Chapter Seventeen

106 5 0
                                    

"Seryoso ba talaga ang hospital na ito? Grabe napaka high-tech. Puro robot na ang doctor di na nakakahiya pag may tinanong sayo." Pati higaan ng pasyente napaka ganda.

Mukhang tanga lang pink na pink ang kwarto nung bata ako favorite ko ang pink at ganitong ganito talaga ang hospital na pinapangarap ko pero ngayun naasiwa ako sa kulay.

"Pink is your favorite color right?" Tanong ni Drake.

"Ano ka bata? Syempre karamihan sa batang babae fave ang pink pero malalaman niya din na may mas maganda pang kulay kesa sa pink." Sagot ko.

"Like what?" Tanong nito.

"Rainbow." Walang kwentang sagot ko.

"Your test is okay. But you need to be here until your fever is gone also we can't go out it's 9pm already." Napairap ako at umayos ng higa.

"Humanap ka ng pwesto mo or sabihin mo may sakit ka rin para bigyan ka ng kwarto mo." Suggestion ko.

"I'm okay here." Turo niya sa higaan ng nagbabantay sa pasyente.

"Hindi mo naman siguro ako mamanyakin no." Sambit ko na kinakunot ng noo niya.

"Why would I do that?" Inis na tanong niya.

"Wala lang syempre magandang babae ako  baka ma tempt ka. Pero di naman lugi sa lahi napaka gwapo mo." Humiga siya na parang walang pake sa sinabi ko.

"You have fever Jane, stop hallucinating things that won't happen." Walang ganang sagot niya habang nakapikit.

"Excuse me! Para sabihin ko sayo marami ang patay na patay sakin to the point na nagiging stalker ko na at halos kidnapin ako para lang mapasakanila ako!" Hindi ko alam kung anong pinalalabas ko pero nakakainis lang kasi siya.

"Maybe I'm not one of them. I can sleep peacefully without thinking a girl like you." At tumalikod pa siya sakin.

"So anong ibig mo sabihin? Na hindi ako pasok sa standard mo?" Inis na tanong ko.

"Yeah." Sagot niya.

"Ang kapal ng mukha mo! Heler! Si Jane na to! Bwiset!" Binato ko pa sa kanya ang unan.

"Why are we fighting? Do you want me to like you?" Natameme ako sa tanong niya.

Oo nga no!

"Hindi yun ganun, para kasing pinalalabas mo na panget na panget ka sakin." Nakakasama kaya ng loob.

"You're not ugly okay! Are we clear?" Napairap ako sa sagot niya.

Napilitan lang siya badtrip siya!

"Oo tama ka hindi ako panget! Hintayin mo makikipag date ako!" Sigaw ko at natulog na. Bahala siya bwiset siya ipapakita ko sa kanya ang alindog ng isang Jane Rose.

Kinaumagahan umuwi kami parehas kaming walang imik kaya lalong nakakainis. Wala naman siyang sinabi na masama pero sa patagalan ng walang imik talo talaga ako sa kanya.

"Uy, jane anjan na pala kayo." Naabutan pa namin si chase na paalis na.

"Parang ang busy mo lately? Seryoso ka ba talaga na tama yang pinag gagawa mo? Wala ka parin bang lead na nakuha." Umiling ito at umakbay sakin.

"Kung gusto mo ako makita hahanap ka ng lugar na maraming babae andun ako lagi. Pero maganda rin yun diba malay mo makita ko ang kapatid mo dahil dun." Tama siya mas madaling mahahanap ni chase si Julia dahil babaero siya.

"May kwenta rin pala ang mga womanizer na gaya mo akala ko kasi nakakadiri ka lang." Naglakad ako paalis at kitang kita ko ang pagkagulat sa mukha niya.

The World Full Of Lies ( The Secret Island Of martian) Series 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon