nman nag rereply hindi talaga tyo meant to be.
*beep*
From : Bebelabs koo <3
“ Being in love with you is the reason why I can smile, why I can laugh and most of all being in love with someone like you makes me feel worth living for.”
Good eve.. :D
Ang saya naman! Tara text na tayo?
.gm.. I love that I fall for someone like you…
Nung nabasa ko ung message nya nasaktan ako , ang ibig sabihin ba nun may nagugustuhan na syang iba? Nahulog na sya sa iba? Tama nga lang ba ang desisyon ka na lumayo na sa kanya,.? Siguro nga tama na.. siguro nga panahon na para itigil ko na tong katangahan ko.. panahon na para gumising ako sa katotohanan na kahit kalian hindi magkakaroon ng “TAYO”.
Nag gm ako, at pinatamaan ko sya doon ang sabi ko doon “it’s time to stop falling for you.” Desidido na ko susuko na ko, susuko na ko sa isang laban na ako lang ang lumalaban.. iiwasan ko na sya.. lalayo na ako.. kailangan ko tong gawin para hndi ako masaktan ng todo..
*beep*
From : bebelabs koo <3
Ui.
*beep*
From : bebelabs koo <3
Ui……
*beep*
From : bebelabs koo <3
Ui..carlene!
Bakit ganun? Bakit kung kalian nakapgdesisyon na kong umiwas saka ka nagpaparamdam? Hindi ko alam kng ano na gagawin ko.. kung puso ba ang susundin ko? Kay hirap kasi sabihin na minamahal kita, ngayong mern ka ng nagugustuhang iba.sana binigyan ako ng pagkakataon para maiparamdam sayo kng gaano kita kamahal pero siguro nga hndi talga tau para sa isa’t-isa.. mas mabuti ng umiwas ng maaga para hndi na lumalim pa lalo ung nararamdaman ko para sayo.. para hindi na din ako masaktan ulit ng todo.
Ayoko man layuan ka pero kailangan. Alam kong hndi magiging madali ito pero kailangan ko kasing isipin ang sarili ko kailangan ko din nman mahalin ang sarili ko kaya iniiwasan ko ng masaktan. Mas ok ng itigil na ito ng maaga para hndi na lumala pa.
Kaya ngayon tinatapos ko na ang storya nating dalawa na kahit kelan hindi nagkaroon ng umpisa.
I will stop falling for you..
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
A/n:
Weee… haha ang corny ba? Sorry naman mabilisan lang yan eh pero sana magustuhan nyo pa din. Sana ma-appreciate nyo. Salamat
Please Vote, Comment and Be a fan!
Thankyou~
