Limit 2

0 0 0
                                    

Limit
Written by: simplyB_94

Author’s Note: Plagiarism is a crime babies.

Started: February 24, 2019—


Chapter 2

Genesis Amalthea Manlapat


Kagaya nga ng napag-usapan namin ay sabay na nakipag-lunch sa amin si Brant at ano pa ba ang aasahan niyo sa kaibigan ko? She's really pissed at him na kapag kinausap ni Brant ay isang sagot lang ang ibinibigay. Kagaya na nga lang ngayon.

“Hanggang anong oras yung class mo?” Tanong ni Brant. Pero teka nga, bakit siya lang yung tinatanong?

“5”

“Ah ganoon ba? Sayang 6 pa kasi yung sakin.” He said na dahilan para tumaas yung kilay ko. Bakit naman sayang?

Maybe gusto niya ulit na sumabay sa amin.

“Are you done?” tanong ni Tania sa akin.

“Ah, hindi pa.” kalahati pa lang kasi iyong naibabawas sa pagkain ko. Noong napatingin ako sa plate ni Tania ay simot na. Ganyan ba talaga siya kumain?

“Mauuna na siguro ako. I have to go, see you sa classroom.” She said after she fixed her things at umalis na walang lingon-lingon.

“You’re in the same class, right?” tanong naman sa akin ni Brant na noon ay mukhang hindi na ipagpapatuloy pa ang pagkain.

“Yes, since were on high school until now na college na kami. Sanggang-dikit kasi kami niyan.” Nakangiti ko pang sabi.

“She’s been my friend for almost 5 years.” I added.

“Woah! That long?”

“Hmm.” I answered at niligpit na lang rin yung food ko na parang hindi ko na yata mauubos.

“Bibihira ang ganun. Mayroon kasi na bestfriend sila but in the end sila pa yung magiging greatest enemy.”

“I don't think that will happen between us.” I said at saka tiningnan yung malaking wall clock na nandito sa cafeteria.

“It’s almost 1:00 p.m., I bet you have a class.” He said kaya naman ay tumango ako. I was expecting na ihahatid niya ako sa room but he just told me na “I guess, I'll see you the other time around. I also have class din kasi.”

Umasa na naman ako sa wala. Teka, sino bang nag-sabi sayong umasa ka?

“Ah, s-sige. Ako rin, eh. See you around na lang.” tumango lang siya at tinalikuran na ako. Bagsak ang mga balikat ko na lumabas ng cafeteria at bumalik na sa classroom namin.

“Oh, bakit parang pinag-bagsakan ka ng langit at lupa?” Agad na tanong sa akin ni Tania as soon as maka-upo ako sa silya ko.

“Wala.” Sabi ko na agad natuon ang pansin sa kakapasok lang na si Kuya Sed at dahilan rin para iyong ibang mga kaklase ko ay kiligin at kulang na lang ay tumili.

“Good afternoon everyone, I was being ordered by Mr. Alexander that he will not be able to conduct his class with your section because of an important matter he'd going to attend to..” hindi pa man natatapos si Kuya Sed ay mas umingay pa yung classroom namin dahil sa wala si Sir Alexander. “ pero may iniwan siyang activity para sa inyo. And kahit wala siya dito ay nandito ako para bantayan kayo.” Sabi niya na tumalikod na at isinulat sa white board yung activity na ipapagawa ni Sir Alexander. Kung gaano kanina kaingay dahil sa tuwa na wala si Sir Alexander ay ganoon rin ang ingay ngayon dahil sa pagkadismaya na mayroon pa itong iniwang activity.

Madali ko lang namang natapos iyong activity at agad ko iyong ipinasa kay Kuya Sed.

“Are you done?” tanong niya sa akin na seryosong seryoso talaga ang mukha. I was confident with all my answers on my activity book pero bakit kinakabahan naman ako bigla ngayong tinatanong niya ako?
He's looking at me like we're strangers, like he didn't confessed his feelings towards me. Siguro ay nilalabas lang niya yung personal na nararamdaman sa ini-utos sa kanya.

“Miss Manlapat?” ika niya sa malalim na boses dahilan para mabalik ako sa reyalidad.

“Ah, yes.” Sabi ko at saka na niya kinuha sa kamay ko iyong papel.
Phew! I feel the authority in him yung parang kailangan ko siyang sundin or else ay mapapagalitan ako. Mas terror pa siya kaysa kay Sir Alexander.

“You may go.” He said after I submitted my activity. Nakasunod na rin naman sa akin si Tania.

“Anong ganap doon kanina, te? Bakit parang kung umasta si Kuya Sed ay parang hindi ka niya kilala.”

“Naku, 'wag mo ng bigyan ng issue. Baka lang kase isinasantabi niya yung personal matters niya kapag ganoon.”

“Siguro nga. Pero nakakatakot pala kapag siya yung nagbabantay or kapag naging teacher siya, no?” hindi lang naman pala ako yung nakapansin 'nun.

“Hmm. Mas gusto ko na lang tuloy si Sir Alexander kaysa sa kanya.” Sabi ko pa pero kapansin pansin ang tingin ni Tania na parang gusto akong pigilan sa sasabihin ko. “Atleast si Sir ay hindi gaanong nakakatakot.”

“Ehem. Ganoon ba?”

That voice! That low-toned voice! Gosh! Narinig ba niya iyong mga sinabi ko?

“I'm sorry if I scare you kanina doon sa classroom niyo Miss Manlapat. It's because I want to act professional inside that classroom.” He explained.

“Ah, eh. O-okay lang, Kuya Sed. I.. I should be the one to say sorry.”

“Its okay.” He smiled. “Sige, I need to bring this to Sir Alexander's office.” Sabi pa niya na ipinakita iyong mga papel na ipinasa namin sa kanya kanina.

“Hay, ang gwapo niya talaga. Ang tanga mo lang kasi baliw na baliw ka dun sa ulupong na Brant na yun.”

“Yan ka na naman, eh.” Singhal ko naman sa kanya.

“So, ano? Matagal pa yung next class natin.”

“Tara sa library.”

“Library? Ano namang gagawin natin dun?”

“Ano ba sa tingin mo yung ginagawa sa library? Tss! Mas mabuti na yung mayroong stock knowledge tayo.” Sabi ko pa sa kanya na hinila na siya para hindi na makapalag.

“Fine! You don't have to drag me, okay?” kaya naman ay binitiwan ko na rin iyong kamay niya.

Hindi naman gaano kalayo iyong library namin kaya ay agaran rin kaming nakarating. Kinuha lang namin yung notebook, pen and of course our important things sa bag at saka iyon iniwan sa baggage. Patakaran kasi sa school library namin na only important things lang yung allowed dalhin sa loob. Kaya ganun.

Dumiretso na agad kami sa shelf kung saan nandoon yung hinahanap namin na book with regards sa subject namin. We are on our third year college and taking up Bachelor of Physical Education.

“Ano na naman kaya iyong magiging performance natin kay Miss Angeles?” Tanong ni Tania habang patuloy siya sa pag-scan noong book.

“Who knows? Pabigla-bigla lang rin naman kasi siya sa pagbibigay ng activity.” Natatawa kong sabi dahilan para mainis siya.

Palagi na lang kasing biglaan kapag magbibigay ng performance or activity si Miss Angeles, mabuti na nga lang at lahat ay nagiging attentive sa klase niya iyon nga lang ay nakakapagod naman. Worth it naman dahil hindi siya kuripot sa pagbibigay ng grades unlike other instructors na ginawa mo na ang lahat, nag-effort ka na't lahat ay mababa pa rin yung grades na matatanggap mo.

Naging busy naman kami sa books and pag-te-take down ng mga importanteng information noong biglang may tumabi sa upuan ko dahilan para magulat ako. Mabuti na nga lang at hindi ako masyadong eskandalosa.




LimitsWhere stories live. Discover now