Prologue

364 2 0
                                    

"2004"

"Tazanna, paglaki natin best friend parin tayo ah!"

"oo naman Max! Walang iwanan!"

"2009"

"Hoy! Layuan niyo si Tazanna! Inaano niya ba kayo ha!?  Kung panget siya mas panget kayo! Ang papanget ng ugali niyo!"

"M-max okay lang ako s-salamat pero sanay naman na ako"

"Zan hindi ka dapat nila ginaganon! You're beautiful inside and out"

"S-salamat Max kasi lagi kang nandiyan"

"Ano kaba! Yun dapat ang ginagawa ng kaibigan! Walang iwanan diba? hahahaha"

"Hahahaha walang iwanan!"

"ayan mas maganda ka pag naka smile i love you Zan! "

"I love you too Max..."

"2014"

"Zan, may sasabihin ako"

"Ano yun??"

"lilipat na kami sa Manila"

"H-ha? Iiwan mo nako? Diba s-sabi mo walang iwanan? B-bakit--"

"Shhh Zan don't cry. Di kita kakalimutan bibisitahin kita dito tuwing bakasyon okay?"

"promise?"

"Promise."

*****

Tazanna's Pov

Maaga akong gumising ngayon, mula nung umalis si Max wala na akong natanggap na message mula sa kanya kahit tawag wala, kinalimutan na nga niya yata ako eh pero hindi ako nawawalan ng pag asa, kilala ko si Max pag sinabi niya gagawin niya at sabi niya babalik siya.. Babalikan niya ako tuwing summer

At Summer na ngayon! Aabangan ko siya sa dati nilang bahay ngayon, miss na miss ko na yung unggoy nayun, siya lang kasi ang nagiisang kaibigan ko dito.. Walang gusto makipag kaibigan sakin kasi nerd ako.. panget ako

"oh anak? Goodmorning Ang aga mo ngayon ah?" bati sakin ni mama pagbaba ko ng hagdan

"Ma, nakalimutan mo naba? Summer ngayon at yang pilingera niyong anak eh umaasang dadating ang kanyang first love" sabat ni kuya agad ko siyang binatukan pagbaba ko kaya sumama ang tingin niya sakin

Si mama at kuya nalang ang kasama ko ngayon sa bahay.. Namatay si papa noong bata pa lang ako

Heart attack

"Naku Zade tigilan mo na yang kapatid mo, kumain nalang kayo.. Eh Tazanna anak sigurado ka bang dadating si Max ngayon?" 

"Oo ma" sagot ko at sumandok ng kanin "si Max kasi yung taong marunong tumupad ng pangako kaya may tiwala akong dadating siya ngayon" todo ngiti kong sabi

"naku eh hindi ka nga tinatawagan o minessage manlang, sigurado akong kinalimutan kana nun! Kadaming magaganda sa Manila! Sure akong mawawala kana sa isip nun panget ka pa naman"

Unti unting nawala ang mga ngiti ko sa labi dahil sa sinabi ni Kuya. Oo nga naman maraming maganda sa Manila bakit hindi ko naisip yun? Syempre mas pipiliin niya yung maganda kesa sa panget na tulad ko

"Zade naman. Tigilan mo nga yang kapatid mo, sige na Tazanna anak kumain kana magagalit si Max mamaya pag nagkita kayo at nalamang di kapa kumakain" ngumiti nalang ako ng pilit at saka kumain Pagtapos kong kumain ay naligo nako at nagbihis

Habang naglalakad patungo sa bahay nila Max natanaw ko ang dalawang Truck na nagbababa ng mga gamit

Lumakas ang tibok ng puso ko.. Sila na kaya ito? Inayos ko ang medyo nagulo kong buhok at pinagpag ang damit ko at tumakbo papunta sa harap ng bahay nila Max para kumpirmahin

"M-manong kanino hong mga gamit yang binababa niyo? Sa Dawson Family po ba?"
Tanong ko sa matandang lalaking may buhat na maliit na lamesa

Umiling ang matanda at binaba saglit ang lamesang hawak niya

"Hindi iha.. Sa Pamilyang San Jose ito, ang alam ko ay binili na nila itong bahay at lupa sa dating may ari, hindi na daw kasi babalik dito ang dating may ari nito kaya binenta na nila.. Sige iha may trabaho pako eh" binuhat muli ng matanda ang dala nito papasok sa malaking bahay nila Max na pagmamay ari na pala ng iba

Napatingin ako sa Bakuran nila at napaluha dahil sa mga ala alang pumasok sa utak ko, dito kasi sa bakuran nato kami naglalaro ni Max, dito din kami nagsumpaan na walang iwanan tumalikod nako at tumakbo habang may luha saking mga mata.. Hindi ko kayang tanggapin na hindi na babalik si Max dito hindi ko matanggap na hindi na niya tinupad yung pangako niya

Kinuha ko sa bulsa ko ang picture naming dalawa.. Lagi ko itong dala kahit saan ako pumunta

Tiningnan ko ang sulat sa likod ng picture..

Max Asher Dawson and Tazanna Lincoln
Best friend forever <3

Sabi mo walang iwanan
Sabi mo babalikan moko
Sabi mo hindi mo ako kakalimutan
Max miss na miss na kita
You're my best friend
My  Hero
My First love
I miss you.

Magkikita pa kaya tayong dalawa? Ngayong may ibang mundo kana? May ibang nagpapasaya na sayo? Sana naaalala mo pako.. Ako na palihim na nagmamahal sayo


My First LoveWhere stories live. Discover now