Chapter One

65 2 0
                                    

Dos Primo

Sa halos dalawang buwang pagstay ko sa America, halos hindi na ako nasanay dito sa Pinas. Parang naninibago nanaman ako.

Hindi ko alam, pero kahit may lahi akong pinay, hindi gaanong sanay ang katawan ko dito.

I stayed in America, for almost 2 months.

I used my summer vacation in America, para makapag-bonding naman kami ng mga pinsan ko. Dalawang pinsan ko, si Kuya Sebastian, pati na si Kuya Jordan.

"Manong, kamusta naman po sila TamTam, pati na si Timmy?" Pagbasag ko sa katahimika'ng bumabalot sa sasakyan, ang mga batang 'yon. Sila ang mga anak ni Mang Ramon, family driver namin. Para na 'ding pamilya dahil sa tagal nilang pagtratrabaho sa 'min.

"Maingay at makulit pa 'din gaya ng dati Hija, ikaw? Gumanda ka lalo, dalawang buwan ka lang nawala. Pero parang ang daming nagbago sayo." Si Mang Ramon talaga! Napaka hilig mangbola.

Gusto ko pa sanang isagot yun ngunit panigurado ay itatanggi nya lang. "Mang Ramon, si Aling Tipay 'ho?"

Ang tinutukoy ko naman ay ang asawa nya, si Aling Tipay.

Mabait silang mag-asawa, kaya naman ay pati mga anak nila ay nagmana sa kanila.

"Nagpapahinga sa bahay Hija, alam mo naman ang matandang 'yon. Sakitin na, halos hindi na makapag-trabaho, kaya ako nalang ang kumakayod sa pamilya namin." Napatingin naman ako kay Mang Ramon habang nagkwe-kwento sya at hawak ang manibela.

Sila ang minsan tumatayong mga magulang sa 'kin sa mga panahong magulo ang pamilya namin, halos sila na nga ang ituring kong pamilya.

You can't blame me, i didn't grown up together with my parents.  They're always busy, busy with their fuckin' businesses!

Another problem with my parents is, Dad has another family. I can't also blame him, hindi na siguro sya masaya kay Mom nung mga time na 'yon.

Palibhasa, naging pabaya din si Mom sa 'min. Inuna nya ang Career nya sa London, kaya lalo silang nagkalabuan ni Daddy.

Siguro ay hindi talaga sila para sa isa't isa, broken family na kami.

How funny to think that, I Dos Primo, grown up in a rich and sucessful, but broken family.

Naagaw naman ni Mang Ramon ang atensyon ko ng magsalita sya. " Hija, tama na ang pag-iisip. Mahal ka ng mga magulang mo."

Ngumiti naman ako sa kanya ng pilit atsaka inilipat ang tingin muli sa bintana, 'yan ang madalas nilang sabihin noong maliit pa ako. Kayang-kaya nila akong utu-in noon, ngayon naman ay hindi na nila ako naloloko.

"Manong, kung mahal nila ang isa't isa, bakit sila naghiwalay?" Takang tanong ko kay Mang Ramon, kahit hindi pa 'din naaalis ang tingin ko sa labas.

"Hija, may tinatawag tayong 'tadhana' kung kayo ang para sa isa't isa, pagtatagpuin nya kayo, kahit gaano kalayo, kahit gaano kahirap. Magtiwala ka lang sa kanya, sa sitwasyon ng mga magulang mo, mukhang hindi sila ang para sa isa't isa, parang hindi sila magiging masaya kung manatili sila sa iisang bahay na akala mo ay okay lang sila pareho. Hija, sa tingin ko, naging daan lang silang dalawa para ipanganak ang batang tulad mo." Hindi ko alam kung matutuwa o maiiyak ako sa sinasabi ni Mang Ramon, siguro nga ay tama sya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 30, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Taming The Badboy Where stories live. Discover now