Chapter 1

171 4 1
                                    

TAZANNA

"Bunso,magiingat ka dun! Wala ako sa tabi mo para protektahan ka. Pag may nanligaw sayo dun sabihin mo agad sakin para maupakan ko"

"Kuya naman, sa itsura kong to!? May manliligaw? Imposible! Atsaka pagaaral ang pupuntahan ko sa Manila hindi love life!"

Luluwas ako ngayon papuntang Manila, tinawagan kasi ako ng tita ko at sinabing pagaaralin niya daw ako, syempre hindi ko na pinalagpas yung pagkakataon nato, malaking tulong din kasi ito kay mama para si Kuya nalang ang iintindihin niya sabi ni tita ay siya na daw bahala sa gastusin ko, may Mini Cafe Restaurant si Tita sa Manila pwede daw akong magtrabaho dun may apartment din siya na pwede kong tirhan may makakasama naman daw ako dun na nag aaral din sa school na papasukan ko kaya napa oo nalang ako

"Tama ang kuya mo Tazanna anak, magiingat ka dun babae ka parin, pagbutihan mo ang pagaaral mo, tumawag ka dito kapag may libreng oras ka okay?" bilin ni mama napangiti nalang ako at niyakap silang dalawa

"Mamimiss ko kayo.." napaluha ako dahil matagal ko din silang hindi makikita pero para sa future namin gagawin ko ito

"Sshh wag kana umiyak maiiyak din ako eh, saglit ka lang naman dun mag aaral ka lang" pinunasan ni mama yung mga luha ko si kuya naman ay natatawa nalang sa amin ni mama nagmana kasi ako sa pagiging madrama nitong si mama

"Sige na bunso, hinihintay kana nung driver ng taxi... Magingat ka dun" ginulo ni kuya yung buhok ko kaya sinamaan ko siya ng tingin magulo na nga buhok ko guguluhin pa sipain ko Itlog mo eh tingnan natin kung di ka mabaog

"Kahit kelan ka talagang unggoy ka! Wag ka sana sagutin ng MGA nililigawan mo!"

Sa dami dami ng nabibighani nitong kuya ko hindi siya nauubusan ng girlfriend, pinaka matagal niya yatang naging girlfriend ay dalawang araw

Parang damit lang sa kanya ang mga babae na araw araw pinapalitan

"Asa ka bunso! Sa gwapo kong to? Di nila ako sasagutin? Aba! Tanga nalang sila"

"sabagay kelan kaba nanligaw?"

"Naku Zade tigilan mo na iyang kapatid mo, sige na Tazanna pumasok kana sa Taxi dalawang oras pa byahe mo hinihintay kana ng tita Tessa mo magingat ka dun" pigil ni mama sa amin ni kuya

Dumila ako kay kuya kaya lalo siyang nainis

:b (ME)

-_- (KUYA)

"alis na po ako, magiingat din ho kayo dito tatawag ako pagdating ko dun i love you both"

Huling sinabi ko at pumasok na sa loob ng taxi, tiningnan ko ulit sila at kumaway hanggang sa unti unti na silang nawala sa paningin ko

Kinuha ko ang cellphone at earphone ko

At plinay ang favorite song ko

It's a small town
Word gets around
And travels in circles
Through hoops over hurdles
Everyone's careless
They talk about our mess

They don't care how it hurts me
Must think it was easy
They say you have a new love
I'm happy for you love🎶

Nakatingin lang ako sa bintana habang nakikinig sa kanta nang madaanan namin ang dating bahay nila Max, bigla kong naalala si Max..

Sa manila nga din pala siya nakatira, posible kayang magkita kami dun? Napabuntong hininga nalang ako sa naisip ko.. Imposible sa laki ba naman ng Manila?

Hindi na niya ako binalikan, nakalimutan na nga niya yata ako hahaha pero ako? Ito umaasa paring babalik siya dito sa Probinsya at dadalawin ako.. Ako na kababata niya

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 12, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My First LoveWhere stories live. Discover now