1/1

98 1 1
                                    

"JENIKKA! SAGLIT!" sigaw ni Taehyung habang hinahabol ako. 

Ano ba naman yan? 'Di pa ba siya nagpapagod sa walang sawang pag-reject ko sa kanya? Ilang beses ko na siyang nireject. Na-kzoned, na-seenzoned, na-friendzoned  ko na siya lahat lahat di parin siya natigil? Ano bang hindi niya maintindihan?

"ANO?!" inis kong sagot nang tumigil ako para harapin siya.

"Ihahatid na kita." sabi niya sabay hawak sa kamay ko na agad ko namang ibinawi mula sa kanya.

"Ano ba Taehyung? 'Di ba sabi ko sayo na itigil mo na yang pangliligaw mo sa akin?"

"Sa gusto mo at sa ayaw mo, liligawan kita. Wala ka pa namang boyfriend diba?  Edi walang makakapigil sa akin." sagot niya habang hinahawakan ulit yung kamay ko.

Ahh, so kapag nagkaboyfriend na ako titigil na ba siya? Kung ganun lang kasimple aba sana sinabi niya ng mas maaga.

"Wala akong boyfriend? Sino naman nagsabi sa iyo niyan? Sa gandang kong to wala akong boyfriend?" lakas loob kong sinabi. Hindi naman masamang magsinungaling diba? Gusto ko lang talagang itigil na tong kahibangan niya.

Napahinto siya sa paglalakad nang sabihin ko iyon. Sana maniwala siya. Sana! 

"Hindi ako naniniwala. Wala kang boyfriend, Jenikka." mahina niyang sabi.

"Meron nga! Tawagan ko pa ngayon para lang malaman mo eh." oh sht bakit ko nasabi yun. Sino naman tatawagan ko kapag nagkataon?

"Then, prove it. "

Dali-dali akong naghanap ng contact sa cellphone ko na pwedeng tawagan. 

Sht naman kasi bakit yun pa yung naisip ko? Bakit pa kasi-- uggh!

Nang nakita ko ang pangalan ni Jungkook, agad agad kong pinindot yung call button. Maya-maya pa ay agad itong nag ring.

"Hello?" Yes! Sinagot ni Jungkook!

"Hello honeybunch! I miss you!" Agad kong sinabi na medyo exaggerated pa.Yuck honeybunch? Saang sulok ng mundo mo napulot yang salita na iyan, Jenikka? Eew.

Tiningnan ko yung reaksyon ni Taehyung. Halata sa mukha niya na nagulat siya at nagseselos at the same time. Konting acting pa more Jenikka, maniniwala na iyan.

"What the? Anong kalo--"

"Yes honeybunch! Kumain na ako. Ikaw ba? Wag kang magiistay sa labas ng matagal. Malamig pa naman ngayon." Yak, ano ba yang lumalabas sa bibig ko? 

Yakk--

"Jenikka, ano ba--"

Fake to RealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon