Carmela's POV
"Kamusta po ang lagay ni Dash doc?" tanong ko sa doctor nang lumabas ito. Kakarating ko lang kasi kasama ko si Alex, sumakay ako sa kotse niya since wala akong pamasahe 'saka ang layo pa naman nitong hospital dahil mayayaman lang ang pumapasok dito.
Hindi na ako nag aksaya pa ng oras at mabilisan kong pinuntahan si Dash dito, 'di ko narin pinaalam kina manang ang nangyari baka aatakihin 'yun dahil ang alaga niya nasa hospital. Ano ba kasi ang nangyari sa lalaking 'yun? Nakipag basag ulo na naman?
"He's fine. Kailangan niya lang maobserbahan ng maayos," sagot ng Doctor.
"Ano po bang nangyari sa kaniya doc?" tanong kong muli. Baka kasi malala ito dahil kailangan pa talagang obserbahan. Kaloka! Sabagay may ibabayad naman iyang si Dash. Mayaman eh.
"May mga iilang pasa s'ya sa mukha at braso, hindi naman malala."
'Yun naman pala PASA lang pero kung magpa-observe parang may sakit talaga! Ang daming arte talaga nitong si Dash pwede naman kasi s'yang gamutin sa bahay, kayang kaya niya 'yon. Pero dahil RICH KID s'ya? Nagpa-hospital ang ugok, maarte kasi kaya ganyan 'yan.
"I have to go ladies." paalam ng Doctor. Pilit na lamang akong ngumiti 'saka pinasok ko na 'yung room ni Dash. Pero bago 'yun? Kinalbit ako ni Alex sa likuran, humarap naman ako sa kanya.
"Aalis na rin ako kasi susunduin ko si Seros sa piano lesson niya, babalik lang ako,"
"Sige salamat pala ha, pero 'wag ka nang bumalik pa dahil kaya ko na ang sarili ko, simpleng pakipot lang dito sa boss ko bibigyan ako ng pamasahe n'on bye!" nakangiti kong sagot.
"Ikaw talaga! Sana 'di mag mana 'yang anak mo sa'yo! Kasi jusko!"
Tsk. Inirapan ko na lamang s'ya at tumawa naman s'ya, may sabit na talaga ang babaeng 'yun, kung ano-ano ang sinasabi eh. Huminga ako ng malalalim, tuluyan na akong pumasok sa room ni Dash.
Nakahiga s'ya ngayon sa kama habang pikit ang mga mata, pinaglandas ko 'yung tingin ko sa braso at mukha nito, kaya lang? Ni isang pasa wala akong nakita. Anong kalokohan 'to?! Totoo bang nabugbog ang lalaking 'to? Bakit ni isang galos man lang wala akong nakita? Pinagloloko ba ako ng lalaking 'to?
"Huy Dash! May pasa ka ba talaga or wala?! Anong kahibangan 'to! Sumagot kang piste k..."
"Who are you, Miss? Bakit sigaw ka ng sigaw dito? Sinong Dash ang tinatawag mo? Ako si Miguel,"
Tila lumipad sa ere ang reaksyon ko dahil sa lalaking ito. Mulat na ang kaniyang mga mata at umupo ito, ngayon lang rumehistro sa akin ang buong katotohanan, hindi si Dash Zeref Evans ang lalaking 'to!
"Oh my God! Sorry ha sorry!"
"Akala ko si Dash ka."
"Its okay Miss-huy saan ka pupunta?"
"Bye!"
"MISS!"
Hindi ko na s'ya liningon pa nang lumabas ako sa room niya. Bwesit laking kahiyaan na naman 'yun, pero ni hindi man lang rumeact 'yong doctor kanina! Bulag ba 'yong doctor or bingi? Hindi niya ba nakita ang buong pangalan ng pasyente? Jusko! Kahiyaan na dis. Nahospital ba talaga ang lalaking 'yun? Or baka kadramahan niya lang? Minsan topakin pa naman ang gagong 'yun.
Luminga-linga ako sa paligid para hanapin ang exit, paniguradong wala dito si Dash dahil maling hospital ang napuntahan ko, pero? Alam ni Alex na nasa hospital si Dash. Baka maling hospital 'tong pinasukan ko.
Nang may dumaan na nurse sinita ko ito na parang kapre sa kanto. Agad namang tumaas ang kilay ng nurse. Aba mataray.
"May iba pa bang mayaman na hospital dito?" tanong ko.
"Pang mayaman na hospital? Wala pong ganyang name ang hospital, Ma'am." sagot nito sa natatawang tono, kung sapakin ko kaya ang nurse na'to? Tingnan lang natin kung makatawa pa s'ya.
"Sabi ko may ibang hospital pa ba dito! 'Yung mga mayayaman lang ang nakaka-afford," naiinis ko na sabi.
"Mahirap ka ba, Ma'am?"
"Kung sampalin kaya kita diyan? Trabaho mo ba ang mag interview ha! Sagutin mo 'ko bilis kung ayaw mong manganak ako dito ng wala sa oras!"
Dahil sa sinabi ko, binaba niya ang tingin niya sa tyan ko, tumawa ito ng malakas nang makita niyang 'di lumulubo ang tiyan ko. Jusko ang sarap manampal ngayon, katangahan pa nurse yayaman ka n'yan.
"Ma'am base s..."
"Sagutin mo 'ko ng maayos!" singal ko. Pero inilingan niya ako.
"Ma'am hindi naman po kayo bu..."
"Bwesit!" Iritado kong singal tapos lumiko ako sa kabilang hallway ng hospital baka kasi pag pinatulan ko 'yon talagang sira ang mukha n'un sa'kin. Kainis ang daming tanong tanong! Hindi na lang sumagot. Nakakagigil talaga 'yong tipong gusto mo nang pumatay ng GW...
"Carmela?"
"Ay GWAPO!" sigaw ko dahil sa gulat. Hinawakan ko ang dibdib ko 'saka inangat ang tingin para harapin ang mapangahas na gumulat sa akin. Tila nalaglag ang mga ngipin ko dahil kaharap ko ang gwapong mukha ni Dash, totoong may mga pasa ito sa mukha ganu'n din sa braso. Nagkamali ba akong pinasukan na room?
"Why took you so long? Kanina pa ako nabwe-bwesit sa mga nurse dito!" sambit nito na halatang kanina pa nga napipikon. Napatingin tuloy 'yung mga nurse sa kanya lalo na 'yung bruhildang nakasagutan ko kanina, nakataas parin ang piste niyang kilay.
"Bakit ba kasi nagpa-hospital ka pa! Ang dami mo kasing arte!"
"Are you damn shouting at me, Carmela?" madiin na tanong niya. Natahimik naman ako. Madilim na ang kaniyang mga tingin ngayon 'yung tipong kakain ng buhay na tao.
"Ah eh, ang arte mo k... wahhhh! Saan mo 'ko dadalhin!"
"We're going home now, Carmela! Gutom na gutom na ako and you need to cook for me since manang is on vacation."
"Paano naman 'yong mga natirang maids?"
"Walang natira, Carmela wala na. They all fired, ang tanga kasi, tsk hurry up stupid," bulalas niya tapos hinila na naman ako palabas ng hospital. Para tuloy akong dinakip nito dahil sa paraan ng pagkakahila niya, jusme wala akong ginawang masama.
"Ano ba! May utak ka pa ba? Sino na ang maglilinis ng bahay mo? Wala pa naman si manang tapos winalan mo pa ng trabaho iyong mga kasambahay, parang ikaw ang nagpapasweldo ah!"
"Ang dami mong sinasabi, andito ka naman. Pwede kang taga-luto at taga-linis, bakit pa ako mag-hahanap ng iba?"
Damn it!
Paano kung mabuntis ako? Hindi na ako pwedeng magtrabaho.
"Anyway? Nakita kita sa Pharmacy kahapon. Anong ginawa mo do'n?" kunot noong tanong niya.
Hindi kaya s'ya iyong nag text?
"Are you sick?"
****
